CHAPTER 11

645 3 0
                                    

Chapter 11: Shocked

Simula nang nangyari sa condo ni Kenj ay hindi ko na ulit siya nakita. Bumalik na raw ito sa Maynila dahil kailangan niya ring asikasuhin ang main company niya.

Si sir Joshua ang inatasan niyang mag-asikaso muna sa company habang wala siya.

Siya iyong kaibigan niya na kasama niya sa bar noong sinundo ko siya doon. Isa pala ito sa mga investor sa nabili niyang company.

Sabagay kailangan niya ring talagang umuwi dahil naroon ang pamilya niya sa Maynila.

Biglang kumirot ang puso ko sa aking naisip. Siya ay masaya doon kapiling ang kanyang pamilya pero ang mga anak ko naman dito ay naghahanap ng ama.

Pinalis ko na lang ang sumagi sa aking isipan. Nakapag desisyon na ako na itatago ko ang aking mga anak sa kanya at ako nalang ang tatayo bilang ama at ina nila.

Okay na naman ang buhay namin ngayon at ayaw ko ng makigulo sa buhay niya.

Napabuntong hininga na lamang ako.

Oo nga pala weekend na ngayon at narito na si Trish sa bahay namin.

Kasalukuyan siyang nakikipaglaro sa mga anak ko mukang namiss niya talaga ang mga ito. Mamaya ay marami akong ikukwento sa kanya kaya kailangan ko ng ihanda ang tenga ko sa mga tanong niya.

Napangiti naman ako sa aking naisip.

Madami nga siyang pasalubong sa mga bata. Kung ano anong pagkain na strawberry flavor at may dala rin siyang strawberry cake.

Mahilig kasi ang mga bata sa strawberries at yoon din ang flavor na gusto nila sa paborito nilang donuts.

Hindi ko alam kung bakit gustong gusto nila ito samantalang hindi naman ako kumakain ng strawberries. Hindi ko lang kasi gusto ang lasa nito. Ewan ko ba sa sarili ko e muka namang masarap iyon.

Marahil ay namana na naman nila ito kay Kenj. Paborito kasi ni Kenj ang strawberries. Tuwing monthsary namin dati ay iyong cake na may strawberries na toppings ang inoorder niya.

Siya lang naman ang kumakain nun dahil ayaw ko nga. Pinipilit niya akong tikman kaso ay ayaw ko talaga hanggang sa sumuko na siya kakapilit sa akin.

Hay naalala ko na naman siya. Kung bakit naman kasi ay halos lahat sa kanya namana ng mga anak ko. Hello? Ako kaya ang nagbuntis ng siyam na buwan at nagpakahirap magluwal sa kanila tapos ganun lang asan ang hustisya diba?

Napailing nalang ako sa naisip.

"Kids gusto niyo bang mamasyal?" masayang tanong ni Trish sa kambal.

"Yes ninang Trish! I want to go to the mall!" masiglang sagot naman ni Bri sa kanyang ninang.

"E ikaw Yaj saan mo gustong pumunta?" baling naman nito kay Yaj.

"I want to go there too," tipid na sagot niya at naglaro ulit.

Hindi kami laging nakakapasyal sa mall dahil busy ako sa trabaho at nagtitipid din kami. Ito kasing mga bata ay kung ano ano ang mga pinabibili kapag nasa mall.

Minsan ay napakamahal ng mga gusto nila kaya hindi ko iyon nabibili kaya naman ay nagtatampo sila sa akin.

"Okay we will go there! Sabihin niyo na sa mommy niyo at mag-ayos para makaalis na tayo!" energetic na sabi ni Trish.

"Yey!" hagikgikan nila ni Bri. Si Yaj naman ay tahimik lang sa kinauupuan niya.

Agad namang lumapit sa akin si Bri at niyakap ako sa leeg.

"Mommy can we go to the mall?" malambing na tanong sa akin ng aking anak.

Tumango naman ako sa kanya. "Yes baby." At hinalikan ko siya sa pisngi. Napaka cute talaga ng anak ko.

Hiding The CEO's Twins(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon