CHAPTER 18

482 4 0
                                    

Chapter 18: Kate Alvarez

Kanina pa ako di mapakali sa aking kinauupuan. Kasabay ko kasi ngayon si Kenj sa pagpasok sa company.

Pinipilit ko nga siya na mag commute nalang ako pero ayaw niyang pumayag kaya wala na akong nagawa.

Sigurado ako kapag may nakakita sa amin na empleyado na magkasabay at makita nila akong bumaba sa kotse niya ay malamang lalo lang silang maiinis sa akin.

Malapit na kami sa company kaya naman ay nagsalita na ako.

"Kuya pahinto na po ung sasakyan diyan sa gilid," sabi ko sa driver.

Maglalakad na lang ako hanggang company malapit na rin naman. Ayaw kong may makakita pa sa amin ni Kenj.

"No. Go on kuya Tom," maawtoridad na utos ni Kenj sa kanyang driver at sinunod naman niya ito.

Bumagsak naman ang balikat ko. Magtatakip na lang siguro ako ng mukha mamaya.

Pagkatigil na pagkatigil ng kotse ay agad na akong bumaba at tumakbo papasok sa company habang takip takip ang aking mukha gamit ang aking bag.

Dinig ko pang tinawag ni Kenj ang pangalan ko pero hindi ko na siya nilingon at dire diretso lang ako.

Wala naman sigurong nakakita sa amin. Pumasok kaagad ako ng elevator at nakahinga naman na ako ng maluwag.

___

Hindi na naman ako pinapansin ni Kenj dahil sa ginawa ko kanina. Napaka bugnutin talaga ng lalaking to kahit kailan.

Pinilit ko naman siya na tulungan sa kanyang trabaho kaya nag aayos ako ngayon ng mga papeles na kailangan niyang pirmahan.

Bigla namang may kumatok sa pinto. Siguro ay si Miss Lara ito ang secretary ni Kenj.

Lumipas ang ilang minuto pero wala pang pumasok sa loob. Kung si Miss Lara iyon ay papasok agad siya pagkatapos kumatok.

Sino naman kaya iyong nasa labas at hindi pa pumasok dito sa loob gusto pa atang siya pa ang pagbuksan.

May narinig ulit akong katok kaya naman tumayo na ako para pagbuksan at napabuntong hininga na lamang ako sa taong nasa labas.

Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang isang magandang babae.

Naka spaghetti sexy dress ito na kulay pula na hapit na hapit sa kanyang magandang katawan. Makinis ito at maputi na may mahabang buhok na naka curls. Naka high heels din ito na pula kasing pula ng kanyang labi. Malayong malayo sa akin. Bigla naman akong nanliit sa aking sarili.

Napatingin naman ako sa kanyang dalang dalawang maleta. Kulay pula rin ito. Hindi naman halatang mahilig siya sa pula.

Sino naman kaya siya at bakit may dala siyang maleta.

"Tutunganga ka na lang ba jan miss? Hindi mo ba ako papapasukin?" iritadong tanong nito sa akin kaya naputol ang aking iniisip.

"Ah sorry po ma'am. Sino ba sila at ano po ang kailangan nila?" magalang na tanong ko rito.

Ayaw ko naman siyang papasukin agad lalo na't wala sa mood ngayon si Kenj. Ayaw niyang nagpapasok sa office niya ng kung sino sino.

"I'm Yael's girlfriend and I'm here for him. Is he inside?" Napatanga naman ako sa sinabi niya. Ano raw? Girlfriend siya ni Kenj? Biglang may kumirot sa puso ko sa aking narinig.

"Ano po ba ang pangalan nila para masabi ko kay sir." Hindi ko alam kung bakit iyan ang nasabi ko pero gusto ko lang malaman ang pangalan ng nagpapakilalang girlfriend ni Kenj.

"I'm Kate Alvarez. Now pwede mo na ba akong papasukin dahil gusto ko ng makita ang boyfriend ko." Mukang nauubos na ang pasensya nito sa akin.

Kate? parang narinig ko na ang pangalan na iyon. Saan ko nga ba iyon narinig tanong ko sa aking isipan. Pinalis ko na lang agad ang aking naisip.

Hiding The CEO's Twins(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon