CHAPTER 48: SMALL WORLD
SHANBRI POV
Lunch break na namin dito sa Cafe na aking pinagtatrabahuhan.
Kaming dalawa muna ni Jason, ang aking kasamahan dito sa trabaho, ang unang kakain ng lunch at pagkatapos namin ay susunod naman si Gelo na kakain ng lunch.
Hindi kami pwedeng magsabay lahat na mag-lunch break dahil walang maiiwan para asikasuhin ang mga customer.
Kaya naman ay salitan kami at kung maaari ay dapat na mabilis na matapos sa aming pagkain.
Ngunit hindi ko naman magawang kumain ng maayos dahil malimit akong nakatulala dahil sa aking problema.
Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung paano magkakaayos si Yaj at ang kanyang ama dahil mukhang seryoso si Yaj sa sinabi niya na baka hindi niya kayang patawarin ang kanyang ama kung hindi ito makikipaghiwalay sa kanyang asawa para bumalik sa akin.
Dumagdag pa sa aking problema ang nalalapit na school fair ng mga bata dahil kailangan daw na umattend ang kanilang both parents.
Pero alam ko naman na baka ako lang ang makakapunta dahil hindi naman namamalagi rito si Kenj at paniguradong palagi rin siyang busy sa kanyang trabaho sa Maynila.
“Hello? Naririnig mo ba ang sinasabi ko, Shan? Ayos ka lang ba, kanina pa ako nagsasalita dito pero hindi ka naman sumasagot. Parang hindi mo ata ako naririnig.”
Bigla naman akong nabalik sa reyalidad ng marinig ko ang bulyaw ni Jason sa akin dahil kanina pa siya nagsasalita ngunit hindi ko siya pinapansin.
Agad naman akong napangiwi at nangiti na lamang ako ng awkward bilang tugon sa kanyang sinasabi.
“Oh, pasensya ka na, Jason. Marami lang akong iniisip ngayon. Ano ba iyong sinasabi mo kanina?” tanong ko na lamang sa kanya at humingi ng pasensya sa aking pagiging lutang.
“Ang sabi ko bakit parang hindi mo ata ginagalaw ang kinakain mo? Mukhang malalim ata ang iniisip mo."
"May problema ka ba? Huwag kang mahihiyang magsabi sa akin dahil baka makatulong ako sayo. Malay natin hindi ba?” Paguulit niya ng kanyang tanong.
Agad naman akong napangiti dahil sa kanyang sinabi.
Laking pasasalamat ko na kahit panay lalaki ang mga kasama ko dito sa aking trabaho sa Cafe ay wala naman akong nagiging problema sa kanila so far dahil lahat sila ay mababait at may respeto sa babae.
Kahit alam nila na may mga anak na ako at isa akong single mother ay never nila akong hinusgahan.
At sa katunayan nga ay lagi nilang sinasabi sa akin na gusto nilang makita sa personal ang aking kambal na anak dahil curious raw sila kung sino ang kamukha ng mga ito.
Ngunit tanging tawa lamang ang aking naisusukli sa kanilang mga tanong dahil alam ko naman na hindi ako ang kamukha ng kambal dahil halos lahat ng kanilang facial features ay nakuha nila sa kanilang ama lalo na ang kanilang kulay abong mga mata.
“Oh, pasensya na. Hindi lang talaga ako makakain ng maayos dahil sa mga problema ko. Ang totoo niyan, malapit na ang school fair ng mga anak ko at kailangan daw na dumalo ang bawat parents."
"Ayaw ko naman na mapahiya ang kambal dahil ako lang ang makakadalo sa kanilang school fair kasi wala ang kanilang ama."
"Ayaw kong maging dahilan iyon para pagtawanan ang mga anak ko. Hindi ko kayang makita na napapahiya sila,” pag-amin ko kay Jason sa malungkot na boses.
“Naku! Mabuti at mukhang hindi pa kayo tapos kumain dahil may dala akong magandang balita. May dalang maraming pagkain ang matalik na kaibigan ni boss galing sa Maynila para sa ating lunch."
"Kaya naman ay pinapatawag tayong lahat ni boss sa kanyang office dahil doon daw tayo sabay-sabay na kakain.”
Medyo nagulat naman kami sa biglaang pagsulpot ni Gelo sa staff room kung saan kami kasalukuyang kumakain ng linch ni Jason.
Mukhang sobrang saya niya at sobrang excited dahil sa kanyang boses at facial expressions.
Napakunot naman ang aking noo sa kanyang sinabi.
Sino naman kaya ang matalik na kaibigan ni Sir. Tyrone na kanyang tinutukoy?
Bigla naman akong naging curious sa katauhan niya.
“Wow, talaga bro! Nakakaexcite naman iyan. For sure masasarap lahat ng pagkain at mamahalin."
"Mabuti na lang konti pa lang ang nakakain ko. Ano pang hinihintay nyo? Tara na sa office ni boss!” Agad na sagot no Jason habang natatawa.
Bigla na lang siyang nabuhayan at lalong naging energetic dahil sa dalang balita ni Gelo. Napangiti na rin ako at bahagyang umiling dahil sa naging asta ng aking mga kasamahan sa trabaho.
Tuwang-tuwa ang dalawang lalaki habang kami ay patungo sa office ni Sir. Tyrone. Habang ako naman ay tahimik lang na sinusundan sila.
Sabi ni Gelo ay mga mga tauhan daw na kasama ang matalik na kaibigan ng aming boss kaya sila muna ang bahala sa aming customers dito sa Cafe.
Nakita ko naman na nagsasabi ng totoo si Gelo dahil agaw pansin ang mga men in black na naging instant staff dito sa aming Cafe.
Maging ang mga customers ay nagtataka sa kanila at hindi ko naman sila masisi dahil nakapagtataka naman talaga ang kanilang mga bihis na animo’y parang mga secret agent na nasa isang secret mission.
Hinayaan ko na lamang sila ng kami ay dumaan sa counter para pumunta sa office ni Sir. Tyrone.
“Hey, I am so glad you are all here now. My friend and I have been waiting for you here and if you don’t know, my friend here really hates waiting because he is a short tempered guy. Am I right with that, Yael?”
Agad naman akong napanganga dahil sa aking nakita pagdating namin sa office ng aming boss.
Nanlalaki ang aking mga mata at pakiramdam ko ay nanghihina rin ang aking mga tuhod.
Idagdag mo pa ang abnormal na pagtibok ng aking puso ngayon na tanging isang tao lamang ang may kakayahan na magbigay sa akin ng ganitong epekto.
“You don’t need to taint my name in front of your staff, Alcantara. I just came here to treat them to a good lunch and also because of a specific reason."
"I bet you clearly know that reason, however I just want you to shut your mouth. Did you understand that?’ aroganteng sagot lamang ni Kenj sa aming boss na siyang may-ari ng Cafe kung saan kami naroroon ngayon.
Oo, tama kayo ng iniisip dahil si Kenj nga ang bumungad sa amin pagdating namin dito sa office ni Sir. Tyrone.
At kung makapagsalita pa siya ay akala mo ay siya ang nagmamay-ari ng Cafe na ito dahil wala man lang kahit konting paggalang sa kanyang tono ng pananalita sa aming boss.
Napailing na lamang ako dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagbabago.
Naroon pa rin ang ugali niya na may pagka-arogante at masyadong bossy.
“HAHAHA! I am just joking around okay? You are so serious, Yael. Anyway, come here guys, feel free to eat and enjoy all the foods on the table because that is all Yael’s treat."
"And most especially for you, Shanbri. Yael brought all of your favorite foods so I am sure that you will like all of them. Come on, please eat and enjoy your food. Don’t mind us here, okay?” sabi ni Sr. Tyrone habang nakangiti ng malawak.
Agad naman na kumunot ang aking noo sa kanyang sinabi.
Bakit naman naisipan pa ni Kenj na dalhin ang aking mga paboritong pagkain?
At paano kaya niya naging matalik na kaibigan si Sir. Tyrone?
Alam rin kaya ng aking boss ang nakaraan naming dalawa ni Kenj?
Dahil kung oo, ay talagang nakakahiya iyon at hindi ko alam kung paano ako haharap kay Sir. Tyrone lalo na ngayon na alam ko na matalik silang magkaibigan ni Kenj kaya hindi imposible na mapag-usapan nila akong dalawa.
Napa buga na lang ako ng malalim na hangin sa aking naisip.
Ang buong akala ko ay malayo na kami ni Kenj sa isa’t-isa ngunit mistulang nagiging maliit ulit ang mundo para sa aming dalawa.
BINABASA MO ANG
Hiding The CEO's Twins(COMPLETED)
RomanceSi Shanbri ay isang simpleng babae lamang ngunit ang kanyang kasintahan na si Kenji Yael ay isang bilyonaryo na CEO. Sa kabila nito, mahal pa rin nila ang isa't isa nang walang kondisyon. Hanggang sa isang araw, nalaman ni Shanbri na si Kenji Yael...