CHAPTER 3

1K 26 1
                                    

Chapter 3: Paalam, mahal ko

Lumalalim na ang gabi at kanina pa ako narito sa park at nakaupo sa isang bench. Pagkatapos ng usapan namin ni Mrs. Villamor ay napadpad na ako dito.

Nakatulala lang ako at tila naubos na lahat ng aking luha dahil wala nang lumalabas sa aking mga mata.

Anong gagawin ko. Ayaw ko pang umuwi. Gusto ko sanang tawagan si Trish pero baka tulog na ito. Bukas ko nalang siguro sasabihin sa kanya ang tungkol sa nangyari kanina.

Nagpakawala ako ng malalalim na buntong hininga.

Talaga bang ikakasal na si Kenj? Paano na ako? Ang akala ko ay mahal niya ako. Tanong ko sa aking sarili. Napakasakit ng aking damdamin ngayon.

Siguro ay tama ang mama ni Kenj. Masamang impluwensiya lamang ako sa kanya. Dahil sa akin ay napapabayaan niya ang kanyang trabaho.

Baka ako pa ang maging dahilan ng pagbagsak niya lalo na pag nalaman ng mga tao na may relasyon siya sa hindi niya kapareho ng estado sa buhay at dati niya pa itong intern.

Ayokong madungisan ang pangalan ni Kenj. Alam kong pinaghirapan niya ang kanyang katayuan ngayon sa buhay. Ayokong maging kahihiyan sa kanya at isa pa ayaw sa akin ng mama niya. Hahadlangan niya lamang kami at ayon dito ay ikakasal na raw si Kenj.

Mahirap kalabanin ang magulang kaya kung kami talaga para sa isa't-isa ay tadhana na ang bahala sa amin pero kung hindi naman ay maluwag kong tatanggapin ang aming kapalaran.

Sapat na sa akin ang mag-iisang taon naming pinagsamahan. Masaya ako na nakilala ko si Kenj.

Siya ang first love ko. Siya ang first kiss ko. Sa kanya ko unang naranasan ang magmahal at kung anong pakiramdam ng mahalin.

Dapat ay hindi muna ako nagdedesisyon dahil hindi ko pa naman alam kung totoo ang sinabi sa akin ng mama niya.

Pero paano kung totoo nga? Hindi naman siguro siya magsisinungaling sa akin.

Ayaw ko nang kay Kenj pa manggaling ang totoo. Mas lalo akong masasaktan kung sasabihin niya mismo sa mukha ko na hindi naman niya talaga ako mahal at ang totoo ay hinihintay niya lamang ang kanyang kababata para ito ay pakasalan.

Hindi imposible ito dahil playboy naman talaga si Kenj bago kami nagkakilala tanga lang siguro ako na naniwala akong kaya niyang magbago para sa akin.

Pinaramdam naman niya sa akin na mahal niya ako pero paano kung bored nga lang talaga siya kaya niya ako niligawan.

Hindi ko na alam kung ano talaga ang totoo. Dapat ko ba siyang kausapin. Pero natatakot akong malaman ang katotohanan.

Kahit nasasaktan ako ngayon ay hindi ko magawang magalit kay Kenj. Mahal na mahal ko siya at kaya kong magsakripisyo para sa kanya.

Huminga ako ng malalim at tumayo na. Nakapagdesisyon na ako. Pupuntahan ko si Kenj at sa huling pagkakataon ay gusto kong maramdaman niya na mahal ko siya.

Gusto kong magkaroon kami ng alaala sa isa't-isa bago kami maghiwalay.

___

Narito na ako sa harap ng pinto ng condo ni Kenj. Napakalakas ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung kakayanin ko ba ito pero buo na aking pasya.

Pinindot ko ang doorbell ngunit nakadalawang pindot na ako ay wala pang sumasagot.

Lalo akong kinakabahan at nanginginig na ang aking mga kamay at binti.

Hindi, kaya ko ito. Buo na ang desisyon ko. Pagpapalakas ko ng aking loob.

Alam kong padalos dalos ako pero mahal ko si Kenj at sana ay magustuhan niya ang aking gagawin.

Ito na ang ituturing kong regalo sa kanya sa aming nalalapit na anniversary.

Muli kong pinindot ang doorbell at sa pagkakataong ito ay bumukas ito at bumungad sa akin ang mukha ng lalaking pinakamamahal ko.

Pupungas pungas ang mga mata nito. Mukang mahimbing na ang kanyang pagkakatulog.

"Babe? What are you doing here? Do you miss me? Kanina lamang ay magkasama tayo."

May sumilip na ngisi sa kanyang labi mukang hindi niya talaga inaasahan ang aking pagdating.

Hindi naman kasi ako palaging pumupunta dito sa condo niya at ganun din siya sa apartment ko.

Sa labas kami malimit magkita. Kahit patago ang aming relasyon ay naging kuntento naman kami ditong dalawa.

Hindi ko lamang sigurado ngayon kung totoo talaga ang kanyang mga ipinakita sa akin.

Hindi ko siya sinagot at walang sabi sabing sinunggaban ko siya ng halik. Mukang nabigla ito sa aking ginawa pero wala akong pakialam.

Ipinulupot ko ang aking braso sa kanyang leeg at tumingkayad at muli siyang siniil ng halik.

Hindi siya tumutugon kaya sandali kong pinakawalan ang kanyang mga labi.

Pareho kaming hinihingal sa nangyare.

"Babe..." Namamaos ang kanyang boses nung binigkas niya ang kanyang paboritong tawag sa akin.

May bahagyang pagtataka sa kanyang mga mata marahil ay nabibigla pa ito sa aking inaasta dahil hindi naman ako agresibo dati sa kanya.

Hindi na ako nag-isip pa at sinabi na ang aking pakay.

"Kenj, I want you. I'm ready," mahinang usal ko kay kenj.

Hindi niya ako pinipilit sa ganitong bagay dahil alam niyang wala pa akong karanasan pero gusto kong ibigay sa kanya ang aking sarili ngayon.

Mukang naintindihan naman niya ang aking ibig sabihin at agad niya akong tinanong.

"Are you sure babe?" Nagdadalawang isip siguro siya sa gagawin pero buo na talaga ang aking pasya.

"Yes, Kenj. Please take me now," namamaos kong sagot sa kanya.

"Alright, don't regret this tomorrow," saad niya at agad na ginawaran niya ako ng maiinit na halik.

Palalim nang palalim ang aming halikan at naramdaman ko nalang na nakaangat na ang aking paa sa sahig.

Binuhat ako ni Kenj patungo sa kanyang kwarto.

Dahan dahan niya akong pinahiga at muling hinalikan ang aking labi.

___

Pagmulat ng aking mga mata ay bumungad ang mukha ni Kenj sa akin. Nakayakap siya sa aking baywang at ang kanyang ulo ay nakahilig sa aking dibdib.

Muling nagbalik sa aking isipan ang mga nangyari kagabi.

Pareho kaming walang saplot ang katawan sa ilalim ng kumot.

Bigla ko naman naramdaman ang sakit sa aking gitna. Tama nga sila masakit talaga kapag first time pero hindi ako nagsisisi dahil ginusto ko ito.

Muli kong pinagmasdan ang natutulog na si Kenj. Pinagsawa ko ang aking mga mata sa kanyang gwapong mukha.

Siguradong mamimiss ko ito at ngayon palang ay nalulungkot na ako.

Pinatakan ko ng halik ang kanyang noo.

"I love you Kenj. I'm sorry," bulong ko rito na alam ko namang hindi niya maririnig dahil mahimbing pa ang tulog nito.

Dahan dahan akong tumayo upang hindi ko magising si Kenj at isa isang pinulot ang aking mga damit na nasa sahig.

Isinuot ko ito at muling pinagmasdan ang mapayapang mukha ni Kenj.

"Buo na ang desisyon ko Kenj. Sana ay kahit papaano ay naging masaya ka sa ating relasyon." Mahina ang aking boses ayaw kong magising si Kenj.

Tuluyan ko na siyang tinalikuran at agad na lumabas sa condo.

Doon na bumuhos ang aking mga luha.

Patuloy ang aking pagtakbo ayaw ko nang lumingon pa sa aking likuran dahil baka magbago pa ang aking isipan.

Agad akong pumara ng taxi at sinabi ang address ng parents ko.

Patawarin mo ako Kenj. Paalam mahal ko.

Hiding The CEO's Twins(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon