CHAPTER 15

333 5 0
                                    

Chapter 15: Father

Malapit na ang uwian pero hindi parin ako pinapansin ni Kenj. Kanina kasi noong hinalikan niya ako ay itinulak ko siya. Napalakas ito kaya napaupo siya sa sahig. Paano naman kasi asa opisina kami ay kung ano ano ang ginagawa niya mabuti na lamang at nilock niya ang pinto kanina.

Galit siya sa akin dahil ayon sa kanya ay hindi ko na talaga siya mahal dahil ayaw kong magpahalik sa kanya. Ipinagpalit ko na raw siya kay Benedict kaya hindi niya ako pinapansin.

Hindi niya rin ako sinabayan na kumain pero pinabilhan parin niya ako ng Mcdo sa secretary niya.

Gusto ko na sana siyang makausap para malaman ko kung ano talaga ang totoo at kung bakit ganito ang pinapakita niya sa akin kaya lang ay hindi ako makakuha ng tamang tyempo dahil nga mainit ang ulo niya.

Hindi pa nga siya kumakain ng lunch kaya sigurado akong gutom na siya at pagod na rin. Kanina pa kasi siya nakatutok sa laptop niya.

"Sir hindi ka pa ba nagugutom?" pagpapapansin ko sa kanya.

Hindi naman niya ako tinapunan ng tingin. "I'm not hungry," matigas na sagot niya sa akin mukhang galit pa rin talaga siya.

"Pero si-" Hindi ko naman natapos ang sasabihin ko dahil biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si sir Joshua na may hawak na dalawang bata sa magkabilang kamay.

"Yo! Watsup ebribade!" masayang bati ni sir Josh.

Lumaki naman ang mga mata ko ng mapagtanto kung sino ang dalawang batang kasama ni sir Josh.

Anong ginagawa ng mga anak ko rito. Napatayo ako at agad na nagsitakbuhan ang mga anak ko sa akin. "Mommy!" "Mom!" At niyakap nila ako sa aking binti. Hinaplos ko naman ang kanilang buhok.

"Babies why are you here?" tanong ko sa dalawa.

"We're here to fetch you mom," sagot naman ni Yaj.

"Are you surprise mommy?" bungisngis na tanong ni Bri.

Hindi ko naman sila sinagot at binalingan si sir Josh.

"Sir anong ginagawa nila dito?" kunot noong tanong ko sa kanya.

"Ah nakita ko kasi sila sa baba gustong pumasok dito kaso ayaw silang papasukin kaya ako nalang nagdala sa kanila dito hehehehe," paliwanag ni sir Josh habang nagkakamot ng ulo.

"Sinong kasama nilang pumunta dito?" tanong ko.

"Ah iyong lalaki hindi ko na pinasama dito kasi baka masuntok pa siya ni Yael hahahaha." Natatawa pa talaga siya.

Lalaki? Siguro ay si Benedict iyon. Bakit niya ba sinama pa rito ang mga anak ko.

Oo nga pala narito si Kenj. Agad ko siyang tinignan at titig na titig ito ngayon sa mga anak ko. Patay mukang ito na iyong kinatatakutan ko.

"Mommy?" baling nito sa akin at tinignan ako ng matalim.

Kinabahan naman ako at hindi alam kung ano ang isasagot.

"Who are you? Why are we have the same eyes?" sabi ni Yaj at titig na titig ito kay Kenj ngayon. Salubong ang mga kilay nito.

"Ah kids sama muna kayo kay sir Josh sa labas," utos ko sa mga anak ko at tinignan ko si sir Josh nang may nagsusumamong mata.

Mukang nagets naman niya kaya inakay na niya ang dalawa. Gusto pa nilang mag protesta pero hindi ko sila hinayaan kaya wala na silang nagawa kung hindi lumabas ng office.

___

Kaming dalawa nalang ulit ni Kenj dito sa loob ng opisina niya at ramdam na ramdam ko na ang tensyon sa pagitan naming dalawa.

Hiding The CEO's Twins(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon