CHAPTER 40

390 4 0
                                    

CHAPTER 40: ONLY YOURS

THIRD PERSON POV

Pagkatapos pakasalan ni Kenji Yael si Kate ay tumupad nga sa usapan ang kanyang daddy at muling nabawi ni Kenji ang kanilang kumpanya ngunit lahat ng kanilang businesses ay naka-merged na sa kumpanya nila Kate dahil sa kasalan na naganap.

Ngunit sinigurado naman ni Kenji na siya pa rin ang mananatiling CEO ng KY Villamor’s Corporation at siya pa rin ang magmamanage ng kanilang kumpanya kaya dapat ay ang desisyon niya pa rin ang masusunod.

Sa bawat araw na lumipas ay ginugol ni Kenji ang kanyang oras at lakas sa pagpapatakbo ng kanilang kumpanya upang mabawi ang lahat ng mga nawala at makabangon itong muli kagaya ng dati.

Hindi na niya magawang magpahinga ng matagal dahil masiyado itong focus sa trabaho at sa kumpanya.

Kaya naman ay malimit niya lamang na mabigyan ng oras ang kanyang asawa dahil wala siyang oras na nilalaan dito.

Dahil sa malamig na trato ni Kenji sa kanyang asawa ay palaging moody si Kate at parang linta kung ito ay makadikit kay Kenji kahit hindi naman niya ito binibigyan ng atensyon.

“Baby! Can we go on a date today, please? Simula nang maikasal tayo ay hindi pa nakakapagdate o kahit mamasyal man lang ng tayong dalawa lang.” Humaba ang nguso ni Kate sa kanyang sinabi.

Nasa loob na naman ito ng opisina ni Kenji na nakagawian na niya dahil araw-araw itong nakabantay sa kanyang asawa na akala mo ay tatakbuhan siya nito anumang oras.

“I’m busy, you can do it with your friends,” simpleng sagot lamang ni Kenji sa malamig na boses at hindi man lang niya sinulyapan ang kanyang asawa na nasa kanyang harapan ngayon.

Nakatutok lang ito sa kanyang PC at busy ito sa kanyang mga trabaho.

“Why are you always busy when it comes to me? Palagi ka nalang walang time para sa akin! Para saan pa at naging asawa mo ako, Yael? Oh My Gosh! Can you lend me your time even just a bit?” Pagmamaktol ni Kate sa kanyang asawa.

Napatingin ng matalim sa kanya si Kenji ngunit inirapan niya lamang ito.

“Don’t be childish, Kate. You know that I am so busy in managing the company at alam mo rin na kasalukuyan pa lang kaming bumabangon mula sa mga problema na naranasan ng lahat ng mawala sa akin ang kumpanya."

"Then you want me to focus on you instead? Come on, wala akong mapapala kung uubusin ko lang ang oras ko para makipag date sa iyo,” malamig na tugon ni Kenji at muling ibinalik ang atensyon sa kanyang ginagawa.

“Huh! You are so harsh on me, Yael! If you can’t give me your time then what is the purpose of our marriage?"

"Simula nang maikasal tayo, you never take me to bed and palagi ka pang cold at galit sa akin! Ni hindi mo man lang magawang ngumiti sa harap ko! Why are you doing this to me, huh?” Naluluhang sambit ni Kate at punong-puno ng hinanakit ang kanyang mga mata.

“You clearly know the answer to that question, Kate. Yes, I agreed to marry you but that doesn’t mean I already love you."

"I bet you already knew what’s on my mind and heart since the beginning. You already got the title as my wife so please be content with that,” matigas na tugon ni Kenji at tinitigan ng matalim at malamig si Kate.

“Is it still because of that woman? You can’t move on with her, that is why you can’t give up your company in Sta. Luna, am I right with that?"

"Can you please forget her and move on? I am your wife and you are just mine, Yael! Did you understand?” Tumataas na ang boses ni Kate at lumalabas na ang ugat sa leeg nito dahil sa labis na galit na kanyang nararamdaman.

“Shut the f*ck up! Don’t you dare mention her again if you don’t want me to get mad at you completely. Don’t make me regret my decision kaya matuto kang makuntento sa kung anong meron ka Kate."

"Hindi pa ba sapat na ikaw ang kasama ko ngayon dito? Nakuha mo na ang gusto mo at nakatira na tayo sa iisang bubong. That’s all I can give to you so I hope that’s already enough,” maawtoridad na sambit ni Kenji Yael habang umiigting ang kanyang panga.

“Do you want me to tell this to my dad or gusto mong magsumbong ako kay tita Kara? I bet you don’t want them to know how you are treating me like I am not your wife!” napapasigaw na tinuran ni Kate at pinagbabantaan na niya si Kenji dahil alam niyang takot ito sa daddy ni Kate at sa kanyang sariling ina.

“Don’t you dare, woman! Huwag mong subukan ang pasensya ko, Kate kung ayaw mong palayasin kita mismo sa harapan ko ngayon din."

"Subukan mong magsumbong at hindi talaga ako uuwi sa condo natin. I bet you hindi mo kayang hindi ako makasama kahit isang gabi lang hindi ba?” Binalik ni Kenji ang pagbabanta kay Kate at napatahimik lamang ito dahil sa sinabi ni Kenji.

‘Why are you so cruel to me, Yael? Am I not enough? Bakit hindi mo makalimutan ang babaeng iyon? Ano bang dapat kong gawin para matanggap mo na hindi kayo para sa isat-isa at kahit anong gawin mo ay hindi na kayo maaaring bumalik pa sa dati!"

"You are mine and mine alone at hindi ako maka papayag na guluhin pa rin ng babaing iyon ang utak mo hanggang ngayon! Tanggapin mo nang ako ang para sa iyo at kalimutan mo na siya! Is that okay?” Pagmamakaawa ni Kate at nag umpisa na ngang tumulo ang mga luha nito mula sa kanyang magandang mata.

“I already accepted it, that is why I have married you. Did you forget that? Simula ng pumayag ako na pakasalan ka ay tinapos ko na rin ang ugnayan naming dalawa kaya hindi mo na kailangan pang mag-alala pa."

"Wala lamang akong sapat na oras para makipag date sa iyo sa ngayon dahil marami pa akong mas importanteng trabaho na kailangan kong tapusin. I hope you can understand my situation, Kate.” Parang nagbago ang ihip ng hangin at biglang naging kalmado ang boses ni Kenji.

Animo’y nahimasmasan ito at sa wakas ay nakapag-isip ng tama.

“Is that true, baby? Baka naman pinapaasa mo lang ako ha. Tell me, do you still love her? Please be honest to me, Yael. I am begging you,” tanong ni Kate sa desperadong boses.

“I am telling the truth, Kate. You are my wife now so I am only yours. Babawi ako sayo at kapag nagkaroon ako ng maluwag na schedule ay lalabas tayong dalawa para magdate. I promise you, okay?” Biglang lumambing ang tono ni Kenji at agad na nagliwanag ang mukha ni Kate.

“Okay, I understand. Thank you, baby!” Simpleng sagot lamang ni Kate at agad na tumakbo papalapit kay Kenji at niyapos ito ng yakap.

Napabuntong hininga na lamang si Kenji at hinayaan na lamang ang asawa na yakapin siya.

Hiding The CEO's Twins(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon