CHAPTER 53

410 4 0
                                    

CHAPTER 53: SECRETLY HURT

SHANBRI POV

“Kung ano man ang binabalak mo, huwag mo na lang ituloy. Kailangan ko nang bumaba dahil baka ma-late pa ako sa trabaho ko at kapag nawalan ako ng trabaho, kasalanan mo yon, Kenj,” masungit na sagot ko at agad na umiwas sa kanyang mga tingin dahil baka hindi ko ito kayanin at bigla akong bumigay.

Iniwanan ko na lamang siya sa loob ng kanyang sasakyan at agad na pumasok sa Cafe. Ilang minuto na lamang kasi ay late na ako sa aking trabaho at ayaw ko naman na maging dahilan pa iyon ng aking salary deduction.

“Hi, good morning, Shan!”

“Morning, Shan!”

Bumati at gumanti rin ako ng ngiti sa aking mga kasamahan sa trabaho na sina Gelo at Jason. Nasa kanya-kanyang pwesto na silang dalawa at ako na lang ang hinihintay.

Agad naman akong pumunta sa staff room at nagpalit ng aking uniform at saka nag-umpisa sa aking trabaho.

“Hey, where is Tyrone? Is he already here?” Narinig ko naman na tanong ni Kenj kay Gelo.

Parati na lang siyang ganyan sa tuwing sumasama siya dito sa Cafe. Kung umasta siya ay parang siya ang may-ari nito dahil daig pa niya ang boss sa kanyang pananalita.

“Good morning, sir. Sa tingin ko ay mala-late ng dating ngayong araw si sir. Tyrone dahil nagsabi ito na may kailangan pa raw siyang daanan bago pumunta dito sa Cafe,” magalang na tugon ni Gelo.

“Tsk, I think he is just making an excuse. What if I fire him in his position and just look for a better and responsible guy to manage this Cafe?”

Napakunot naman ang aking noo dahil sa sinabing iyon ni Kenj. Hindi ko kasi ito maintindihan.

“Huwag naman po, sir. Baka pati kami ay mawalan ng trabaho. Pagpasensyahan nyo muna si sir. Tyrone. Sigurado ako na parating na rin siya dito,” sagot naman ni Gelo at halata mo sa kanyang mukha ang kaba at takot.

Tumango na lamang si Kenj at nagtungo sa aking pwesto. Agad naman akong bumalik sa aking ginagawa dahil baka mahalata pa niya na nakikinig ako sa kanilang usapan.

“So, how are you doing here, Shanbri? Are you enjoying your stay in this Cafe?”

Lumapit sa akin si Kenj at mukhang may balak na naman itong subukan ang pasensya ko. Palagi na lang kasi niya akong iniistorbo sa trabaho at ako naman ay laging distracted sa tuwing narito siya sa Cafe.

Ayaw ko naman na mawalan ng trabaho dahil sa kanyang pangungulit sa akin.

“Oo naman, masaya ako dito, Kenj. Pwede bang wag mo muna akong lapitan at kausapin kapag oras ng trabaho?” inis kong tugon dito.

“Why wouldn’t I? I can literally pay for your salary today in double or triple just for you to have time to spend with me.”

Bahagya ko na lamang siyang inirapan dahil sa kanyang kayabangan.

Naagaw naman ang aming atensiyon dahil bigla na lang bumukas ang pinto ng Cafe at pumasok rito ang taong hinihintay namin.

Sa wakas ay dumating na rito sa Cafe si sir. Tyrone ngunit napanganga na lamang ako sa taong kasunod niyang pumasok sa loob.

Oh My Gosh! Anong ginagawa niya dito?

Medyo matagal na rin nung huli ko siyang nakita at sa tingin ko ay mas lalo siyang gumanda at mas naging sexy pa siya ngayon.

“What is the meaning of this, Yael?”

Agad na lumapit ang babae kay Kenj at nang makalapit rin siya sa akin ay agad niya akong tinignan ng masama mula ulo hanggang paa at umismid.

“Kate? What are you doing here?” masungit na tanong ni Kenj at tiningnan ng makahulugan si sir. Tyrone habang magkasalubong ang kilay nito.

“Wala akong alam dito, bro. Nakita ko lang rin siya sa harap ng Cafe kaya wala na akong choice.” Agad na nagpaliwanag si sir.

Tyrone kay Kenj na para bang nakagawa ito ng mabigat na kasalanan.

“Don’t blame your friend, Yael. Akala mo ba ay hindi ko malalaman ang ginagawa mo behind my back? At talagang nakipagkita ka pa sa ex mo, huh?” galit na tugon ni Kate at tiningnan ako ng matalim.

“Let’s talk about this outside. Customers might be coming so you should not make a scene here,” seryoso at kalmadong sagot na lamang ni Kenj.

Mabuti na lang at maaga pa kaya wala pa masyadong customers na dumarating sa Cafe.

“No! Why don’t you want to talk to us here in front of that woman? Ayaw mo ba na marinig niya ang pag-uusapan natin?” Pasaring ni Kate sa akin.

Yumuko na lamang ako dahil sa kahihiyan na nararamdaman ko sa mga oras na ito. Sa tingin ko ay mali ang desisyon ko na maging okay kami ulit ni Kenj para sa mga anak namin.

“That is not what I meant. Please stop being so scandalous, Kate. This is not a place for your suspicions. Let’s talk outside,” may awtoridad na tugon ni Kenj at hinawakan ng mahigpit ang braso ni Kenj.

“Don’t touch me, Yael. Gusto kong ipamukha sa babaeng yan na ako ang ASAWA mo at kasal na tayo. Kaya sa mata ng Diyos at batas ay AKIN KA.”

Agad naman akong nanliit sa mga binitawang salita ni Kate. Tama siya, kahit saang anggulo ay ako pa rin ang lalabas na mali at malandi dahil asawa niya si Kenj at kasal siya rito.

“Will you please shut up, Kate? You don’t need to make a scene here.”

Sa tingin ko ay nauubos na ang pasensya ni Kenj sa kanyang asawa ngunit parang walang naririnig ito dahil patuloy lang siya sa pagbato sa akin ng matatalim na tingin.

“Why? Are you ashamed of your mistress? Well, I am warning you, b*tch. Layuan mo ang asawa kong malandi ka!”

Mukhang hindi na nakatiis si Kate at bigla na lamang siya akong sinugod at sinabunutan ang aking buhok. Agad naman na umawat sa amin si Kenj at sir. Tyrone.

“Hey, stop it, Kate!”

Narinig kong sigaw ni Kenj ngunit wala atang balak mag paawat si Kate hanggang sa naubusan na ako ng pasensya at napilitang lumaban.

Alam kong may karapatan siyang magalit sa akin dahil asawa siya ni Kenj ngunit wala siyang karapatan na saktan ako lalo na’t alam ko na wala naman kaming ginagawang masama ng kanyang asawa.

“Ouch! Look what she has done to me. She just pushed me, Yael. It hurts, she is really evil, HUHUHU.”

Inayos ko na lamang ang sarili ko lalo na ang aking buhok dahil sa ginawang eskandalo ni Kate. Bigla na lamang siyang natumba at umasta na parang aping-api kahit ang totoo ay siya naman talaga ang nag-umpisa ng gulo.

Dinepensahan ko lamang ang aking sarili mula sa kanya at sigurado ako na hindi ko naman siya tinulak ng malakas para maging dahilan ng kanyang pagka tumba.

“Why did you do that? You don’t need to push her, Shanbri,” mapait na tugon sa akin ni Kenj at agad na tinulungan ang kanyang asawa sa pagtayo.

Hindi na lamang ako sumagot at pasikretong tinago ang mga kalmot ko sa aking braso at leeg dahil sa pagsugod sa akin ni Kate kanina.

Tiningnan ko ang mag-asawa at halata mong sobra ang pag-aalala ni Kenj kay Kate dahil umaarte ito na nahihirapan na tumayo kahit sigurado naman ako na wala akong ginawang masama sa kanya at lalong hindi ko siya sinaktan.

Mapait man at masakit aminin ngunit sa aking kalooban ay nasasaktan ako at the same time ay nalulungkot dahil wala na iyong dating concern sa akin ni Kenj at lahat ng iyon ay napunta na sa kanyang asawa na si Kate.

“Hindi man lang niya tinanong kung ayos lang ba ako…”

Ang tanging naibulong ko na lang sa aking sarili at nagdesisyon na tumungo na lamang sa staff room.

Hiding The CEO's Twins(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon