CHAPTER 9

562 4 0
                                    

Chapter 9: Babe

Pagpasok ko sa loob ng bar ay agad na bumungad sa akin ang napakalakas na tugtog. Nakakasilaw ang ibat-ibang kulay na ilaw at ang mga tao naman ay hyper na sumasayaw sa dancefloor.

Ang iba naman ay busy sa pag-inom at may kanya kanyang grupo.

May nakita pa akong naghahalikan sa gilid ko. Ang kamay ng lalaki ay naglalakbay na sa katawan ng babaeng hapit na hapit ang kasuotan at kinulang ata sa tela.

Ano ba naman ang mga to hindi na ginawa sa hotel o kung saan man yang gusto nila. Napairap nalang ako sa kawalan.

First time kong makapasok sa bar dahil hindi naman ako palainom. Naalala ko pa ay isang beses pa lang ako nakainom ng alak noong broken hearted si Trish.

Pinuntahan ko siya sa apartment niya dati at doon siya nag-inom. Pinilit niya lang akong tikman dahil kailangan ko raw siyang damayan bilang bestfriend niya.

Kasalanan talaga ito ng boyfriend niya. Hay nasisi pa tuloy noh. Pero ang kaibigan ko naman ay nakipagbalikan parin kahit naloko na. Napaka rupok ng bessy ko. Huwag niya lang akong mayaya-yaya ulit kapag nag break ulit sila dahil ayaw ko na talagang uminom. Ang pangit ng lasa ng alak.

Anyway, nagpalinga linga naman ako para makita sila Kenj. Ang mokong na iyon ako pa talaga pagpoproblemahin sa pag-inom niya.

Ang akala ko ay nagbago na siya at hindi na nagbabar pero hindi pala. Siguro ay binalik niya noong iniwan ko siya.

Napailing nalang ako sa naisip. Hindi naman siguro ako ang dahilan. Assuming lang talaga ako hay.

Kanina pa ako naghahanap sa kanila pero hindi ko sila makita. Asan na ba ang mga iyon.

Bigla namang may tumawag sa pangalan ko. "Miss Shanbri dito!" sigaw ng kung sino man.

Napakalakas kasi ng tugtog at kung hindi mo lalakasan ang boses mo ay hindi ka talaga maririnig ng kausap mo.

Agad naman akong napalingon sa tumawag sa akin.

Napanganga naman ako sa nakita. Napakagwapo ng mga lalaking ito. Nakaupo sila sa couch sa bandang kaliwa malayo sa dancefloor.

Namataan ko naman kaagad ang pakay ko. Kasalukuyan niyang iniinom ang isang bote ng beer. Napansin ko naman ang mga boteng walang laman sa mesa nila.

Marami rami na rin ito. Mukang marami na talagang nainom ang loko. Hindi ba siya naaawa sa atay niya.

Napabuntong hininga na lamang ako at lumapit na sa kanila. Namataan ko ang apat na lalaki na kasama ni Kenj. Siguro ay mga kaibigan niya ito. Hindi ko sila nakilala dati dahil ayaw kong ipakilala ako ni Kenj sa mga kaibigan niya.

Napakagwapo nilang lahat at halata mong may sinasabi sa buhay. Bawal siguro ang panget sa barkada nila.

Bigla namang kumunot ang noo ko. Paano pala nila ako nakilala dahil hindi pa naman nila ako nakikita dati. Sigurado naman akong ngayon pa lang kami nagkita.

Nang makalapit na ako sa kanila ay isa isa nila akong tinignan mula ulo hanggang paa. Mukang jinajudge na nila ako base sa kanilang tingin.

"So you're the wife. Infairness cute ka naman sa malapitan. Hindi ko alam na mga bata na pala ang tipo ngayon ni Yael. Kinasal na pala ang g*g* at hindi man lang nag imbita." At bahagya pa siyang napangisi. Marahil ay ito iyong nakausap ko sa cellphone base narin sa kanyang boses.

Anong bata. Hindi na kaya ako bata may anak na nga ako eh kambal pa. Gusto kong sabihin sa kanya pero huwag na lang baka marinig pa ni Kenj at mabuking pa ako.

"By the way I'm Joshua, Yael's bestfriend. Actually lahat kaming nandito ay kaibigan ni Yael pero ako lang talaga ang bestfriend niya dito." Napatawa naman siya sa sinabi.

Hiding The CEO's Twins(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon