CHAPTER 31

411 5 0
                                    

CHAPTER 31: BIRTHDAY PARTY

SHANBRI POV

“Mommy, I’m so excited to go to the party because finally, we will see daddy again. Yey! I’m so happy!” sabi ni Bri at mukhang sobrang excited na talaga siya na makita ulit ang daddy niya ngayong gabi.

Narito kami ngayon sa apartment ni Trish, ang aking nag-iisang bestfriend. Dito na kami tumuloy kaagad pagkadating namin sa Maynila at tuwang tuwa naman siya dahil miss na daw niya kami lalo na ang mga bata.

“I’m so excited to see daddy again too but I am also excited to see their mansion because I am sure it looks so beautiful and expensive because I know that daddy came from a rich family. That is what I noticed when I saw grandma for the first time because she really looks so classy and rich,” seryosong sabi naman ni Yaj.

Napailing na lamang ako dahil marami na siyang nalalaman sa kanyang murang edad. Nabanggit ko kasi sa kanila na sa mansion nila Kenj gaganapin ang kanyang birthday party ngayong gabi at first time naming lahat na makapunta doon.

“Naku, sobrang excited narin ako dahil paniguradong maraming masasarap na pagkain at inumin doon. HIHIHI!” sabi naman ni Trish habang bumubungisngis.

Isasama ko kasi siya ngayon sa party dahil siya ang magbabantay sa kambal kung sakali mang kailangan kong kausapin si Kenj ng masinsinan dahil hindi ko naman alam kung anong maaring mangyari mamaya sa party lalo na at matagal kaming hindi nagkita at nagkausap dahil wala nga kaming communication nitong mga nakaraang linggo.

“Excited na rin ako dahil sobrang miss ko na talaga si Kenj at gusto ko na siyang makita at makausap. Oh, mukhang nariyan na iyong sasakyan na pinadala ni tita Kara dahil may narinig na akong bumusina. Tara na sa labas, handa na ba kayo?” sabi ko sa kanila at sabay sabay naman silang tumango bilang tugon sa aking tanong.

Tama naman ako at narito na nga ang aming sasakyan papuntang party kaya sumakay na kami rito at halata mong sobrang excited talaga ang tatlo dahil hindi sila mapakali sa kanilang upuan.

Samantalang ako naman ay hindi mapigilang makaramdam ng kaba sa maaaring mangyari mamaya sa party. Hindi ko alam kung bakit pero iba talaga ang pakiramdam ko sa kaganapan na ito lalo na ang naging pakikitungo sa amin ng mommy ni Kenj dahil alam ko naman na hindi niya ako tanggap dati kaya nakapagtataka na madali na lang para sa kanya na tanggapin na nagkaanak kami ni Kenj.

Kahinahinala talaga ang naging trato niya sa amin noong bumisita siya sa Sta. Luna pero pinipilit ko na lamang paniwalaan iyon dahil ito ang mas magpapasaya at makabubuti sa aking mga anak.

Ang mapalapit sila sa pamilya ng kanilang ama at tanggapin sila ng mommy ni Kenj bilang miyembro ng kanilang pamilya.

Kakalimutan ko na lamang ang ginawa sa akin ng ginang noong una kaming nagkita at mas uunahin ko nalang ang kapakanan ng aking mga anak bago ang aking sariling hinala na maaaring nagpapanggap lamang si tita Kara na tanggap niya kami at naging mabait lamang siya sa amin dahil may maitim itong binabalak.

Sana nga ay nagkakamali lamang ako ng hinala at totoo nga ang kanyang pakikitungo sa amin. Napabuntong hininga na lamang ako sa aking naisip.

___

AT THE VILLAMOR’S MANSION

“Wow! Ang laki at ang gara naman ng mansion nila Yael tapos ang dami pang pagkain. Tara na bessy, kumuha na tayo ng pagkain natin dali!” excited na sabi ni Trish pagkadating namin sa mansion.

Napairap nalang ako sa kanya dahil kakarating lang namin ay puro pagkain na agad ang nasa utak niya.

“Mamaya nalang tayo kumain Trish, hahanapin ko muna si tita Kara para ipaalam na narito na tayo sa party at baka kasama siya si Kenj para makita ko na siya at magkausap na kami,” sagot ko naman sa kanya at napanguso nalang siya dahil hindi ko siya pinagbigyan.

“We want to see daddy too so can we join you mommy? We missed daddy so much and we want to see him and hug him too,” tanong naman ni Bri at bakas sa mga abo niyang mata ang pangungulila sa kanyang ama.

“Bri is right, mom. Let’s go and look for them together so we can see and talk to daddy too. We don’t want you to just left us here with ninang Trish and just call us when you are with daddy already,” sabi naman ni Yaj sa seryosong boses at kung makapagsalita siya ay parang hindi na siya bata.

Natural na matured mag-isip ang mga anak ko taliwas sa kanilang edad dahil matatalino silang bata lalo na ang aking lalaking anak.

“Okay sige, sasama kayong lahat sa akin para hanapin ang lola at ang daddy niyo kaya tara na at pumunta tayo sa may bandang gitna ng mansion at baka naroon sila at nageentertain ng mga bisita,” sagot ko nalang sa kanila at nauna nang maglakad papunta sa gitna.

Hawak ni Trish sa magkabila niyang kamay ang kambal dahil sa kanya ko talaga ibinilin ang aking mga anak dahil alam kung hindi biro ang aking sitwasyon ngayon lalo na at masama ang pakiramdam ko sa mga posibleng mangyari ngayong gabi.

Makalipas ang ilang sandali ay namataan ko na si tita Kara at kasalukuyan pa itong may kausap na mga bisita sa ngayon kaya naman ay hinintay na muna namin siyang matapos makipag-usap at noong makita kong mag-isa na lamang siya ay nagpasya na akong lapitan siya kasama si Trish at ang kambal.

“Good evening po tita, narito na po kami. Kasama ko po ang bestfriend ko na si Trish at ang mga anak ko,” sabi ko lang sa ginang at yumuko tanda ng paggalang sa kanya at ganun din ang ginawa ng mga kasama ko kahit ramdam ko na parang natatakot sila sa mama ni Kenj dahil intimidating ang aura nito lalo na sa guhit ng kilay nito ngayon.

“Oh hello mga iha at hello mga apo ko. Mabuti at nakadalo kayo ngayong gabi. Welcome sa aming mansion. Masaya ako na makita kayo sa mahalagang okasyon na ito at sobrang excited na ako na malaman niyo ang announcement ng anak ko lalo kana Shanbri,” sagot naman niya na may malawak na ngiti pero hindi ko alam kung bakit pero parang iba ang dating ng kanyang sinabi sa akin at heto na naman ang aking masamang pakiramdam.

Sa totoo lang ay sobrang kinakabahan na ako sa tinutukoy niyang announcement ni Kenj.

“Ah salamat po tita pero maari ko po bang itanong kung nasaan si Kenj ngayon? Hindi ko pa kasi siya nakikita ngayong gabi at nais ko lang sana siyang makausap upang maibigay ko na rin ang regalo naming mag-iina sa kanya,” simpleng tanong ko naman sa ginang dahil ni anino ni Kenj ay hindi ko pa nasilayan sa sarili niyang birthday party.

“Oh konting hintay na lamang iha at maya maya ay lalabas na rin siya upang makapag-umpisa na tayo sa programa ngayong gabi. Just be patient lang okay? Makikita mo rin siya sa ilang sandali lamang,” sagot naman ng ginang kaya tumango na lamang ako sa kanya bilang tugon.

Maya-maya pa ay biglang nag dim ang ilaw sa buong mansion at napunta ang spotlight sa dalawang tao na pababa mula sa spiral staircase na animo’y mga prinsipe at prinsesa.

Doon ko nakitang naglalakad pababa si Kenj at si Kate habang ang mga kamay nito ay nakaangkla sa braso ni Kenj.

Habang si Kenj naman ay walang emosyon ang mukha habang naglalakad kaya hindi ko mabatid kung anong tumatakbo sa kanyang isipan ngayon.

Punong-puno ng katanungan ngayon ang aking isipan at mabilis rin ang pagtibok ng aking puso dahil sa kaba. Bakit sila ang magkasama ngayon at kung titignan mo silang dalawa ay para silang magkarelasyon.

Anong ibig sabihin nito? Mayroon bang nangyari noong mga panahon na wala sa piling namin si Kenj? Tungkol ba sa kanila ni Kate ang magiging announcement nila mamaya?

Kung ano-ano na ang tumatakbo sa aking isipan ngayon ngunit isa lang ang gusto kong mangyari. Nais kong makausap si Kenj at kailangan ko talaga siyang makausap kahit anong mangyari.

Hiding The CEO's Twins(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon