CHAPTER 13

564 6 0
                                    

Chapter 13: Special Assistant

Lunes ngayon at balik trabaho ulit ako. Hindi ko alam kung nakabalik na ba si Kenj dito pero nakapag desisyon na ako. Kakausapin ko siya para maliwanagan na ako.

Nagtataka naman ako dahil hindi ko makita ang mga gamit ko. Wala na ito sa aking table.

Binalingan ko si Faye para tanungin siya. "Faye nakita mo ba ang mga gamit ko bat wala sa table ko?"

"Hmmpph!" Hindi niya ako sinagot at bigla nalang akong inirapan.

Problema nito. Alam ko namang wala akong kaclose dito sa office pero wala naman akong natatandaan na nag-away kami.

Kumunot naman ang noo ko sa kanya.

"Oh Shan ano pang ginagawa mo dito?" Nagulat naman ako sa pagsingit ni Mr. Santos.

"Bakit po sir? Sisante na po ba ako kaya ba wala na iyong mga gamit ko dito?" aligagang tanong ko kay sir.

Kinakabahan ako ayaw kong mawalan ng trabaho lalo na't lumalaki na ang mga anak ko at gusto na nilang mag-aral. Ano na lang ang pangtustos ko sa kanila kung mawawalan ako ng trabaho.

"Ano kaba, talagang wala na ang mga gamit mo dito dahil promoted kana Shan congrats!" masayang sagot sa akin ni sir.

Anong pinagsasabi ni sir paano naman ako mapo promote.

Nagtataka ko siyang tinanong. "Sir ano pong ibig niyong sabihin," kunot noong tanong ko kay sir.

"Promoted ka na ni Mr. Villamor. Ginawa ka niyang special assistant kaya wala na rito ang mga gamit mo dahil pinadala na ni sir sa office niya," pagpapaliwanag sa akin ni Mr. Santos.

"P-po? Andito na po si Mr. Villamor?" tanong ko naman.

"Oo kaya pumunta kana sa office niya dahil kanina kapa niya hinihintay," sabi ni sir at umalis na. Hindi naman ako makapaniwala sa sinabi niya.

"Tch hindi mo naman sinasabi sa amin na malakas ka pala kay Mr. Villamor Shan. Naunahan mo pa ako na mapromote," may panunuya sa mga binigkas ni Miss Helga.

"Oo nga naman Shan. Dati na ba kayong magkakilala ni sir at ginawa ka pa niyang special assistant niya?" segundang tanong ni Faye.

Ang iba naman ay makahulugan lamang akong tinitignan na animo'y hindi talaga sila makapaniwala na mapopromote agad ako ni Kenj.

"H-ha hindi, h-hindi kami magkakilala," utal kong pagsisinungaling.

Iiling iling lang sila at matatalim ang tingin sa akin.

"Sige alis na ako," pagpapaalam ko nalang at agad na tinungo ang office ni Kenj dala ang aking bag.

Ano na naman kaya ang nakain niya at kailangan pa niya akong gawing special assistant niya.

Nagdadalawang isip ulit tuloy ako kung kakausapin ko pa siya para malaman ko ang totoo. Iniinis na naman kasi niya ako e.

Napabuntong hininga na lamang ako at sumakay na ng elevator.

___

CEO's OFFICE

Narito na ako sa loob at agad kong namataan ang mga gamit ko sa isang table katapat ng table ni Kenj.

Nakita ko naman siyang nakaupo sa swivel chair niya at napakalapad ng ngiti sa akin.

Huminga ako ng malalim at agad siyang tinanong. "Sir ano pong ibig sabihin nito?"

"What?" pagmaang-maangan niya pa at ngiting ngiti pa rin. Kumulo naman ang dugo ko sa kanya. Mukang magkakaroon pa ako ng kaaway dahil sa pag promote niya sa akin bigla bigla.

Hiding The CEO's Twins(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon