CHAPTER 35: TOYSTORE
SHANBRI POV
Narito kami ngayon sa isang maliit na Daycare Center dito sa lugar na tinitirahan namin ngayon para ipaenroll ang kambal dahil gusto na nilang mag-aral at ayaw raw nilang maburyo sa loob ng rest house.
Bumisita sa amin si Trish dahil wala raw siyang pasok sa trabaho niya ngayon kaya naisipan niyang kamustahin ang kalagayan namin dito. Kasama namin siya ngayon dito sa Daycare Center.
"Silang dalawa ba ang ipapaenroll niyo, Misis? Kambal ba sila? Napakaganda naman ng kulay ng kanilang mata. May lahi ba ang mga bata?" may pagkamanghang tanong naman ng school administrator na kaharap namin ngayon.
"Wala po, sadyang maganda lang talaga ang genes ng best friend ko. HAHAHA!" Si Trish na ang sumagot para sa akin na may kasama pang tawa.
"Ah ganun ba, bakit kayo lang? Hindi niyo ba kasama ang daddy ng mga bata? Nasaan po ang mister niyo, misis?" usisang tanong ulit ng ginang sa amin.
“Hay naku naman, ma’am. Mawalang galang na po pero pwede bang asikasuhin niyo nalang ang application ng mga bata kaysa magtanong pa kayo ng mga personal na bagay,” masungit na sagot naman ni Trish at patagong inirapan ang ginang.
“Ay, sorry po, ma’am. Sige po paki-fill out nalang po itong form at pakibalik sa akin kapag tapos niyo na,” nahihiyang sabi na lamang ng ginang.
Agad namang kinuha ni Trish ang papel at inakay ang kambal papunta sa lamesa na pwede naming pagsulatan. Napabuntong hininga na lamang ako at tahimik na sumunod sa kanila.
___
Pagkatapos naming magpa-enroll sa Daycare Center ay nagyaya si Trish na pumunta sa malapit na mall dahil gusto daw nitong ipasyal ang mga bata kaya pumayag na lang ako para makapag-liwaliw rin muna kami saglit.
“Grabe, naimbyerna ako dun sa school administrator kanina ha. Ang daming tanong hindi na lang gawin ang trabaho. Nakakainis siya, sa totoo lang,” Singhal ni Trish habang salukbong ang dalawang kilay nito.
“Hayaan mo na, Trish. Okay lang naman sakin, baka curious lang si ma’am. Kalimutan nalang natin,” kalmadong sagot ko naman sa kanya para hindi na siya lalo pang mainis sa nangyari kanina.
“Tsk, mabuti na lamang at hindi mo nailipat sa apelyido ni Kenj ang apelyido ng bata para walang bakas kung sino ang totoong ama nila,” mahinang bulong naman sa akin ni Trish para hindi marinig ng mga bata.
Kasalukuyan kaming nag-iikot sa mall ngayon at naghahanap ng pwedeng kainan dahil karamihan sa mga food stalls ay puno na.
Maliit lamang kasi ang mall na ito kaya walang maraming kainan. Puno narin sa m*donald’s kaya nakabusangot ang mukha ng kambal dahil hindi sila makakakain sa favorite nilang fast food chain.
___
Pagkatapos naming kumain sa isang food stall ay nagyaya ang mga bata na magikot-ikot muna dito sa loob ng mall. Pinagbigyan ko naman sila pero sinabihan ko agad sila na wala kaming pambili sakaling makakita ang mga ito ng gusto nilang bilhin.
Hawak ni Trish ang dalawang bata sa magkabila niyang kamay at tahimik lamang akong nakasunod sa likuran nila. Nakita ko naman na napahinto ang dalawa sa tapat ng toystore.
Napailing na lamang ako sa aking nakita. Heto na nga ba ang sinasabi ko eh. Hindi talaga maiiwasan ng kambal ang hindi magpabili ng laruan sa tuwing lumalabas kami.
“Mommy, can we buy new toys? Our toys are a bit old already, please?” tanong naman sa akin ni Bri at nagpapaawa-effect pa ito sa akin para pagbigyan ko.
“Ano na naman yan, Bri. Hindi ba’t nag-usap na tayo kanina sa bahay na walang bibili ng kahit anong laruan?” Masungit na tugon ko naman sa aking anak.
Humaba lang ang nguso nilang pareho pero tinaasan ko nalang sila ng kilay sabay iling para hindi na nila ipilit ang gusto nila.
“Hi, good day! Mayroon po kaming special promo today at kung sinong pang-anim na pupunta sa aming toy store ay magkakaroon ng free shopping spree. Gusto kong malaman niyo na kayo ang maswerteng customer na iyon kaya halina na kayo at pumasok sa loob para makapili ng kayo ng mga laruan.”
Isang staff naman ng toystore and biglang lumapit sa amin. Nagkatinginan kami ni Trish at mukhang pati siya ay ayaw paniwalaan ang sinabi ng babae. Paano naman nagkaroon ng ganoong promo dito? Hindi kaya scam ang babaeng to?
“Naku, mga miss, kung iniisip niyo na scam ako eh nagkakamali kayo. Heto ang ID ko oh, I’m a staff here sa toystore na ito at nagsasabi ako ng totoo. Nanalo po kayo sa special promo namin,” biglang sagot naman ng babae na animo’y nababasa kung ano ang nasa isip ko.
“Wow, mommy, she said that we won! So, it means that we can choose all the toys that we wanted and you will give it to us for free? Am I right with that, miss?” Excited na tanong naman ni Bri na akala mo’y hindi bata kung magsalita.
“Oh My Gosh! Hindi ka lang cute baby, matalino kapa! Nagmana ka siguro sa daddy mo noh? Pareho kayong matalino pati kulay ng mata. HIHIHI,” tuwang-tuwa na tugon pa ng babae.
Napakunot naman ang noo ko sa kanyang nabanggit. Pati si Trish ay napatingin rin sa akin. Paano naman niya nalaman na kulay abo din ang mata ng daddy nila? Kilala ba niya si Kenj?
“Mommy, what are we waiting for? Let’s go inside now, come on!” excited na sambit ni Bri at hinila agad ako papunta sa loob ng toystore.
Napabuntong-hininga na lamang ako at nagpatianod sa aking anak. Pumasok narin sa loob si Trish at siya ang may hawak kay Yaj. Kahit tahimik lamang ito ay sigurado ako na labis din siyang natutuwa sa sinabi ng babae.
Agad namang pumili ang mga bata ng gusto nilang laruan. As usual, toy airplane ang agad na kinuha ni Yaj at mga barbie dolls naman ang kay Bri.
Napailing na lamang ako sa aking mga anak dahil marami naman silang ganyan na laruan sa bahay pero ang gusto nila palagi ay iyong bago.
“Okay na iyan, kids. Miss, iyan lang ang kukunin namin. Sigurado po ba kayo na hindi namin kailangang magbayad?” tanong ko sa staff.
Gusto ko lang makasigurado kasi baka bigla nalang nila kaming singilin o di kaya ay sabihin na nagnakaw kami ng laruan sa kanila kasi hindi kami nagbayad.
“Wala na po ma’am, may nagbayad- este, free na po iyan kasi nga po nanalo kayo sa special promo namin, hindi ba? HEHEHE,” sagot naman ng babae habang nagkakamot ng ulo.
“Okay po, maraming salamat. Kung ganoon ay, maaari na po ba kaming umalis?” tanong ko ulit. Tumango lamang ang babae bilang tugon sa akin habang nakangiti ito malawak sa akin.
Lumabas na kami sa toystore at hindi ko alam pero ang weird talaga nung babaeng staff kanina. Bigla naman akong may naramdaman na parang may mga matang nakamasid sa amin.
Agad kong tinignan ang paligid ngunit wala naman akong nakitang kakaiba bukod sa ibang tao na narito rin ngayon sa mall. Nagkibit balikat na lamang ako. Baka guni-guni ko lang iyon.
BINABASA MO ANG
Hiding The CEO's Twins(COMPLETED)
RomanceSi Shanbri ay isang simpleng babae lamang ngunit ang kanyang kasintahan na si Kenji Yael ay isang bilyonaryo na CEO. Sa kabila nito, mahal pa rin nila ang isa't isa nang walang kondisyon. Hanggang sa isang araw, nalaman ni Shanbri na si Kenji Yael...