CHAPTER 58

402 5 0
                                    

CHAPTER 58: THE RIGHT TIME

THIRD PERSON POV

Hindi pa rin makapaniwala si Shanbri sa kanyang mga natuklasan tungkol sa fake na kasal nina Kenji Yael at Kate.

Hindi niya akalain na posible palang mangyari ang ganitong scenario sa totoong buhay dahil sa mga libro at pelikula lamang niya ito nakikita noon.

Sa kabila ng nalaman ay nanatiling tahimik si Shanbri at hindi pa siya gumagawa ng anumang aksyon ukol dito.

Nais niya munang pag-isipan ang kanyang mga desisyon bago niya kausapin si Kenji Yael. Hindi rin naman nagpapakita ang huli sa kanya at sa kanilang mga anak dahil hanggang ngayon ay hindi ba ito bumibisitang muli sa kanilang tahanan.

Marahil ay abala ito sa kanyang trabaho sa Maynila at naiintindihan naman ito ni Shanbri.

“Hey, Shanbri. Nakatulala ka ata. May iniisip ka ba?” Hindi naman namalayan ni Shanbri na katabi na pala niya ang kanyang boss na si Tyrone.

Kasalukuyan kasi itong nasa staff room dahil oras na ng kanyang break time dito sa Cafe kung saan siya nagtatrabaho.

“Oh, sir. Nariyan ka pala. Pasensya na, may iniisip lang ako pero wala po ito,” simpleng tugon ni Shanbri at agad siyang humingi ng paumanhin sa kanyang boss.

“Pwede ko bang malaman kung ano or sino ang iniisip mo?” Medyo hindi naman inaasahan ni Shanbri ang tanong ni Tyrone.

Ngunit naisip niya na baka ay makatulong ito sa kanya dahil magkaibigan sila ni Kenji Yael.

“Nakakahiya man na tanungin ito, sir. Pero alam mo ba kung kumusta na si Kenj? I mean si sir. Kenji Yael. Wala pa kasi akong balita tungkol sa kanya eh,” nahihiyang tanong ni Shanbri habang napapakamot ng kanyang ulo.

Si Tyrone lang kasi ang kilala niyang kaibigan ni Kenji Yael na maaari niyang pag tanungan tungkol dito.

Ang iba kasi mga kaibigan nito ay nasa Maynila rin at si Tyrone lamang ang nakakasama niya dahil nga ay nagtatrabaho siya sa Cafe na pagmamay-ari nito.

“Oh, I think may inaasikaso siya ngayon kaya hindi pa siya nagpapakita ulit dito. But rest assured that he is fine. Don’t get worried and just trust him, okay?” Medyo gumaan naman ang pakiramdam ni Shanbri dahil sa sinabing iyon ni Tyrone.

Sapat na sa kanyang malaman na ayos lamang si Kenji Yael kahit na hindi na muna sila magkaroon ng pagkakataon para magkita at magkasama ulit.

AT THE VILLAMOR’S MANSION

Samantala ay ipinatawag naman si Kenji Yael ng kanyang ina sa kanilang mansyon upang kausapin ito.

Pumunta naman kaagad ito dahil nais niya rin talagang makausap ang ina ng masinsinan at mukhang ito na ang tamang pagkakataon para dito.

“My son, mabuti naman at dumating ka na. Pwede ba tayong mag-usap?”

Pagdating ni Kenji Yael sa mansyon ay agad siyang sinalubong ng ina. Bumeso lamang ito dito at marahan na tumango.

“Yes, I also want to tell you something important, mom. Let’s go at the library.” Agad na pumunta ang dalawa sa library sa loob ng kanilang mansyon.

Dito talaga sina nag-uusap sa tuwing may mahalagang meeting ang pamilya dahil tahimik dito at mayroon silang privacy.

“Can I go first, son? I want to let you know that Kate went to me and asked for my blessing about your divorce. What is the meaning of this?”

Halata mo na hindi nagustuhan ni Mrs. Villamor ang sinabi sa kanya ni Kate dahil mukhang hindi ito natutuwa at bakas sa kanyang mukha ang inis.

“She told you that?” Ang tanging naisagot na lamang ni Kenji Yael sa ina.

Maging siya ay nabigla sa balitang ito dahil wala namang sinasabi si Kate sa kanya na nais na nitong makipag-divorce sa kanya.

“Yes, she went to the mansion early in the morning just to ask for my blessing. Can you explain this to me, Yael? Inutusan mo ba siyang gawin ito, huh?” Hindi makapaniwala na tanong ng ginang sa anak.

Alam niya kung gaano kamahal ni Kate si Kenji Yael kaya kailan man ay hindi niya naisip na darating ang araw na si Kate mismo ang aayaw sa kanilang relasyon.

“No, I didn’t know that she had thoughts about divorce. I am also shocked about this, mom,” seryosong tugon ni Kenji Yael.

Nitong nakaraan ay alam niyang masama ang loob sa kanya ni Kate dahil sa nangyari sa kanila ni Shanbri ngunit kilala niya ito kaya naman ay kusa niya lamang binigyan ng space ang asawa upang humupa ang galit nito.

Ngunit hindi niya inaasahan na may binabalak na pala ito na makipag-divorce sa kanya na kailanman ay hindi sumagi sa isip niya na magagawa ito ni Kate.

Aware si Kenji Yael kung gaano siya kamahal ni Kate at hindi rin lingid sa kanyang kaalaman na obsessed ito sa kanya kaya mahirap paniwalaan na magkukusa itong makipaghiwalay sa kanya.

“Maybe she was forced to do it because you are not treating her right. Bakit ba hindi mo magawang ibalik ang ibinigay niyang pagmamahal sa iyo.”

“Hindi ka ba naaawa kay Kate? Halos magmakaawa at mamalimos siya ng iyong atensyon!” Galit na tugon ng ginang sa anak.

Gustong-gusto nito si Kate para sa anak at masayang-masaya siya ng sila ay maikasal ngunit hindi niya maiwasang maawa dito dahil alam niya na napipilitan lamang ang anak niya para pakisamahan ito.

“Mom, can you stop telling me what I should do, please? Did you ever consider my feelings?”

“If you think that Kate is suffering because of me, then have you ever thought if I am also suffering even more?”

Medyo natahimik naman ang ginang dahil sa sinabi ng anak. Valid naman kasi ang nararamdaman ni Kenji Yael.

Maraming beses na sumama ang loob niya sa ina dahil palagi na lamang niya itong sinasabihan ng kanyang gagawin.

Ngunit alam naman ni Kenji Yael na sarili lamang nito ang kanyang iniisip at hindi ang kapakanan ng anak.

“So, are you blaming your own mother now, Yael? Hindi ba’t nabawi natin ang kumpanya na pinaghirapan ng iyong ama dahil sa kasal ninyo ni Kate? Bakit parang sinisi mo pa ako ngayon?”

Naikuyom na lamang ni Kenji Yael ang kanyang kamao. Ayaw niyang sumama ang loob ng kanyang ina sa kanya dahil baka atakihin na naman ito ng kanyang sakit.

Ayaw na mangyari iyon ni Kenji Yael dahil ang ina na lamang ang natitira sa kanyang mga magulang.

Hindi niya gugustuhin na pati ito ay mawala rin sa buhay niya kaya hangga’t maaari ay ayaw niya itong magalit sa kanya.

“I am not blaming you, mom. But please just this time, let me choose my own happiness. I will make sure that no one can steal our company from us again. So, it’s time for me to decide for my own good.”

Determinado at buo ang loob na sagot ni Kenji Yael sa ina. Para sa kanya ay sapat na ang mga panahon na nasayang at kanyang isinakripisyo para sa kapakanan ng kanyang ina at kanilang kumpanya.

Ngayon na hawak na niya ulit ang kontrol sa kanilang kumpanya ay may lakas na siyang ipaglaban ang mga bagay at mga taong dapat ay ipinaglaban na niya simula pa lamang.

Hindi na niya hahayaan na masaktan ang mga taong pinakamamahal niya. Enough is enough and ito na ang takdang oras para itama lahat ng pagkakamali.

Hiding The CEO's Twins(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon