CHAPTER 39

357 4 0
                                    

CHAPTER 39: REJECTED

SHANBRI POV

“Ayiee, sagutin mo na po si sir, ma’am!”

“Yes na yan!”

“Congratulations na agad!”

Nanatili akong tahimik sa kabila ng ingay ng aking mga kasama. Lahat sila ay nakangiti at lahat sila ay iisa lang ang gustong marinig mula sa akin.

Iyon ay ang matamis kong “oo” sa tanong ni Benedict sa akin.

“Sumagot ka na agad, bes! Huwag ka nang mag-isip pa, okay?” Napalingon ako kay Trish at naka-thumbs up siya sa akin.

Nabakas ko sa kanyang mukha ang pag-aalala dahil higit na mas kilala niya ako kaysa sa lahat ng narito ngayon sa kwartong ito.

Siya ang lubos na mas nakakaalam ng totoo kong damdamin at sigurado rin ako na alam niyang wala akong gusto kay Benedict sa simula pa lang at malabong makuha siya ang pinaka-aasam niyang sagot mula sa akin. Hindi sa oras na ito at lalong hindi kahit na kailan.

Huminga ako ng malalim at tinitigan si Benedict ng seryoso.

Pinatayo ko siya mula sa kanyang pagkakaluhod at hinaplos ko ang kanyang gwapong mukha.

Napangiti ito dahil sa aking ginawa at maging ang mga kasama namin ay naghiyawan.

“Ben, gusto ko lang sabihin na, maraming salamat sa effort na ibinigay mo upang mabuo ang sorpresang ito para sa akin. I really appreciate it at sa totoo lang, hindi ko inaasahan na kaya mong gawin ang lahat ng bagay na ito para pasayahin ako."

"Alam ko simula pa lang noon na sinsero ang iyong pagmamahal sa akin at nagpapasalamat ako para dun. Marami ka nang naitulong sa akin at pati na rin sa aking mga anak. Kung wala ka ay marahil hindi ko alam kung saan kami pupulutin pagkatapos ng nangyari sa amin.” Bahagya akong tumigil sa aking sinasabi.

‘Wala iyon, Shan. Masaya akong tulungan kayo at lagi mong tatandaan na palagi akong narito pa sa inyo kahit na ano pang mangyari,” sagot ni Benedict habang nakangiti sa akin.

“Ngunit, simula pa lang ay nilinaw ko na sa iyo na hanggang kaibigan lang kaya kung ibigay para sa iyo."

"Alam mong hindi ko kayang suklian ang pagmamahal mo sa akin kaya mas mabuti pa na ituon mo na lamang sa ibang bagay ang iyong atensyon,” seryoso kong sagot kay Ben.

Nakita kong nalungkot ang mukha niya at tumahimik rin ang mga kasama namin sa kwarto.

“So what do you mean by that, Shan? Are you declining my proposal? Ibig sabihin ba niyan ay rejected ulit ako for the second time?” mapait na tinuran ni Ben.

Nakangiti siya pero bakas pa rin sa kanyang mata ang sakit at lungkot dahil sa aking naging sagot.

“I’m sorry, Ben. Hindi ko gustong saktan ka. Mahalaga ka sa akin bilang kaibigan ngunit hindi ko kayang ibigay ang nais mo. Hindi mo ako pwedeng maging girlfriend dahil masyadong komplikado ang buhay ko at may dalawa na akong anak."

"Mas gusto ko na lamang mag-focus sa mga anak ko. Sa tingin ko rin ay hindi magiging maganda sa image mo kung makikipagrelasyon ka sa babaeng may anak na. Binata ka pa, Ben at marami ka pang makikilalang babae na mas higit sa akin,” seryoso kong tugon.

“Oh, is that so? I guess I am really rejected again. It’s okay, hindi ako susuko, Shan. Wala akong pakialam kung may anak kana at hindi mahala sa akin ang sasabihin ng ibang tao."

"Araw-araw pa rin kitang liligawan at handa akong maghintay hanggang sa oras na maging handa ka nang magmahal ulit. Basta hayaan mo lang akong iparamdam sayo ang pagmamahal ko pati na rin sa mga anak mo. Alam mo naman na parang anak na rin ang turing ko sa kambal, hindi ba?” sagot ni Benedict pero bakas pa rin sa kanyang boses ang lungkot at pagkadismaya.

“Don’t act like you are my dad because you’re not and you will never be!” biglang nagsalita si Yaj at hindi na maipinta ang kanyang mukha ngayon.

“Yaj, stop it! Hindi kita pinalaking bastos. Mag-sorry ka sa tito Ben mo ngayon na,” striktong pananaway ko sa aking anak.

Hindi ko akalain na kaya niyang sabihin iyon kay Benedict sa harap ng maraming tao.

“Tsk, I want to go home now. Are you done with your nonsense? You are so boring,” matigas na tugon ni Yaj at nakita kong umirap ito.

Lalapitan ko na sana siya pero biglang humarang si Trish.

Sumosobra na ang batang ito. Hindi ko akalain na matututo siyang maging bastos.

“Naku! Huwag mo nang pansinin si baby pogi bes. For sure naiinip lang siya kaya niya nasabi ang mga bagay na iyon."

"Pagpasensyahan niyo na ang bata ha at pasensya na rin Ben sa nasabi ni baby boy hehe,” nakangiwing sabi ni Trish at agad na dinaluhan si Yaj na animo’y parang umuusok na ang ilong ngayon.

‘Wala iyon, naiintindihan ko siya at bata pa siya kaya wala pa siyang masyadong alam hehe. Sige maaari na kayong umalis guys at kung pwede pakiligpit na rin ang mga ginamit natin. Salamat!” sabi ni Ben sa mga staff.

At agad naman na nagsialisan ang mga ito sa loob ng aming kwarto hanggang sa kami na lang nina Trish, Benedict, ako, at ang kambal ang natitira sa loob ng kwarto.

“Mommy! Why did you decline Tito Ben’s proposal? Don’t you like him?” inosenteng tanong ni Bri at nakakunot ang noo nito noong siya ay lumapit sa akin.

“Hindi naman sa ganun, anak. Huwag ka na lang magtanong dahil hindi mo rin naman maiintidihan pa kasi bata ka pa, hmm?” simpleng tugon ko na lamang sa aking anak at hinaplos ang kanyang pisngi.

“I am not a baby anymore, mommy! Do you still love our dad? That is why you don’t want to accept Tito Ben’s proposal?"

"But daddy doesn't love us because he exchanged us with another girl. I think daddy is not worthy of your love, mommy,” seryosong sambit ni Bri na animo’y isang matanda kung magsalita.

Nagulat ako sa kanyang tinuran at maging si Trish at Benedict ay nabigla rin.

Nagkatinginan kami ni Trish at bahagya lamang siyang napailing sa akin.

“That’s right, dad is not worthy of your love, mom. But that doesn’t mean you are allowed to get in a relationship with other guys."

"I will never accept a new man in your life. I don’t need a new daddy and I don’t even need a daddy in my life in the first place,” matigas na sagot ni Yaj at lahat kami ay napanganga sa kanyang tinuran.

Hindi ko akalain na ganito na kalaki ang sama ng loob ng kambal sa kanilang ama.

Hindi ko man maamin sa aking sarili ngunit nasasaktan pa rin ako sa aking mga naririnig ngayon.

Hiding The CEO's Twins(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon