CHAPTER 41

369 4 0
                                    

CHAPTER 41: FIRST DATE

THIRD PERSON POV

Masayang-masaya ngayon si Kate dahil sa wakas ay pinagbigyan siya ni Kenji na sila ay mag-date ngayong araw dahil weekends kaya naman ay wala silang trabaho.

Ito ang first date ng dalawa officially magmula ng sila ay maikasal kaya naman ay napaka importanteng araw ito para kay Kate ngunit para kay Kenji ay isa lamang itong normal na araw para makapag pahinga muna sa stressful na trabaho.

“Are you enjoying the movie, baby? Why are you so silent? Talk to me, hmm?” malambing na tugon ni Kate sa asawa habang sila ay magkahawak kamay sa loob ng sinehan.

“I’m fine, just focus on watching. Don’t mind me,” simpleng sagot lamang ni Kenji habang diretso ang tingin sa big screen pero ibang bagay ang tumatakbo sa utak niya sa sandaling iyon.

Makalipas ang ilang minuto ay nasa steamy part na ang movie at ang eksena ngayon ay bed scene ng mga bida sa movie.

Agad na nag-init ang katawan ni Kate dahil sa maiinit na eksena samantalang para wala namang epekto ito kay Kenji dahil walang emosyon na lumalabas sa kanyang mukha.

Hindi mo rin mababatid ang saya sa kanyang kulay abong mata simula ng lumisan si Shanbri at kanyang kambal na anak.

“Nakakainggit naman sila, can I ask you a favor, baby? Please?” malambing na tugon ni Kate sa asawa habang ito ay nakatuon sa mainit na eksena ng pelikula na kanilang pinapanoo.

“What is it?” simpleng sagot lamang ni Kenji gamit ang kanyang malalim at seryosong boses.

“I want you to kiss me now.” Agad namang napakunot ang noo ni Kenji sa tinuran ng asawa at tinignan niya lamang ito ng seryoso at matalim.

“Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Kate? We are in a public place for pete’s sake. Just reserve that some other time.” Hindi naman siya pinagbigyan ni Kenji at pinipigilan lamang niyang magtaas ng boses dahil nasa loob pa rin sila ng sinehan.

“Why are you always denying me, Yael? You can’t even look at me endearingly and just this favor once you can’t even grant a kiss for me? You are so cruel, Yael,” pagmamaktol ni Kate at humaba ang nguso nito.

Napailing naman si Kenji at napabuga ng hangin.

Tinignan niya ng seryoso si Kate at mabilis itong hinalikan sa labi.

Hindi naman agad nakapag-react si Kate dahil sa labis na gulat.

“I hope that’s enough for you. You can just shut your mouth and enjoy watching the movie,” may awtoridad na tugon ni Kenji at tanging tango lamang ang naisagot ni Kate.

Hinawakan ni Kate ang kanyang labi na hinalikan ni Kenji.

Hindi pa rin ito makapaniwala dahil ito ang unang pagkakataon na pinagbigyan siya nito at hinalikan simula ng sila ay maikasal.

Labis ang tuwa at galak ni Kate at sa kalooban nito ay nagpipyesta ang mga paru-paru sa kanyang tiyan.

___

“Baby, can we go to the jewelry shop? I want to buy new jewelries because my accessories at home is a bit old already. Can you go with me please?” malambing na tanong ni Kate sa asawa.

Tumango lamang ito at agad naman niya itong hinila patungo sa paborito nitong jewelry shop sa mall kung nasaan sila.

Pagpasok ng dalawa sa sikat na jewelry shop ay agad silang binati ng mga staff sa shop na ito.

Kilala kahit saang sulok si Kenji dahil sikat ito bilang isang billionaire at top notch businessman kaya naman halos lahat ng tao ay nakakakilala sa kanya dahil malimit rin siyang laman ng balita at dyaryo.

Hiding The CEO's Twins(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon