CHAPTER 36

375 4 0
                                    

CHAPTER 36: THE WEDDING

SHANBRI POV

Gabi na at nakauwi na kami sa bahay. Pagkatapos naming kumain ng hapunan, ay tinulungan ko ang kambal na maghilamos at maglinis ng kanilang katawan bago matulog.

Mahimbing na ang tulog ng aking mga anak ngayon sa kanilang kwarto.

Habang kami naman ni Trish ay nagkukwentuhan muna dito sa aking kwarto dahil hindi pa kami inaantok.

"Grabe, napakaswerte naman natin ngayong araw. Nanalo pa tayo sa special promo ng toystore sa mall. Kaya naman masayang masaya ang kambal sa kanilang bagong laruan," masayang sabi ni Trish sa akin.

"Oo nga eh, kahit medyo weird ang mga pangyayari kanina at iba talaga ang pakiramdam ko pero ipinagsawalang bahala ko na lamang dahil ang importante ay masaya ang mga anak ko," simpleng sagot ko naman.

“Anong ibig mong sabihin na weird, bes? Normal lang naman na magkaroon ng special promo ang mga store sa mall ha at saka wala naman akong napansin na kakaiba kanina eh."

"Sa tingin ko sobrang paranoid ka lang dahil sa mga pangyayari lately,” puna naman sa akin ni Trish.

“Hays, siguro nga napaparanoid lang ako. Guni-guni ko lang siguro ang mga iyon kanina. Nangyari na iyon kaya huwag na lang natin pag-usapan,” and tanging naisagot ko na lamang at napabuntong hininga.

“Speaking of that, hindi naman sa pinapaalala ko pa sa iyo ang tatay ng mga bata."

"Pero alam mo na ba ang latest news about sa kanya? Trending topic ito ngayon sa Maynila,” biglang tanong naman ni Trish.

“Kung ano man ang balita tungkol sa kanya, hindi na ako interesado pang malaman."

"Ayaw ko na siyang maalala pa, Trish. Kaya nga kami lumayo para kalimutan siya so please pwede bang wag na lang natin siyang pag-usapan?” sagot ko naman sa kanya at napailing.

“Okay, naiintindihan kita, bes. Pero sa tingin ko ay kailangan mo pa rin itong malaman."

"Ikakasal na sina Yael at Kate at mukhang engrande and kanilang magiging kasal. Hindi naman sa nangingialam ako sa desisyon mo pero hahayaan mo na lang ba na maikasal sa babaeng iyon si Yael?"

"Alam mong kapag nakatali na siya sa iba ay wala na kayong pag-asa pa na magkabalikan. Paano na ang kaligayahan mo?"

"Paano na ang mga anak niyo? Kahit hindi mo sabihin sa akin, alam kong mahal mo pa rin si Yael at alam kong hindi mo kakayanin kapag kinasal siya sa iba."

"May oras ka pa para pigilan siya, bes. Wala ka ba talagang gagawin na aksyon para hindi matuloy ang kasal nila?” mahabang litanya ni Trish at labis na nag-aalala ang mukha niya ngayon.

“Labas na ako diyan, Trish. Wala na akong pakialam kung matuloy man ang kasal nila o hindi."

"Kailangan kong tanggapin na wala na kami ni Kenj at wala na talagang pag-asa na magkabalikan pa kami. Masaya na ako kung saan siya masaya."

"Ang mahalaga sa akin ay nasa puder ko ang mga anak ko. Hayaan nalang natin siya kaya please huwag na natin itong pag-usapan pa,” ang tanging naging sagot ko na lamang sa kanya sa malungkot na boses.

Napabuntong hininga lang si Trish at tumango bilang tugon. Niyakap niya lang ako ng mahigpit habang hinahaplos ang aking likod.

Impit naman akong napaluha dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Ngunit ayaw kong makita ng iba na labis akong nasasaktan dahil ang lalaking pinakamamahal ko ay ikakasal na sa iba.

___

THIRD PERSON POV

Ngayon na ang itinakdang araw para sa engrandeng kasal nina Kenji Yael at Kate.

Nagtipon-tipon lahat ng kanilang mga pamilya, kaibigan, at mga business partners para ipagdiwang ang kanilang pag-iisang dibdib ngayong araw.

Bakas ang sobrang kasiyahan ng bride na si Kate na litaw na litaw ang kagandahan dahil sa mamahalin at elegante nitong wedding gown.

Abot langit ang kanyang ngiti habang ito ay naglalakad ng mabagal patungo sa altar kung nasaan ang kanyang magiging kabiyak na si Kenji Yael.

Samantalang ang huli naman ay seryoso at walang emosyon ang kanyang kulay abong mga mata habang ito ay nakatayo ng matuwid at tahimik na hinihintay ang pagdating ng kanyang bride sa altar kung nasaan siya ngayon.

Sa isang sulok naman sa bandang likod ng simbahan ay naroon ang isang pamilyar na babae at nakaupo sa di kalayuan sa kung nasaan ang mga bisita.

Simple at tahimik lamang siyang nakamasid sa altar habang nakasuot ng hoodie na kulay itim at baseball cap na kulay itim din.

Animo’y nagluluksa ito sa kabila ng kasiyahan ng mga taong dumalo sa kasalan.

Nagsimula ang seremonya ng kasal at habang nalalapit ang opisyal na pag-iisang dibdib nina Kenji Yael at Kate ay unti-unting nawawasak ang puso ng babae na animo’y nagkapira-piraso ang bawat parte nito at hindi niya mawari kung may pag-asa ba itong mabuo ulit.

“Kenji Yael, tinatanggap mo bang maging kaisang dibdib si Kate, na maging kabiyak ng iyong puso, sa habang buhay, sa hirap at ginhawa, sa sakit man o kalusugan, at mamahalin mo siya sa habangbuhay, gaya ng sagradong utos ng Panginoon?”

Hindi agad nakasagot si Kenji Yael sa tanong ng pari.

Natahimik ang lahat at maging si Kate ay kinabahan dahil walang pinapakitang emosyon ang binata at walang salita ang lumalabas sa bibig nito.

“Yael!” Sigaw naman ni Mrs. Villamor at napatingin dito ang kanyang anak. Pinandilatan niya ng mata si Kenji Yael na animoy’s sinasabihna niya na sumagot ito ng tama sa tanong ng pari.

Huminga ng malalim ang binata bago sumagot. “Y-yes, father,” mahinang usal nito na animo’y napilitan lamang.

Nakahinga naman ng maluwag si Kate at napangisi ito dahil sa wakas ay magiging asawa na niya ang lalaking pinakaaasam niya noon pa man.

“Kate, tinatanggap mo bang-” Hindi na pinatapos ni Kate ang tanong ng pari at agad itong tumugon. “Yes, father!” sigaw nito kaya nagtatawanan na lamang ang mga bisita pati na rin ang pari dahil sa inasta ni Kate.

““I now pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride!” masayang anunsyo ng pari at nagsisigawan habang nagpalakpakan ang mga bisita.

Hindi kaagad kumilos si Kenji Yael at tinitigan niya lamang ng malamig ang asawa kaya naman ay si Kate na ang gumawa ng paraan at agad na hinatak ang kurbata ng asawa at walang pasintabi itong hinalikan sa labi.

Nagtawan ulit ang mga bisita at napasigaw habang nagpapalakpakan at nagsitayo na sila sa kanilang upuan.

Ka kabilang dako naman ay parang dinurog ng pino-pino ang puso ng babae at agad na bumuhos ang mga luha na kanyang pinipigilan mula pa kanina.

Parang pinipiga ang kanyang dibdib na animo’y nawalan ng buhay sa labis na paghihinagpis.

“Paalam, Kenj. Paalam, mahal ko.” Ang huling tinuran ng babae bago ito tumakbo palabas ng simbahan ng may mabigat na hakbang.

Hiding The CEO's Twins(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon