CHAPTER 50: SCHOOL FAIR
SHANBRI POV
Hindi ko maitago ang aking mga ngiti habang pinagmamasdan ko si Kenj ngayon.
Maaga kasi siyang dumating dito sa bahay at sinabihan ko naman siya na kailangan niyang isuot ang family uniform namin na binayaran ko pa mula sa school ng mga bata.
Plane t-shirt ito na color baby pink kaya naman ay nakakatanggal ito ng angas ng isang matikas na lalaki na kagaya ni Kenj.
Sobrang hirap ko pa siyang pinilit na isuot ito dahil magagalit ang teacher ng mga bata kapag hindi kami nagsuot ng aming uniform para sa school fair ng mga bata ngayong araw.
"Why are you laughing at me? I told you that I don't want to wear this piece of cloth but you keep on forcing me. It is very gay just to be honest," reklamong tugon niya nung mapansin niya ang malimit na pagsulyap ko sa kanya habang nangingiti ng nakakaloko.
“Natatawa ako kasi ang cute mo sa suot mo ngayon. Mukha kang good boy at hindi ko akalain na bagay pala sayo ang color pink,” natatawang sagot ko sa kanya at inirapan niya lamang ako habang nakabusangot ang mukha niya.
“Do we really need to wear a family uniform? Can’t we just attend the school fair and have some fun without wearing the same clothes?”
“Honestly such rule is very cringe and I think schools should stop making that kind of rule from now on,” reklamo ulit niya at nakita ko kung paano humaba ang nguso niya habang pilit na inaayos ang kanyang damit.
Actually, maayos naman na itong nakasuot sa kanya at sa totoo lang ay kahit anong suot niya ay nangingibabaw pa rin ang kanyang kagwapuhan kaya lang ay sadyang pinganak lang ata talagang maarte itong si Kenj.
Natatawa na lang ako ulit sa aking naisip.
“Hayaan mo na nga lang, Kenj. Wala tayong magagawa dahil iyon ang rules ng school kaya kung ayaw mong magtampo sayo ang kambal ay tiisin mo na lamang ang pagsuot ng uniform hanggang matapos ang school fair saka ka na lamang magpalit kaagad,” simpleng tugon ko na lamang sa kanya.
"Tsk, so when will our children go out to that room? What is taking them so long? Don't tell me that your friend is doing something weird to my children?"
Nawawalang pasensya na tanong ulit niya habang magkasalubong na ang mga kilay niya.
Kasalukuyan kasing inaayusan ni Trish and kambal at pinalabas niya kami sa kwarto para surprise daw.
Kaya naman ay narito kami ngayon ni Kenj sa living room habang naghihintay sa kanila. Ngunit sa kasamaang palad naman ay mukhang nauubos na ang pasensya ng kasama ko ngayon.
Idagdag mo pa na naiinis siya sa kanyang suot at kung paano ko siya titigan habang tumatawa. Hanggang ngayon ay mabilis pa ring mapikon si Kenj.
Napabuntong hininga na lamang ako sa aking naisip.
"Maghintay na lang tayo dito hanggang sa matapos sila sa kanilang ginagawa. Pakihabaan mo muna ang pasensya mo dahil sigurado ako na maya-maya ay lalabas na sila sa kwarto para makaalis na tayo dito dahil hindi tayo pwedeng ma-late sa school fair ng mga bata."
Ang tanging naisagot ko na lamang sa kanya.
At hindi nga ako nagkamali dahil ayan na nga ang mga bata kasama si Trish at isa-isa silang lumabas sa kwarto.
Agad na tumakbo sa akin si Bri at sumampa sa akin habang ako ay nakaupo sa couch.
"Mommy, look at my hair and makeup! Do I look pretty?" excited na tanong ng aking anak at napangiwi na lamang ako dahil sa ginawa ni Trish sa mga bata.
Well, hindi naman ito mukhang masagwa pero hindi lang siguro ako sanay na makita silang naka make-up.
"Oh God, I know that my children are naturally born pretty and handsome so they don't really need those paint in their face. But, if my babies like it then daddy will like it too," agad namang komento ni Kenj nang makita ang mga anak matapos silang ayusan ni Trish.
"I'm not happy with this at all. I look like a gay, honestly," biglang reklamo naman ni Yaj na animo'y mini version ng kanyang ama dahil hindi lang sila magkamukha, magkapareho rin sila ng ugali.
"No, you are not, my dear. That is the new trend nowadays. All genders can put makeup on their faces and there is nothing wrong with that, okay?" agad naman na paliwanag ni Trish sa mga bata upang hindi sila manibago sa kanilang itsura.
Sang-ayon naman ako kay Trish dahil moderno na ngayon ang panahon at hindi na bago sa kasalukuyan ang paglalagay ng kolorete sa mukha kahit ano pa ang iyong kasarian.
"It's fine, my babies. You still look good and nothing changes. Come on, let's take a picture. Can you take a picture of us, Ms. Trish?" tanong ni Kenj kay Trish.
Tumango lang ito at kinuha ang cellphone ni Kenj para doon kami kuhanan ng litrato.
"Yaj, bakit nakatayo ka lang diyan? Halika rito at lumapit ka sa amin para makuhanan na tayo ng litrato ng ninang Trish mo."
Agad ko namang tinawag ang aking anak na lalaki dahil nakatayo lamang ito at mukhang walang balak na lumapit sa kinaroroonan namin ngayon.
"Can you stop pretending that we have a complete family because we have not and we will never be complete anymore.”
“Did you forget that our father is married to another woman so why are you acting like nothing happened, mom?" matigas na tugon ni Yaj na animo'y hindi na ito bata kung magsalita.
Napalingon lamang ako kay Kenj at nakita ko kung paano lumungkot ang kanyang mukha dahil sa sinabi ng anak.
Iyong kanina na excited at masaya niyang mukha ay napalitan ng kalungkutan.
"Yaj, stop talking to us like that. Hindi kita pinalaking bastos. Alam ko na may tampo ka pa sa iyong ama pero hindi ba dapat ay maging masaya ka dahil kumpleto ang ating pamilya na dadalo sa inyong school fair."
Agad kong sinaway ang aking anak dahil ayaw kong lumaki siya na may baluktot na pag-uugali.
Hindi sapat na dahilan ang pagkakaroon niya ng sama ng loob sa ama upang makalimot ito na rumespeto sa mga mas nakakatanda sa kanya.
"I know you are still mad at me, son. But, you should not talk to your mom like that. I am just doing this for your own good so that your classmates will not bully you at school for not having a complete family. I hope you understand that, buddy?" seryosong tugon ng ama at tinitigan si Yaj ng diretso.
Napaismid na lamang si Yaj at hindi na sumagot pa ng pabalang sa amin.
"Mom, dad, and bro, today is our school fair and we should enjoy this day together. Can you just forget about that even just for today for the sake of our happiness?"
Nabigla naman kasi sa pag-singit ni Bri na animo'y isang matanda habang nagsasalita at ang mga kamay niya ay nasa kanyang baywang.
"Another thing, I know that dad might have mistakes but can you not forgive him, my brother?" Dagdag na tanong ulit ni Bri sa kanyang kapatid.
Napa tahimik na lang kami at hinintay ang magiging sagot ni Yaj sa kanyang kapatid.
"No, I still can't forgive him," matigas at seryosong sagot ni Yaj saka naunang kinuha ang kanyang backpack.
Napabuntong hininga na lamang ako at tiningnan ni Kenj at Trish ng makahulugan.
Mukhang nakuha naman nila ang nais kong ipahiwatig kaya naman ay nauna nang lumabas si Kenj sa bahay at sumunod na lamang kami patungo sa kanyang sasakyan upang makapunta na kami sa school ng mga bata.
BINABASA MO ANG
Hiding The CEO's Twins(COMPLETED)
RomanceSi Shanbri ay isang simpleng babae lamang ngunit ang kanyang kasintahan na si Kenji Yael ay isang bilyonaryo na CEO. Sa kabila nito, mahal pa rin nila ang isa't isa nang walang kondisyon. Hanggang sa isang araw, nalaman ni Shanbri na si Kenji Yael...