CHAPTER 5

1.2K 42 6
                                    

Chapter 5: Muling Pagkikita

Kinakabahan ako namamawis na ang aking mga kamay at paa.

Ngayong araw na darating ang aming boss para mag inspection dito sa company.

Kasalukuyang nakatayo sa entrance ang mga empleyado para salubungin ang bagong boss.

Ako naman ay nakayuko na at taimtim na nagdarasal na sana ay hindi siya ang aming bagong boss.

Tama, hindi siya iyon. Ibang Mr. Villamor ang sasalubingin namin ngayon. Pagpapalakas ko ng aking loob.

Ewan ko ba kahit malaki ang chance na hindi nga siya iyon pero malakas talaga ang aking kutob hindi ko alam kung bakit pero agad akong kinabahan nung narinig ko ang apleyido niya kahapon.

Matagal na ng huli naming pagkikita at hindi pa ako handang harapin siya.

Marahil ay galit siya sa aking pang iiwan sa ere dahil bigla na lamang akong umalis ng walang paalam kaya wala kaming matinong closure.

Paano nalang kung sumbatan niya ako sa aking ginawa. Sana nga ay wala nalang siyang pakialam at kinalimutan na ang nangyari.

Bigla namang kumirot ang aking puso sa aking naisip.

Ang inaalala ko lang naman ay ang kambal kung narito na nga siya ay maaari silang magkita.

Ayaw kong mangyari iyon at hangga't maaari ay ayaw ko nang malaman niya na nagkaanak kami.

Ayaw ko na ng gulo. May sarili na siyang pamilya at ayaw ko namang maging anak sa labas ang kambal.

Kailangan kong mag-ingat upang hindi sila magkita dahil baka masaktan din lang ang mga anak ko kung sakaling hindi sila tanggapin ng kanilang ama dahil may sarili na itong pamilya.

Napapabuntong hininga na lamang ako sa aking kinatatayuan hindi ko muna siguro iisipin un dahil hindi pa naman sigurado na siya nga ang bagong boss.

May paparating na itim na kotse marahil ay ito na ang aming hinihintay. Hindi ko na maitago ang aking kaba.

"Magsipag-handa kayo ayan na si Mr. Villamor," saad ng aming supervisor na si Mr. Santos. Hanggang ngayon ay binata parin ito wala pa siyang pamilya kaya kung minsan ay mainit ang ulo sa amin pero hindi naman maitatangging mabait ito.

Tumayo kaming matuwid at hinihintay ang pagbaba ni Mr. Villamor sa kanyang magarang sasakyan.

Parang nagslowmo naman ang lahat sa akin dahil sa kaba.

Excited naman ang karamihan dahil ayon sa kanila ay gwapo raw ito.

Pababa na si Mr. Villamor sa kanyang sasakyan. Nang tuluyan na siyang makababa ay para akong binuhusan ng malamig na tubig.

Tama nga ang kutob ko si Kenj nga ang Mr. Villamor na bago naming boss.

Napatitig naman ako sa kanya habang papalapit siya sa amin. Lalo siyang gumwapo at mas naging well defined ang katawan.

Napanganga naman ang karamihan sa kanilang nakikita.

Napadpad ang mga mata ni Mr. Villamor sa aming gawi at muli kong nasulyapan ang kulay abo niyang mga mata.

Agad naman akong napayuko at tumuwid ng pagkakatayo.

Sana ay hindi niya ako nakita. Sa dami siguro namin ngayon dito ay hindi na sana niya ako mapansin. Lalong bumilis ang tibok ng aking puso.

"Good morning Mr. Villamor," sabay sabay na pagbati ng mga empleyado sa kanya ngunit hindi ko na naibuka ang aking bibig sa labis na kaba.

Papalapit na ito sa kinatatayuan ko at taimtim naman akong nagdarasal na hindi niya ako mapansin.

Hiding The CEO's Twins(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon