CHAPTER 28

247 2 0
                                    

CHAPTER 28: BABALA

SHANBRI POV

Simula nang pagkagising ng mga bata na wala ang kanilang ama ay pareho na silang wala sa mood at halata mong sobrang lungkot nila ngayon at wala din silang ganang kumain. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kanila ng maayos dahil maging ako ay hindi ko alam kung ano talaga ang nangyari sa Maynila at kinailangang bumalik ni Kenj doon. Wala rin naman siyang nabanggit kanina at basta nagmamadali lang siyang umalis kaya hindi ko rin maiwasan ang mangamba sa kung anong nangyayari kay Kenj ngayon dahil hindi parin siya tumatawag sa amin kung nakarating ba siya ng ligtas sa Maynila.

“Kids, what do you want to eat for merienda? I will prepare it for you,” sabi ko sa aking mga anak pagpasok ko sa kanilang kwarto. Pareho silang nakadapa sa kama at wala sa mood na maglaro dahil namimiss na nila ang kanilang ama at mukhang nagtatampo sila dito dahil hindi ito nakapag paalam ng maayos sa kanila bago ito umalis.

“I don’t want that mommy! I want my daddy! I want my daddy!” sagot ni Bri at nagsimulang hampasin ang kama ng kanyang maliliit na kamay. Nabigla naman ako sa inasta ng aking anak kaya naman ay agad ko siyang dinaluhan.

“Stop it Brianna Marie, hindi ba sabi ko sa inyo na may importanteng gagawin ang daddy niyo sa Maynila kaya kinailangan niyang umalis kaya sana ay intindihin niyo siya okay?” Pagsasaway ko kay Bri dahil kanina pa ito nagtatrantum simula nang magising na wala ang ama.

“But why did he leave without waiting us to wake up and now dad is still not calling us. We just missed our dad and I thought we will spent more time with each other now but he left us again,” mapait na sabi naman ni Yaj sa malungkot na boses. Napailing na nalang ako at niyakap ang aking dalawang anak. Hindi ko naman sila masisisi kung ganito ang kanilang nararamdaman.

“Don’t worry babies dahil susubukan ko ulit tawagan ang daddy niyo at baka busy lang siya ngayon okay?” sabi ko sa aking mga anak dahil wala akong choice kundi aluhin sila. Kanina ko pa tinatawagan si Kenj ngunit hindi niya sinasagot ang aking tawag kaya labis narin ang aking pag-aalala.

Maya maya pa ay biglang tumunog ang aming doorbell hudyat na may tao sa labas. Sino naman kaya ito dahil wala naman akong inaasahan na bisita ngayon.

“Waahh! That must be daddy and maybe he came back to us!” sigaw ni Bri at dali daling bumangon sa kama at tumakbo papunta sa aming pintuan. Nakitakbo na rin sa kanya si Yaj at mukhang umaasa nga sila na nagbalik ang kanilang ama.

Napabuntong hininga na lamang ako at tahimik na sumunod sa aking mga anak at tinungo ang aming pintuan.

“Hi!” sabi ng isang pamilyar na lalaki pagkabukas ni Bri ng pinto. Bumungad sa amin ang tatlong matatangkad at mga gwapong lalaki. Teka lang, parang nakita ko na ang mga ito dati?

“Who are they mom?” tanong ni Bri sa akin at kumapit sa aking baywang at bahagyang nagtago sa aking likuran. Ganoon din ang ginawa ni Yaj nang makitang hindi naman pala ang daddy nila ang dumating. Marahil ay naninibago sila sa mga lalaki dahil ngayon lamang nila nakita ang mga ito.

“Ah hello, mga kaibigan ba kayo ni Kenj? Nagkita na tayo dati sa bar hindi ba?” tanong ko sa kanila dahil naalala ko na kung saan ko sila nakita dati at sigurado ako na mga kaibigan sila ni Kenj.

“Oo, mga kaibigan kami ni Yael. Pwede ba kaming pumasok at sa loob nalang tayo mag-usap?” sabi ng isa sa kanila. Napatango na lamang ako at inuwang ang pintuan upang sila ay makapasok. Inakay ko ang aking dalawang anak at naupo kami sa couch dito sa living room ng condo.

“Bago ang lahat magpapakilala muna kami. Ako nga pala si Paulo at ito naman sila Vester at Justin. Bestfriends kami ni Yael at sa palagay ko ay kilala muna si Joshua, kaibigan rin namin pero wala siya ngayon dito dahil sa kanya iniwan ni Yael ang company dito sa Sta. Luna. Bale lima kaming lahat sa grupo. Nice to meet you Shanbri at kayo rin cute little babies,” Panimula ni Paulo at napatango lang sa akin ang dalawa.

“Langya, ibang klase talaga ang genes ni Yael. Kamukhang kamukha niya ang mga anak niyo Shanbri. Hello babies, kami nga pala ang mga gwapo niyong ninong. HAHAHA,” sabi naman ni Vester habang natatawa. Napakunot lamang ang noo ng aking mga anak sa kanyang sinabi.

“Ninong? But why we don’t know you and why are you not showing up during Christmas to give us a pamasko?” inosenteng tanong naman ni Bri sa tatlo at napatawa lang sila sa sinabi ng aking anak.

“HAHAHA, ganito kasi yan baby girl. Ngayon lang namin kayo nakilala pero ang sabi ng daddy niyo ay ninong niyo parin kami kahit wala kami sa binyag niyo at don’t worry babawi kami sa inyo. Ayos ba iyon?” paliwanag ni Justin at napatango naman si Bri sa kanya.

“Are you close to my dad? Do you know where is he now?” malungkot na tanong naman ni Yaj sa tatlo at mukhang nabigla ang mga ito sa kanyang tanong at sumeryosos ang kanilang mukha.

“Ahm kids, can you go back to your room and just play there. I will just talk to your ninongs okay?” sabi ko sa aking mga anak at wala silang nagawa kung hindi sundin ang aking gusto. Mukhang kailangan naming mag usap ng mga kaibigan ni Kenj at ayaw kong marinig ng mga bata ang kung ano mang sasabihin nila sa akin ngayon.

“Ahh, pwede ko na bang tanungin kong ano ang pakay niyo dito?" panimulang tanong ko sa tatlo at nagkatinginan lamang sila ng makahulugan at napatango sa isa’t-isa.

“Ang totoo niyan ay pinapunta talaga kami dito ni Yael para bantayan kayo dahil matatagalan siya sa Maynila at baka hindi rin siya makacontact agad sa inyo dahil nagkaroon ng emergency sa kanila,” seryosong tugon ni Paulo.

“Ahh ano bang nangyari sa kanila at kinailangan niyang umalis?” tanong ko naman.

“Isinugod kasi sa ospital ang daddy ni Yael dahil naatake ito sa puso. Matagal nang may sakit sa puso ang daddy ni Yael kaya maagang ipinamana sa kanya ang company nila. Critical ang lagay ni tito Ismael kaya sigurado akong labis na nag-aalala ngayon si Yael kaya hindi muna siya makakatawag sa inyo kaya naman ay ibinilin niya kayo sa amin,” sabi ni Vester. Ahh, kung ganun ay may sakit pala talaga ang daddy ni Kenj. Hindi kasi namin masiyadong napag-uusapan ang parents niya.

“Ahh ganun ba. Sana naman ay nasa maayos ng kalagayan si tito at huwag kayong mag-alala dahil naiintindihan ko ang sitwasyon ni Kenj at ako nalang ang bahalang magpaliwanag sa mga bata,” sabi ko naman sa kanila at napatango silang tatlo sa akin.

“Oo nga pala, malapit na ang birthday ni Yael at nasabi niya sa amin na ipapakilala niya daw kayo sa parents niya sa kanyang birthday party pero hindi kami sure ngayon kung matutuloy ba iyon dahil sa nangyari kay tito Ismael,” sabi ni Justin. Napakunot naman ang aking noo dahil wala namang sinasabi sa akin si Kenj na balak niya kaming ipakilala sa parents niya. Bigla naman akong kinabahan dahil hindi naging maganda ang una naming pagkikita ng mommy niya at sigurado ako na hindi niya kami magugustuhan.

“Shanbri, kung ano man ang mangyari sana ay manatili kang matatag at intindihin mo ang magiging desisyon ni Yael. Palagi mong tatandaan na mahal na mahal niya kayo ng mga anak niyo at sigurado kami na ikaw lang ang babaeng bukod tangi niyang minahal kaya kung ano man ang mabalitaan mo sana ay huwag kang magalit kay Yael at intindihin mo siya,” seryosong tugon ni Paulo na mistulang binabalaan niya ako sa posibleng mangyari. Lalo naman akong kinabahan at kumalabog ang aking dibdib sa kanyang sinabi. Ano ang kanyang nais iparating?

Hiding The CEO's Twins(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon