Chapter 20: Wait
Third Person POV
Mabilis ang pagmamaneho ni Kenji Yael sa kanyang sasakyan at kahit labag sa kanyang kalooban ay kailangan niyang tanggihan ang mga anak. Napilitan rin siyang magsinungaling kay Shan Hybri.
Si Kate ang tumawag sa kanya dahil gusto nitong makipagkita para mag dinner. Kaya rin hindi siya pumapayag na matulog sa bahay nila Shan Hybri ay dahil pumupunta sa condo niya si Kate at baka magtaka ito kapag hindi niya nadatnan si Kenji Yael sa kanyang condo. Paniguradong magsusumbong ito sa kanyang mommy at iyon ang ayaw mangyari ni Kenji.
Nasa loob na siya ng restaurant kung saan sila magkikita ni Kate at agad naman niya itong namataan.
Lumapit siya sa dalaga at pinipigilan ang sariling mainis.
"What do you want?" matigas na tanong ni Kenji sa dalaga at labag sa loob na umupo.
"I just want to eat with you baby. But wait bakit ganyan ang damit mo?" Pagtukoy nito sa damit na suot ng binata. Iyon ay ang family tshirt na nabili nila kanina sa mall.
Hindi naman pinansin ni Kenji ang kanyang tanong at agad na nagsalubong ang kilay nito. Ayaw na ayaw nitong tinatawag siyang baby ng dalaga at naiinis siya sa kaartehan nito. Hindi niya lamang ito masaway sa kanyang gusto dahil magsusumbong ito sa kanyang mommy. Mahal ni Kenji Yael ang kanyang mommy at ayaw niyang nagagalit ito sa kanya.
"Just order and eat. I'm already finished," ang sabi ng binata at pilit na kinakalma ang sarili.
Wala nang nagawa pa ang dalaga at nag tawag na lang ng waiter para umorder.
"The food here is delicious. Ayaw mo ba talagang kumain?" tanong ulit ng dalaga ngunit seryoso lang siyang tinignan ni Kenji.
"Kate, go back to manila tomorrow," maawtoridad na utos nito sa dalaga at napatigil naman ang huli sa pagkain.
"What? Why naman baby sasamahan nga kita dito diba?" pagpoprotesta naman ng dalaga.
"I don't need you here," seryosong tugon ni Kenji sa dalaga.
"Why? Is it because of your special assistant? Totoo ba ang naririnig ko tungkol sa inyo?" may panunuyang tanong ng dalaga at agad namang umigting ang panga ni Kenji dahil dinamay niya si Shan Hybri sa usapan.
"What do you mean?" At tinignan niya ng matalim ang dalaga.
"Kalat na sa company na may namamagitan sa inyo ng special assistant mo. I can't believe na papatulan mo ang isang katulad niya," mapaklang sagot naman ng dalaga.
"Shut up. You don't know her." Mainit na ang ulo ni Kenji. Ang ayaw niya sa lahat ay sinasabihan ng masama ang babaeng mahal niya.
"Yes, I don't know her pero sigurado naman akong malandi siya!" pag-aakusa nito kay Shan Hybri.
"F*ck! Shut your f*cking mouth!" sigaw ni Kenji at hinampas ang lamesa. Nabigla naman si Kate pati narin ang mga tao sa restaurant sa ginawa ni Kenji.
"So, pinagtatanggol mo pa ang babaeng iyon ha. Totoo nga na may relasyon kayo!" Napasigaw narin si Kate at hindi makapaniwala. Pagtitinginan na rin sila ng mga tao sa restaurant.
"It's none of your business. Just leave and go back to Manila," nawawalang pasensya na utos ni Kenji sa dalaga.
"No! I won't go back kung hindi kita kasama!" pagtanggi naman ng dalaga.
"Just leave. Kung ayaw mong magalit ako sa iyo ng tuluyan," matigas na tugon ng binata at agad na lumabas ng restaurant. Tinawag pa siya ni Kate ngunit hindi na ito lumingon pa.
![](https://img.wattpad.com/cover/283755379-288-k663244.jpg)
BINABASA MO ANG
Hiding The CEO's Twins(COMPLETED)
RomanceSi Shanbri ay isang simpleng babae lamang ngunit ang kanyang kasintahan na si Kenji Yael ay isang bilyonaryo na CEO. Sa kabila nito, mahal pa rin nila ang isa't isa nang walang kondisyon. Hanggang sa isang araw, nalaman ni Shanbri na si Kenji Yael...