CHAPTER 46: END OF LOVE STORY
SHANBRI POV
“Sumama ka sa akin sa labas, Kenj. Kailangan nating mag-usap, ngayon din.” Tumingin ako kay Trish at Benedict.
Sinenyasan ko sila na kung pwede ay sila na muna ang bahala sa mga bata.
Nakuha naman nila ang aking nais ipahiwatig at kumilos agad si Trish para kunin ang kambal mula sa kanilang ama.
Tinitigan ko ng seryoso si Kenj at nauna akong tumungo sa labas.
Naramdaman ko naman na sumunod siya sa akin kaya kahit papano ay nakahinga ako ng maluwag.
“What do you want to say? Bakit kailangan pa nating lumabas? Ayaw mo bang marinig nila ang sasabihin mo?" May panunuyang tanong ni Kenj at nakita kong bahagya siyang napangisi.
Mas natitigan ko siya sa malapitan at pakiramdam ko ay malaki ang pinagbago niya.
Sobrang lamig ng kanyang kulay abong mata habang ito ay nakatingin sa akin.
Para wala na ang dating apoy noong mga panahon na ayos pa ang relasyon namin.
Pero ano pa nga ba ang inaasahan ko? Marahil ay nawala na talaga ang pagmamahal niya sa akin at hindi na kagaya ng dati ang nararamdaman niya para sa akin.
Sa tingin ko ay may iba nang nagmamay-ari ng kanyang puso. At iyon ay wala nang iba kung hindi ang kanyang asawa na si Kate.
“Are you there? Bakit hindi ka makasagot? Stop looking at me in that way, Shanbri. Hindi ako natutuwa,” seryoso at maawtoridad niyang sambit kaya agad naman akong natauhan.
Hindi ko akalain na napatulala na pala ako sa kanyang harapan.
Anong nangyayari sa akin? Ngayon na kaming dalawa na lang dito sa lobby at mas malapit na siya sa akin, para bang gusto ko siyang yakapin ng mahigpit.
Nasa harapan ko lamang siya, sobrang lapit niya sa akin ngunit pakiramdam ko ay sobrang layo pa rin niya kaya hindi ko siya magawang abutin.
Siguro ay naninibago lang ako ngayon dahil matagal kaming hindi nagkita pero sigurado akong hindi ko siya na-miss.
Hindi nga ba, Shanbri? Bahagya na lamang akong napailing sa aking sariling naisip.
“Oh, pasensya na, may naisip lang ako. Oo nga pala, paano mo nalaman na narito kami?"
"Umamin ka nga, pinapasundan mo ba kami? Huwag mong sabihin na matagal mo nang alam kung nasaan kami ng mga anak mo?” kuryusong tanong ko sa kanya ngunit agad naman na nagdilim ang kanyang mukha.
“Hindi na mahalaga kong paano ko nalaman na narito kayo. Gusto ko lang makasama ang mga anak natin sa araw ng kanilang kaarawan."
"I want to be present in their special day as their daddy. Pati rin ba iyon pagkakait mo sa akin, Shanbri?” puno ng hinanakit na tanong niya sa akin.
Natahimik naman ako at hindi nakasagot kaagad.
“Hindi naman sa ganun, Kenj. Ngunit alam mo naman siguro ang dahilan kung bakit kami lumayo ulit hindi ba?"
"Masisisi mo ba ako kung gusto ko lamang ilayo ang mga anak ko sa sakit na maaari nilang danasin dahil sa ginawa mo sa amin?” Bahagya akong tumigil ang nangingilid na ang aking mga luha.
“Pinagpalit mo kami sa ibang babae, Kenj. Wala ka man lang pasabi. Bigla kang nawala tapos malalaman na lang namin na ikakasal kana!"
"Ano sa tingin mo ang dapat naming maramdaman? Sinaktan mo ako at pati na rin ang mga bata!” Hindi ko na napigilan ang aking sarili na magtaas ng boses.
“I will not deny the mistake that I have done to our family. I know that I have hurt you so much as well as our children."
"But please always remember that I will never abandon you, especially my children even if I am already married to another woman."
"So please, can you stop running away from me and hiding our children from me every time we have a problem?” paliwanag niya sa mahinahon na boses.
“Hindi mo naiintindihan kung anong nararamdaman ko, Kenj! Hindi lang ang mga bata ang apektado."
"Ako rin! Sobra akong nasaktan at hanggang ngayon patuloy pa rin akong nagdurusa dahil pinagpalit mo ako sa iba at pinakasalan mo ang ibang babae imbes na ako!” Hindi ko na talaga napigilan ang aking sarili at sunod-sunod na bumuhos ang aking luha mula sa aking mga mata.
“Please calm down, babe. I hate seeing you cry especially if it is because of me. I didn't mean to hurt you. I swear to God, I never wanted to leave you just like that.” Medyo nabigla naman ako sa kanyang sinabi at para anong nanigas sa aking kinatatayuan ng bigla niya akong yakapin ng mahigpit.
Inihilig niya ang aking ulo sa kanyang dibdib at marahan na tinapik-tapik ang aking likod para ako ay patahanin sa pag-iyak.
Rinig na rinig ko naman ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso kasabay ng akin.
Para biglang may dumaloy na kuryente mula sa aming katawan at hindi ko maipaliwanag kung bakit sobrang bilis rin ng tibok ng aking puso sa mga oras na ito.
“Kung sa tingin mo ay naging unfair ako dahil iniwan ka namin at itinago ko ulit ang mga anak natin, sana man lang inisip mo rin kung hindi ka ba naging unfair sa akin at sa mga bata."
"Alam mo kung ano ang pinagdaanan natin bago nabuo ulit ang ating pamilya kaya sobrang hirap para sa akin na basta-basta na lang ulit guguho ang pamilya na matagal kong hinintay na mabuo,” puno ng hinanakit na tugon ko habang patuloy pa rin ako sa pag-iyak sa kanyang bisig.
Nararamdaman ko na nga na nababasa na ang suot na amerikana ni Kenj pero parang balewala lang ito sa kanya dahil patuloy pa rin siya sa pagpapatahan sa akin.
“Please, stop crying. I’m sorry if I blamed you for what happened. I’m sorry if I hurt you and our child. I admit my mistake of marrying another woman but I can’t change that fact anymore."
"I’m a married man now, Shanbri. As much as I want to be with you but it can’t be. I can only be the father of our child."
"However, I can’t be your man anymore. Sadly, we can’t go back to what we used to be.” Mahabang litanya niya na lalong nagpa-hagulgol ng aking iyak.
Tang*na, bakit sobrang sakit? Parang dinudurog ang puso ko.
Mas masakit pa ito kaysa noong araw na nakita ko mismo sa aking sariling mata na ikinakasal ang lalaking pinakamamahal ko.
Naroon siya sa altar at napakisig niya. Tahimik niyang hinihintay ang pagdating ng kanyang kabiyak.
Ngunit sa kasamaang palad ay hindi ako ang maswerteng babaeng iyon.
Ito na ba talaga ang katapusan ng aming kwento? Wala na ba talagang pag-asa ang aming pagmamahalan?
Sa tingin ko ay wala na akong magagawa pa dahil tinuldukan na niya mismo ang aming relasyon base sa mga binitawan niyang salita.
Siguro nga ay dumating na ang katapusan ng aming kwentong pag-ibig at ito na ang aming huling kabanata.
Masakit man ngunit kailangan kong manatiling matatag para sa aking mga anak.
BINABASA MO ANG
Hiding The CEO's Twins(COMPLETED)
RomanceSi Shanbri ay isang simpleng babae lamang ngunit ang kanyang kasintahan na si Kenji Yael ay isang bilyonaryo na CEO. Sa kabila nito, mahal pa rin nila ang isa't isa nang walang kondisyon. Hanggang sa isang araw, nalaman ni Shanbri na si Kenji Yael...