CHAPTER 59

502 6 0
                                    

CHAPTER 59: BIRTHDAY PROPOSAL

SHANBRI POV

“Ahh!” Napabalikwas ako sa aking kama dahil sa aking masamang panaginip. Agad akong bumangon at tinungo ang kwarto ng aking mga anak.

Nitong mga nakaraang araw ay hirap talaga ako sa pagtulog at hindi ko alam kung bakit palagi na lang masama ang aking napapanaginipan kagaya na lamang ngayon.

“Kids, are you awake?” Nagtaka agad ako matapos kong makapasok sa kwarto ng aking mga anak.

Pareho silang wala sa kanilang kama at napansin ko na magulo pa rin ang kanilang higaan kaya sigurado na kagigising lang nila.

Tumungo ako sa loob ng CR dahil baka naroon lamang ang kambal ngunit wala ang mga ito. Hindi ko mapigilan ang kabahan at agad na kumakabog ang aking dibdib.

Dali-dali akong lumabas ng kwarto at hinanap ang mga bata sa loob ng buong bahay ngunit hindi ko talaga sila makita kahit saang sulok man ng aming tahanan.

“Diyos ko, nasaan ang mga anak ko?” Nanginginig at puno ng takot na tugon ko sa aking sarili.

Natatakot ako na baka magkatotoo ang aking masamang panaginip at hindi ko na makasama pang muli ang aking mga anak. Hindi ko iyon kakayanin.

Sila ang buhay ko kaya kapag may nangyaring masama sa kanila ay hinding-hindi ko mapapatawad ang aking sarili kailanman.

Nasa punto na ako ng pag-iyak ngunit biglang tumunog ang aking cell phone. Agad kong sinagot ang tawag, “Hello? Please tulungan mo ako. Nawawala ang mga bata,” naluluha kong bungad sa kabilang linya.

“Best, si Trish ito. Kumalma ka lang, okay? Pumunta ka dito sa Cafe ni Tyrone ngayon din. Hihintayin ka namin dito.” Iyon lang ang sinabi niya at agad niyang binaba ang tawag.

Imbes na kumalma ay mas lalo lang akong kinabahan. Hindi ko alam kung bakit nandito si Trish at kung bakit kailangan kong pumunta sa Cafe ngayong araw.

Sa pagkakatanda ko ay binigyan ako ng special day off ni Sir. Tyrone ngayong araw kaya wala akong trabaho sa araw na ito.

Maging ganunpaman ay agad pa rin akong tumungo sa Cafe. Sa tingin ko ay kailangan ko rin ng kanilang tulong upang mahanap ko ang aking mga anak.

Sa tuwing naiisip ko na wala sila sa aking tabi ay labis talaga ang aking pag-aalala.

Pagpasok ko sa Cafe ay sinalubong ako ng nakakabinging katahimikan. Agad naman akong nagtaka kung bakit parang wala atang tao sa Cafe ngayon.

Ang alam ko ay hindi naman sarado ang Cafe ngayong araw kaya dapat ay narito na ang mga kasamahan ko sa trabaho at mga ilang customers.

“Ahh!” Napayakap ako sa aking sarili ng biglang namatay lahat ng ilaw.

Takot ako sa dilim at kinakabahan talaga ako sa kakaibang katahimikan ngayon dito sa Cafe.

Ngunit nawala ang aking takot ang biglang napalitan ng gulat ng magsimulang tumugtog ang slow and romantic music kasabay ng pagbukas muli ng ilaw.

“Happy birthday, Shanbri!” Sabay-sabay na pagbati sa akin ng mga pamilyar na tao sa aking buhay.

Tinakpan ko ang aking bibig gamit ang aking dalawang kamay at maluha-luha na lumapit sa kanila.

“Happy birthday mom/mommy!” Sabay na yumakap sa aking baywang ang aking dalawang anak at pagkatapos ay binigyan nila ako ng tig-isang red rose.

Dinampian ko na lamang ng halik ang tuktok ng kanilang ulo. Hindi ako makapaniwala na may ganitong surprise pala silang inihanda para sa akin dahil sa totoo lang ay nakalimutan ko na rin na birthday ko pala ngayon.

Hiding The CEO's Twins(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon