CHAPTER 4

2.1K 34 2
                                    

Chapter 4: Four years later

Kakauwi ko lang ng bahay galing sa trabaho. Nakapasok ako sa isang company dito sa Sta. Luna.

Maliit na bayan lamang ito at malayo sa siyudad pero ma asenso na rin kaya mayroon nang iilan na mga kompanya ang nakatayo dito. Dito lumaki si mama bago niya nakilala si papa at nanirahan sa Maynila.

Apat na taon na simula nang umalis ako sa Maynila at lumuwas dito.

Apat na taon na rin simula ang nangyari sa amin ni Kenj sa gabing iyon.

Apat na taon ko na siyang iniwan at wala kaming matinong closure.

Siguro ay hindi narin kami muling magkikita kasi nasa malayong lugar siya. Marahil ay kasal na rin ito at may anak na. Masaya na siguro siya kasama ang pamilya niya.

"Mommy!" sigaw ng anak kong babae.

Yes, may anak na ako actually twins sila. Babae at lalaki. Nagbunga ang nangyari sa amin ni Kenj noong gabing iyon.

Inaamin kong hindi pa ako nakakamove on sa kanya hanggang ngayon.

May mga nanliligaw sa akin at sinasabing handa silang maging ama ng mga anak ko pero hindi ko sila sinasagot.

Kaya rin siguro hindi ko makalimutan si Kenj ay dahil parang araw araw ko na rin siyang nakikita dahil sa mga anak ko. Kamukhang kamukha kasi niya ang mga ito. Nakuha rin nila ang kulay abo niyang mga mata. May kaputihan lamang sila na sa akin nila namana dahil moreno si Kenj. Pero bukod doon ay lahat na ay namana nila sa kanilang ama.

Kapag siguro ay nakita niya ang mga bata ay iisipin niyang kanya ang mga ito dahil sa kanilang itsura.

Pero wag naman sanang dumating ang araw na iyon dahil ayaw ko nang makasira ng pamilya. Masaya na siya at masaya narin naman kami ng mga anak ko kahit wala silang ama.

Hindi naman maiiwasan na magtanong ang mga bata tungkol sa kanilang ama lalo na't lumalaki na ang mga ito.

Nagdadahilan na lamang ako sa kanila at minsan ay iniiba ko nalang ang usapan kapag hindi na ako makasagot.

Tumakbo papalapit sa akin si Brianna at agad ko naman siyang binuhat at pinuno ng halik ang kanyang pisngi.

Nasa likuran naman niya ang kakambal na si Yaji at nagpabuhat rin sa akin. May pagkasuplado ang anak kong lalaki at tahimik lamang ito. Nagmana siya sa ugali ng kanyang ama.

"How are my babies? Behave ba kayo kanina baka pinahirapan niyo si lolo at lola ha?" tanong ko sa dalawa.

Kasama ko ang parents ko na lumuwas sa Sta. Luna. Nagretiro na sila sa kanilang trabaho bilang teacher.

Noong nalaman nila na buntis ako ay hindi naman nila ako sinumbatan bagkus ay tinulungan pa nila ako para mag-alaga sa mga anak ko.

"Yes, mommy, behave po ako," maliit na boses ni Bri. Pinanggigilan ko naman siya sa kanyang kacute-an.

"Tch. She's not mom. She's too noisy," reklamo naman ni Yaj sa kanyang kapatid.

Natawa naman ako sa kanyang inasta. Suplado talaga ang batang ito.

Agad namang umapila si Bri, "Hindi kaya kuya!"

"Yes, you are." Yaj.

"Tama na yan diba ang sabi ko ay wag kayong mag-aaway. Heto may pasalubong ako sa inyo." Binaba ko sila at binigay ang pasalubong ko.

"Wow! Donuts, my favorite! thanks mommy!" Excited si Bri at hinalikan ako sa pinsgi. Kinagatan niya agad ang donut.

Natawa na lamang ako sa kanyang inasta.

Si Yaj naman ay tahimik lamang na kinain ang kanyang donut.

Kung nagtataka kayo kung bakit panay english ang mga anak ko ay dahil matatalino ang mga ito. 3 yrs. old pa lamang sila ngunit ang kanilang pinapanood na palabas ay puro english. Hindi ko naman alam kong bakit ito ang tipo nila. Nakuha siguro nila ito sa ama. Matalino kasi si Kenj at panay english din.

Pinabayaan ko na lamang ang mga bata at nilapag ang aking gamit sa sofa.

Nakita ko naman si mama na naghahanda na ng hapunan. Si papa naman ay naghuhugas ng mga gulay.

Nilapitan ko sila at nagmano.

"Ma, pa, pasok muna ako sa kwarto magpapahinga muna ako sandali," paalam ko.

"Sige nak, tawagin na lamang kita kapag handa na ang hapunan," sagot ni mama.

Si papa naman ay tumango lang sa akin.

Nagtungo na ako sa kwarto at pumasok dito.

Agad ko namang binagsak ang aking sarili sa kama.

Pagod na pagod ako sa trabaho dahil ilang araw narin akong nag o-ot dahil pinagiipunan ko ang pag-aaral ng kambal. Nais na kasi nilang pumasok sa day care dahil palagi lamang silang nabuburyo dito sa bahay at kaunti lamang ang kanilang kalarong bata dito dahil ang iba ay tinutukso sila dahil sa kulay ng kanilang mata.

Kaya ayaw na nilang makipaglaro sa ibang bata at silang dalawang magkapatid na lamang ang naglalaro dito sa bahay.

Hindi ko mapigilang ipikit ang aking mga mata. Inaantok na ako. Tuluyan ko ng ipinikit ang aking mata.

Matutulog siguro muna ako saglit.

___

Nagising ako dahil sa halik halik sa aking pisngi. Pagdilat ng aking mata ay bumungad sa akin si Bri.

"Good morning mommy! Wake up na. You didn't eat last night so eat now," malambing na sabi ng aking anak. Sweet talaga si Bri at bibong bata. Madaldal ito kaya palaging naiinis ang kanyang kapatid sa kanya.

Nakita ko naman si Yaj sa aking gilid at nakayakap sa aking baywang.

Napangiti naman ako. Kahit suplado si Yaj ay clingy naman ito sa akin.

"Okay babies. Mommy will wake up na. Just wait for me outside," sagot ko sa kanila at tumungo ng banyo para gawin ang aking morning rituals.

___

"Mommy will go to work na. Behave kayo ha wag makulit," paalam ko sa aking mga anak.

"Yes mommy!" sabay nilang tugon at isa isa akong hinalikan sa pisngi.

Nagpaalam narin ako sa parents ko.

"Ma, pa, alis na po ako kayo na pong bahala sa mga bata."

"Sige nak, mag iingat ka."

Pumara ako ng tricycle at nagpahatid sa sakayan ng jeep. Medyo malayo ang pinagtatrabahuan ko at mabuti na lamang at hindi ako nali-late.

Nakarating na ako sa company. Binaba ko ang aking gamit sa table ko at nagsimula nang magtrabaho.

Kasalukuyan akong gumagawa ng report at narinig ko ang pinag kukwentuhan ng ibang empleyado.

"Ibenenta na pala ang company nato sa isang mayaman na taga Maynila. Bago na ang may-ari at darating daw ito bukas dito para mag inspection," sabi ni Miss Helga kay Faye nakikinig lamang ang iba sa kanya.

May nabuong kuryusidad naman sa aking isip. Sino kaya ang bagong may-ari sana naman ay mabait ito.

"Balita ko pa ay napakagwapo raw ng ating bagong boss," kinikilig na dagdag ni Miss Helga sa kanyang kwento.

"Talaga? Excited na ako bukas. Ano ba ang pangalan ni sir?" tanong ni Faye.

"Hindi ko pa alam ang buo niyang pangalan basta ang alam ko lang ay Villamor ang kanyang apleyido," sagot ni Miss Helga.

Agad naman akong napatingin sa kanila. Ano daw? Villamor? Tama kaya ang narinig ko?

Agad namang tumibok ng mabilis ang aking puso sa aking naisip.

Isa lang ang Villamor na kilala ko na taga Maynila.

Hindi, siguro ay iba. Hindi lang naman siya ang Villamor sa mundo.

Pagkumbinsi ko sa aking sarili pero sa totoo lang ay kinakabahan na ako.

Posible kayang siya ang aking bagong boss?

Hiding The CEO's Twins(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon