CHAPTER 45

366 4 0
                                    

CHAPTER 45: TWINS’ BIRTHDAY

SHANBRI POV

Dumating na nga ang 4th birthday ng aking kambal na anak.

Kagaya ng aking plano ay naghanda kami ng simpleng birthday celebration para sa aking mga anak para naman maging masaya rin sila sa kanilang kaarawan.

Narito kami ngayon sa VIP room ng isang restaurant na inupahan ni Benedict para sa kambal.

Ayaw ko na sana siyang gumastos pa para sa kambal dahil pwede naman na sa bahay na lang sila mag-celebrate pero hindi pumayag si Benedict at sabi niya ay regalo na rin daw niya ito para sa kambal.

Hinayaan ko na lamang siya at narito rin si Trish para samahan kaming mag-celebrate.

Wala ang aking mga magulang dahil malayo ang tirahan nila kung saan kami nananatili ngayon kaya naman ay tinawagan ko na lamang sila kanina through video call para naman makausap nila at mabati ang kambal sa kanilang kaarawan kahit malayo sila sa amin.

“Hay, sayang at wala pa akong anak. Wala tuloy tayong bisita na ibang bata bukod sa kambal. Mas masaya sana kung maraming bata ang kasama natin ngayon,” napapabuntong hininga na komento ni Trish habang inaayos ang mga decorations dito sa aming kwarto.

Tama naman siya sa kanyang sinabi at tinanong ko rin ang kambal kung mayroon silang gustong imbitahan na mga kaibigan o kaklase ngunit sabi nila ay wala naman daw silang masyadong ka-close sa school at maging sa aming lugar kaya kami-kami lang ang narito ngayon.

“Hayaan mo na, bes. Ang importante narito tayo para sa kambal at sa tingin ko ay masaya naman sila sa kanilang kaarawan,” simpleng sagot ko na lamang at tinignan ang aking dalawang anak na kasama si Benedict habang manghang-mangha sila sa kanilang birthday cake.

Si Trish ang sumagot ng kanilang cake at ito ang favorite flavor nila na strawberry cake.

Three layers ito at punong puno ng strawberries kaya naman ay tuwang-tuwa ang kambal at kanina pa sila kumukuha ng litrato kasama ang kanilang birthday cake.

“Shan, Trish! Tara group picture naman tayo with the birthday celebrants. Naka-set up na ang Tripod. Dito na lang tayo sa center para makuha ang magandang background.” Maya-maya pa ay nagyaya na si Benedict ng group picture.

Agad naman kaming pwesto sa gitna kung saan naroon ang malalaking letter balloons na ang nakasulat ay “HAPPY 4TH BIRTHDAY TWINS” at may iba’t-ibang decorations pa na pailaw ang nakapalibot sa letter balloons. Kaming tatlo nina Benedict, Trish, at ako ang nagprepare ng lahat ng ito para sa kambal.

Habang inaayos namin ang aming posisyon ay biglang bumukas ang pinto ng kwarto at niluwa nito ang isang matipunong lalaki.

Nakasuot ito ng amerikana at walang emosyon ang mukha nito.

Agad namang nanlaki ang aking mga mata at nanlalambot ang aking tuhod nang makita ko siyang muli.

Maging ang aking mga kasama ay ganun din at para silang nakakita ng isang multo.

“Anong ginagawa mo dito? Pakiusap, huwag kang gumawa ng kaguluhan dito. Tandaan mo hindi mo ito teritoryo.” Agad na pinigilan ni Benedict na makalapit si Kenj sa amin.

Nagtatago naman sa likuran ko ang aking mga anak at sa tingin ko ay hindi sila natutuwang makita ulit ang kanilang ama sa araw mismo ng kanilang kaarawan.

“I don’t have any intentions to create a mess here. Am I not invited to my children’s birthday celebration?” matigas na sagot ni Kenj at nagpalitan lamang sila ng matatalim na tingin ni Benedict.

“Ben, Trish, ako na ang bahala sa kanya. Kayo na muna ang magbantay sa mga bata. Sa labas tayo mag-usap, Kenj. Huwag dito.” Tinitigan niya lamang ako ng seryoso na parang may nasabi akong mali.

“Why are you asking me to leave this place? I just want to see and wish my children a happy birthday. Can you stop being unfair with me, Shanbri.” Punong-puno ng hinanakit ang kanyang boses at kitang-kita ko sa kanyang kulay abong mata ang pangungulila.

“Ayaw ka nilang makita at masaya na kami sa buhay namin dito na wala ka. Ano bang ginagawa mo dito?"

"Paano mo kami natunton sa lugar na ito? Please, Kenj. Ayaw ko na ng gulo kaya pwede ba sumama ka na lang sa akin sa labas?” Nagsusumamo ang aking boses at pinipigilan ko na lamang na tumulo ang aking mga luha mula sa aking mga mata.

“Don’t speak for my children, Shanbri. Kids, daddy is here. Are you happy to see me? Come on, give daddy a hug. I missed you so much my babies.” Tinignan ko ang aking mga anak at pareho lamang silang nakatulala habang nakatingin sa kanilang ama.

Parang hindi pa rin sila makapaniwala na narito ang ama sa kanilang harapan.

“Daddy! I’m waiting for you since then. I’m glad you are here now.” Hindi na napigilan ni Bri na tumakbo sa kanyang ama at yakapin ito ng mahigpit.

Agad naman siyang binuhat ni Kenj habang si Bri ay mahigpit na nakakapit sa leeg ng ama habang ito ay humahagulgol ng iyak.

“Son, come to daddy. Give me a hug,” malumanay na utos ni Kenj kay Yaj.

Alanganin naman na tumingin sa akin si Yaj na parang humihingi ng pahintulot.

Tumango na lamang ako bilang tugon at dahan-dahan na lumapit si Yaj sa ama.

Agad rin siyang binuhat ni Kenj at mahigpit na hinagkan ang dalawang anak sa kanyang bisig.

Pinatakan niya ang mga ito ng halik sa tuktok ng kanilang ulo.

Hindi ko naman napigilan ang aking damdamin at sunod-sunod na pumatak ang aking mga luha mula sa aking mga mata.

Gustuhin ko man na ilayo ang aking mga anak kay Kenj ay wala na akong magagawa pa dahil kahit anong mangyari ay ama pa rin siya ng aking mga anak at hindi ko maaaring alisin sa kanya ang karapatan na makita at mayakap man lang ang kanyang mga anak sa araw ng kanilang kaarawan.

“Happy birthday, my babies. This is your first birthday since you have met me so I don’t want to miss this important occasion."

"I want to be present so I hope I did not scare you by my sudden appearance, didn’t I?” Narinig kong tanong ni Kenj sa kambal at pareho lamang sila na umiling bilang tugon.

“Okay, I’m glad to know that you still want me as your daddy. Here, I have prepared a special gift for your 4th birthday. I hope you will like it.” Binaba ni Kenj ang kambal at kinuha ang dalawang maliit na box mula sa kanyang bulsa.

Binigay niya ang isang box na may blue ribbon kay Yaj at ang box na may pink ribbon naman ang kay Bri.

“Wow, thank you so much daddy!” masayang tugon ni Bri at yumakap sa baywang ng ama.

“Thanks for your gift, dad,” simpleng tugon ni Yaj at yumakap rin sa ama.

“Okay, dahil nabati mo na ang kambal at naibigay mo na ang regalo mo para sa kanila ay maaari ka nang umalis, Kenj."

"Pinagbigyan ko lamang ang mga bata dahil birthday nila ngayon pero hindi ibig sabihin nun na tinatanggap ka namin ulit sa aming buhay,” matigas na sabi ko at agad naman na kumunot ang noo ni Kenj.

“What did you say? I can’t believe you, Shanbri."

"You dared to leave me again and hide our children from me for the second time! When will you really grow up and stop running away from me?” Natahimik naman ako sa kanyang sinabi at biglang kumirot ang aking puso.

Kung makapagsalita siya ay parang kasalanan ko ang lahat at wala siyang ginawang masama!

Hiding The CEO's Twins(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon