CHAPTER 49

351 4 0
                                    

CHAPTER 49: UNEXPECTED MEETING

SHANBRI POV

“What are you waiting for, Shanbri? Tutulala ka na lang ba diyan at hindi gagalaw sa iyong kinatatayuan?”

Nabalik naman ako sa reyalidad ng marinig kong muli ang pamilyar na malamig at malalim na boses mula sa taong pilit kong iniiwasan at pilit kong inaalis sa aking sistema.

Nakatitig siya ngayon sa akin ng seryoso at hindi ko mawari kung ano ang tumatakbo sa kanyang isipan sa mga sandaling ito dahil ang kanyang kulay abong mga mata ay hindi naglalabas ng kahit ano mang emosyon na maaaring mabasa ng ibang tao.

Ngayon ko lang ulit natitigan ang kanyang kulay abong mata at hanggang ngayon ay napapamangha pa rin ako kung gaano ito kaganda at kung paano nito kayang higupin ang aking buong kaluluwa na parang ako ay nalulunod mula sa kanyang mga titig.

“Oh, sorry po, sir. May iniisip lang,” simpleng palusot ko na lang at agad na naupo kung nasaan ang dalawa kong kasamahan sa trabaho.

Nagsimula akong kumain ng dala ni Kenj na mcdo habang pasimpleng sumusulyap sa kanya habang hindi siya nakatingin sa akin.

Nakita ko naman na tinitigan niya ng makahulugan ang aking boss habang nakataas ang kanyang kilay.

Napailing na lamang si sir. Tyron sa inasta ng kaibigan at agad itong tumayo mula sa kanyang kinauupuan.

“Oh, guys, makinig kayo sa akin sandali. Jason and Gelo, I think you need to go with me in the staff room at doon nyo na lang ipagpatuloy ang kinakain nyo.”

“Habang ikaw naman, Shanbri, maiiwan ka dito kasama ni Yael dahil kailangan kong kausapin ang mga lalaki kaya bawal muna ang babae, okay?”

Biglang anunsyo naman ni Sir. Tyrone habang pasimpleng ngumisi.

Agad naman na tumalima ang dalawang lalaki kong kasamahan sa trabaho at sunod-sunod silang umalis sa office ni sir. Tyrone dala ang kanilang mga pagkain.

Nakita kong kumindat muna si sir. Tyrone kay Kenj bago neto tuluyang isara ang pinto at tuluyang umalis sa kanyang office.

Napatingin na lamang ako kay Kenj at nagkataon naman na nakatingin rin siya sa akin ngayon.

Hindi lang basta tigin dahil nakatitig ito sa akin ng may seryosong mukha ngunit hindi ko mawari kung anong tumatakbo sa isang niya sa mga sandaling ito.

Agad na bumilis ang tibok ng aking puso nang muling magtagpo ang aming mga mata.

Hindi ko alam kung dahil ba ito sa kaba o baka naman ay hindi pa rin talaga nawawala ang kakaibang epekto ng lalaking ito sa aking sistema na tuwing nakikita ko siya at tuwing malapit siya sa akin ay parang tinatambol ang aking puso at nais na kumawala sa aking dibdib sa tuwing nasisilayan ko ang kanyang perpekto at hulmadong mukha.

“So, it’s been a while, Shanbri. How are you doing and also how are the children doing? Hold on, why do you look like that? Are you getting nervous right now?”

Tanong sa akin ni Kenj at hindi naman ako nakasagot kaagad dahil preoccupied pa rin ako sa muli naming pagkikita.

“Hey, can you hear me? Why are you not listening to what I am saying? You look so weird, Shanbri. What is happening to you?”

Nabalik naman ako sa ulirat at agad na nagkamot ng ulo dahil sa pagiging lutang ko kanina.

“Ah, sorry, may iniisip lang. Ano nga ulit iyong sinasabi mo?” simpleng tanong ko na lamang sa kanyang habang napapangiwi.

Agad na kumunot ang kanyang noo dahil sa aking sinabi at bahagyang napailing bago nito sagutin ang aking tanong.

“Ano ba iyang iniisip mo at kanina ka pa ata bigla na lang natutulala tuwing kinakausap ka?” seryoso nitong tanong habang magkasalubong ang kilay nito.

Napabuntong hininga na lamang ako dahil ang totoo ay isa rin siya sa mga dahilan kung bakit ako biglang napapatulala.

Bukod sa hindi ko inaasahan na magkikita kaming muli dito at ang biglang pagbilis ng tibok ng aking puso ay iniisip ko rin kung paano ko magagawan ng paraan na hindi malungkot ang aking mga anak sa kanilang paparating na school fair sa kadahilanang hindi kumpleto ang kanilang pamilya dahil wala ang kanilang ama.

“Ang totoo niyan ay kanina ko pa iniisip kung ano ang pwede kong gawin para hindi maging malungkot ang unang school fair ng mga bata.”

“Malapit na kasi ang kanilang school fair at ang sabi ng kanilang guro ay dapat raw na dumalo ang bawat magulang ng mga estudyante,” malungkot ko namang tugon sa kanya habang napapa-hinga ng malalim.

“That is not really a big problem, my dear. We can both attend the school fair if that is what they want. Am I right with that?” simpleng sagot lamang niya sa akin na animo’y simpleng bagay lang naman ang kailangan naming gawin.

Tinaasan ko na lamang siya ng kilay at agad na kumunot ang kanyang noo dahil sa aking inasta.

Kaya nga pinoproblema ko ang bagay na ito kanina pa dahil alam kong malabo na makadalo rin siya sa school fair dahil bukod sa busy siyang tao ay alam ko rin na may sarili na siyang pamilya sa Maynila kaya panigurado na baka hindi siya payagan ng kanyang asawa na si Kate.

“Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Kenj?”

“Kaya nga hindi na ako nagabala bang banggitin sa iyo ang tungkol dito dahil alam kong busy ka sa trabaho mo sa Maynila at higit sa lahat, may asawa ka na kaya baka magalit siya sayo kapag nalaman niya na mas inuuna mo ang mga anak mo sa labas kaysa sa kanya,” mapait kong tugon ngunit tinignan niya lamang ako ng masama dahil sa aking sinabi.

Ano na naman ba ang ginawa ko? May masama ba sa sinabi ko?

Alam ko naman na nagsasabi lang ako ng pawang katotohanan lamang.

Napabuntong hininga na lamang ako sa aking naisip.

“Huwag na huwag mo nang ulitin na sabihan ang mga anak natin na sila ay anak lamang sa labas ng kanilang ama. Ayaw kong iyon ang tumatak sa kanilang isipan.”

“Kahit kailanman ay hindi ko sila itatakwil at kahit anong mangyari ay hindi ko ikakahiya na naging anak ko sila,” matigas at seryosong sagot naman ni Kenj at napansin ko na umigting ang mga panga nito habang nakakuyom ang kanyang kamao.

Agad naman akong nagsisi dahil sa aking tinuran kanina.

I feel guilty dahil hindi ko dapat iyon sinasabi sa aking mga anak na sila ay anak sa labas.

Nadala lamang ako ng aking emosyon dahil sa katotohanan na si Kenj ay kasal na sa ibang babae kaya ko biglang nasabi ang mga katagang iyon.

“Pasensya na, hindi ko sinasadya na masabi iyon sa mga bata. Pero kung buo na ang iyong pasya na sumama sa kanilang school fair ay labis akong magpapasalamat sayo dahil sa wakas ay masosolusyunan na ang aking problema.”

“Alam mo naman kung gaano ko kamahal ang kambal at ayaw ko lamang na nakakaramdam sila ng lungkot at inggit kung minsan sa mga ibang bata na mayroong kumpletong pamilya.”

“Ayaw ko na maging dahilan iyon para maranasan nilang tuksuhin ng kanilang schoolmates. Kaya naman ay hangga’t maaari ay gusto ko silang iiwas sa sitwasyon na iyon at ang tanging alam ko lamang na solusyon ay ang iyong pagdalo sa school fair ng mga bata.”

Mahabang litanya ko naman at sinserong tinitigan si Kenj tanda ng aking pasasalamat sa kanya.

Kahit papaano ay naibsan ang dinadala kong problema dahil sa kanyang pagpayag na dumalo sa school fair ng kambal.

Ang problema ko naman ulit ay kung paano magkakaayos sina Kenj at Yaj. Hangga’t maaari ay ayaw kong lumaki ang aking mga anak na may kinikimkim silang poot sa kanilang ama.

Siguro ay makakatulong rin ang pagdalo ni Kenj sa school fair upang makapag bonding sila at maging malapit ulit sa isa’t-isa.

Hiding The CEO's Twins(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon