CHAPTER 10

592 5 0
                                    

Chapter 10: Talk

Agad na sinalubong kami ng kanyang driver at pinagbuksan ng pinto ng kanyang kotse.

Dahan dahan naman niya akong binaba at pumasok na rin siya sa passenger seat.

"Kuya Tom sa condo po," sabi niya sa driver at agad naman niya itong pinaandar.

Magkatabi kami at talagang dikit na dikit ang aming katawan. Ito kasing si Kenj ay niyayakap ako. Ang isang kamay niya ay nasa baywang ko at ang isa naman ay nakayakap sa braso ko. Animo'y ayaw niya akong makawala.

Binalingan ko naman siya at sinaway. "Sir bitawan niyo na po ako nasa loob na tayo ng sasakyan." At pinipilit kong makawala sa kanya pero lalo lang niyang hinigpitan.

"No. Baka tumakbo ka pa hindi ko na kakayanin kapag nawala ka ulit sakin," matigas na sagot nito at tinitigan ako sa mata.

Bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya. Bakit niya ba ito ginagawa. May asawa na siya kaya dapat hindi siya ganito sa akin ngayon.

"Bakit ba-" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko sana dahil sumabat na siya.

"Stop it. Don't talk lalo lang akong nahihilo," sabi niya at naalarma naman ako.

"H-ha? Nahihilo ka bakit hindi mo sinabi agad at binuhat mo pa ako kanina," naiiritang tanong ko sa kanya. Baliw talaga siya paano nalang kung natumba kami kanina.

"I can handle myself. Ngayon lang ako nahihilo masiyado dahil nakasakay na tayo sa kotse," paliwanag naman niya.

"Gusto mo bang pahinaan ang aircon?" tanong ko pero hindi ko na siya hinayaang sumagot at agad kong inutusan ang driver.

"Kuya pakihinaan naman po ung aircon," utos ko sa driver.

"Wag na." Agad naman niya itong tinutulan. Napakunot ang noo ko sa kanya akala ko ba ay nahihilo siya.

"I think I'm getting hot right now. Lalo na't sobrang lapit mo sa akin." At may sumilip na ngisi sa kanyang labi.

Kahit kailan talaga ay loko loko parin siya. "Sir ang akala ko ba-" Hindi niya ulit ako pinatapos.

"Don't mind me, mamaya nalang tayo mag-usap pagdating sa condo." At agad niyang ihinilig ang kanyang ulo sa balikat ko habang yakap niya ako ng mahigpit.

Napabuntong hininga na lamang ako at talagang kailangan nating mag-usap. Sa isip ko.

___

Narito na kami sa condo niya at kasalukuyang nasa tapat ng pinto.

"Ikaw nalang magbukas," utos niya sa akin dahil buhat buhat na naman niya ako. Kanina ko pa nga sinasabing ibaba na niya ako at kaya ko namang maglakad mag-isa pero matigas talaga ang ulo niya kaya hinayaan ko nalang.

Mabuti na lamang at iyong security guard lamang kanina sa baba ang nakakita sa amin dahil kung hindi ay nakakahiya kami.

Inirapan ko naman siya at tinanong kung ano ang password niya.

"Ahmm it's our anniversary," sagot niya.

Agad namang umarko ang kilay ko sa sinabi niya.

"A-ano?" nauutal na pagkukumpirma ko.

"I said my password is our anniversary. Tanda mo pa naman siguro iyon diba," sabi niya at napangisi.

"A-ah o-okay." At agad na pinindot ang (1*24) at tumunog naman ito senyales na nakabukas na ang pinto.

Hindi naman ako makapaniwala na anniversary talaga namin ang password niya. Bakit hindi nalang ang anniversary nila ng asawa niya.

Pinalis ko na lang ang nasa isip at umiling. Hindi ko na lamang ito bibigyan ng pansin.

Hiding The CEO's Twins(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon