CHAPTER 37: SUDDEN SURPRISE
SHANBRI POV
Pagkatapos ng lahat ng nangyari ay masasabi ko na tahimik na ang pamumuhay namin dito sa lugar na ito.
Kahit napapansin ko na minsan ay nakakaalala ang mga bata sa kanilang ama lalo na si Bri, ay nagpapasalamat pa rin ako dahil hindi naman nila pinipilit na bumalik sa Sta. Luna at makita ulit ang kanilang ama.
Sa tingin ko ay masaya na rin si Kenj sa piling ni Kate at alam ko naman na magiging mabuting asawa siya kay Kate at magiging mabuting ama sa kanilang magiging anak.
Nakakalungkot man isipin na ganito ang nangyari sa amin ay masaya pa rin ako para kay Kenj dahil alam ko naman na maayos siya sa Maynila at nabalitaan ko rin na lalong lumakas ang kanilang negosyo simula nang makipag-merge sila sa company nila Kate.
Masakit man tanggapin na wala na kaming pag-asa at malabo na bumalik pa ulit siya sa buhay ko at sa buhay ng mga anak ko ay maluwag ko pa rin itong tinanggap.
Marahil ay hanggang dito na lang talaga ang kwento naming dalawa. Ganun talaga siguro lahat ng kwento, may katapusan at hindi mo maiiwasan na maging malungkot ang wakas ng iyong kwento.
Pumapasok na sa daycare ang kambal dito sa daycare center malapit sa rest house na tinutuluyan namin at ngayon nga ay kasama ko si Benedict upang sunduin ang kambal sa daycare center dahil oras na ng kanilang uwian.
“Shan, gusto ko sanang yayain kayo for a lunch break sa isang sikat na restaurant dito sa lugar natin."
"Okay lang ba kung dumiretso tayo doon pagkatapos nating sunduin ang kambal sa daycare center?” biglang tanong ni Benedict sa akin.
Saglit niya akong sinulyapan at muling itinuon ang kanyang pansin sa daan.
Kasalukuyan kaming nasa byahe sakay ng kanyang kotse at maya-maya pa ay dumating na kami sa daycare center dahil hindi naman ito kalayuan sa rest house na tinitirahan namin.
“Oh, okay lang naman sa akin, Ben. Pero may okasyon ba ngayon? Bakit kailangan natin na kumain pa sa isang sikat na restaurant?” curious na tanong ko naman at nakakita ko na umangat ang labi ni Benedict.
Napangiti ito sa aking tinuran.
“Wala namang okasyon ngayong araw gusto ko lang na kumain tayo sa isang restaurant para maiba naman at sigurado ako na magugustuhan ng kambal ang mga pagkain doon. Importante rin and araw na ito para sa akin kasi…”
Hindi ko na narinig ang karugtong ng sinabi ni Ben kasi halos pabulong na lang ito kaya napakunot nalang ako ng noo.
“Ano nga ulit iyong huling sinabi mo, Ben?” tanong ko sa kanya pero tinitigan niya lang ako ng seryoso kaya bigla akong kinabahan.
“Wala iyon, Shan. Ang sabi ko excited ako para mamaya. Nandito na tayo, tara na sa school at baka kanina pa naghihintay ang mga bata,” simpleng tugon na lamang niya at naunang bumaba ng kotse at pagkatapos ay pinagbuksan niya ako ng pinto.
Hindi pa rin nagbabago si Benedict, napaka gentleman pa rin nito hanggang ngayon.
Hindi ako sure kung may girlfriend na ba ito ngunit wala naman akong nakikita na kasama niya maging sa kanyang social media kaya marahil ay single pa rin ito hanggang ngayon.
“Mommy/Mom!” Salubong sa akin ng aking mga anak ng mamataan nila kaming paparating.
“Hi, kids! How was your day? Behave ba kayo? Baka pinahirapan niyo si teacher ha?” malambing na tanong ko sa aking mga anak.
“No, mommy, I am behave,” simple tugon naman ni Bri sa maliit na boses.
“We behave but our classmates are not. They always make fun of our eye color, saying that we are monsters, aliens, or whatever they called it in order to bully us,” matigas na tugon naman ni Yaj habang pantay ang mga kilay nito.
“Oh, really? Your classmates said that to you? Who are they? Tell tito Ben so that I can discipline them,” biglang sabi ni Benedict sa galit na tono.
“Huwag mo nang patulan ang mga bata, Ben. Hayaan mo na lang sila, sigurado ako na magsasawa rin ang mga iyon."
"Don’t mind them, babies, okay? That is not true so don’t listen to what they say and just listen to mommy, hmm?” pagaalo ko naman sa kambal.
Napabuntong hininga na lamang si Benedict sa aking tinuran at tinapik sa ulo ang kambal.
“I think your mom is right, kids. Just don’t mind them, okay? How about we go the a famous restaurant then you can eat all what you want? Do you like that?” sabi ni Benedict para maiba ang tapic namin.
“Wow! Ofcourse, I like that, uncle Ben! Are their food delicious?” bibong sagot agad ni Bri. Si Yaj naman ay tumango lang sa kanyang uncle Ben.
“Yes, ofcourse, baby! I am sure you will like their food. So, tara na para makarating tayo doon ng mas maaga. Come on, kids!” sagot naman ni Benedict at pumunta na kami sa kanyang kotse habang hawak siya sa magkabilang kamay ang kambal.
Kung titignan mo silang tatlo ay para silang mag-aama dahil sa kanilang turingan sa isa’t-isa.
Palagi ngang napagkakamalan si Benedict na daddy ng mga bata sa tuwing nakikita nila itong kasama ang kambal pero napapangiti na lamang siya at sinasabing hindi siya ang ama ng mga bata.
Walang nakakaalam kung sino ang tunay na ama ng kambal dahil hindi ko naman pinagsasabi kaya hindi maiwasan na tuksuhin sila ng mga kapwa bata nila dahil wala silang daddy.
Minsan ay naaawa na rin ako sa sitwasyon ng mga anak ko pero wala naman akong magawa.
Napabuntong hininga na lamang ako sa aking naisip.
“Tito Ben, is there an occasion today? Why are we going to the restaurant? Can’t we eat at m*do instead?” inosenteng tanong naman ni Bri habang nasa biyahe kami.
Napangiti lang si Benedict at itinuon pa rin ang kanyang mata sa daan dahil nagmamaneho siya.
Napasulyap siya sa akin at tinignan ako ng makahulugan. Napakunot naman ang noo ko sa kanyang inasta.
“There is no occasion, baby. But this day is so important to me. Actually, I have a surprise later and I hope your mom will like it and of course the both of you too,” masayang sagot naman ni Benedict at sinulyapan niya ulit ako at nakita kong umangat ang labi niya at napangisi.
Nagtataka ko naman siyang tinignan habang nakakunot ang aking noo. Ano naman kaya ang surprise niya para sa akin mamaya?
Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan at baka hindi ko magustuhan ang susunod na mangyayari pero ayaw ko naman na madisappoint si Benedict sa akin dahil mukhang pinaghandaan niya talaga ang araw na ito.
Tumahimik na lang ako sa aking pwesto at simpleng napa buntong hininga.
Bahala na siguro kung anong mangyayari mamaya sa restaurant.
BINABASA MO ANG
Hiding The CEO's Twins(COMPLETED)
RomanceSi Shanbri ay isang simpleng babae lamang ngunit ang kanyang kasintahan na si Kenji Yael ay isang bilyonaryo na CEO. Sa kabila nito, mahal pa rin nila ang isa't isa nang walang kondisyon. Hanggang sa isang araw, nalaman ni Shanbri na si Kenji Yael...