Chapter 6: Explanation
"Long time no see, Miss Ramos," malalim na tugon nito.
Hindi naman ako nakasagot agad at napatitig sa kanya.
Titig na titig din ito sa akin at may sumilay na ngisi sa kanyang labi.
Lalo naman akong kinabahan.
"Ahm l-long t-time no s-see rin s-sir," nautal pa ako pero ayaw kong malaman niya na apektado parin ako sa kanya kaya tumayo ako ng matuwid at nakipaglaban sa kanyang mga titig.
Tuluyan na siyang nakangisi. Tumayo siya sa kanyang upuan at sumandal sa harap ng kanyang mesa.
Kaunti na lang ang espasyo sa aming dalawa at amoy na amoy ko na naman ang pabango niya.
"You know, I don't really expect to see you here. Nabigla kaba nang makita mo akong muli?" seryosong tanong nito.
Hindi ako sumagot dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya.
"Why don't you say something. Don't you think that you owe me an explanation?" muli niyang tanong.
"Ano pong ibig sabihin niyo sir?" pagmaang-maangan ko pa.
"I'm sure you know what I mean Miss Ramos," matigas na tugon nito.
"Sir mawalang galang na po pero nasa opisina po tayo. Boss ko kayo at empleyado lang ako kaya sa tingin ko ay hindi na dapat natin tong pag-usapan," pag-iwas ko.
"I don't care. I have the right to be angry because of what you did to me." May bakas ng galit sa kanyang tinuran.
"Matagal na pong tapos un sir. Kalimutan nalang natin," simpleng sagot ko.
Ayaw ko nang pag-usapan ang mga bagay na iyon lalo na't may sarili na siyang pamilya kaya sa tingin ko ay hindi na niya ako kailangan pa sa buhay niya. Ayaw ko nang makisawsaw pa.
"You're impossible! You're really unfair Shanbri," medyo nabigla ako sa pagbanggit niya ng aking pangalan kapag ganoon na ang kanyang tawag sa akin ay seryoso talaga ito.
"Sir may pamilya ka na. Alam kong masaya ka na at masaya narin naman ako sa buhay ko kaya ibaon na natin sa limot ang lahat ng nakaraan natin," ang tanging nasabi ko.
"Tsk. You're always like that. Palagi kang umiiwas kapag may problema hindi ka parin pala nagbabago hanggang ngayon," disappointed na sabi niya sa akin.
"Sir, kung hindi niyo po mamasamain ay kailangan ko na pong umalis dahil marami pa po akong trabaho," pagputol ko sa aming usapan.
Ayoko nang patagalin pa ang aming pag-uusap dahil sa tuwing nakikita ko ang kanyang kulay abong mata ay bumabalik sa akin lahat ng mga masasaya naming alaala at baka maiyak ako sa harapan niya.
Ayaw kong isipin niya na mahina ako. Hindi niya pwedeng malaman na labis akong nalungkot noong iniwan ko siya.
Mabuti na lamang at dumating ang dalawa kong anak. Sa kanila ako humugot ng lakas habang nangungulila ako sa kanilang ama.
"There, diyan ka naman talaga magaling e. Ang iwan ako," may panunumbat sa kanyang tono.
Kumirot naman ang puso ko sa narinig. Ngunit kailangan kong maging matatag.
Tuluyan ko na siyang tinalikuran at umalis sa kanyang opisina.
Medyo bastos ang aking ginawa dahil boss ko siya pero hindi ko na talaga kayang manatili doon na kasama siya.
Dali dali akong pumasok sa elevator at doon na tumulo ang aking mga luha.
Mahal ko parin talaga siya. Simula noon hanggang ngayon hindi nagbabago ang aking nararamdaman.
Pero kailangan ko itong isantabi lalo na't may pamilya na siya. Ayaw kong masaktan ulit kapag mas pinili niya ang kanyang tunay na pamilya kaya mas lalong hindi niya pwedeng makita ang kambal. Ayokong pati sila ay masaktan.
Mahal na mahal ko ang mga anak ko kaya kahit maling itago ko sila sa kanilang ama ay gagawin ko parin ito. Ayaw ko nang makagulo pa.
Huminga ako ng malalim at pinunasan ang aking mga luha bago bumalik sa aking pwesto.
"Shan bakit ngayon ka lang? Nasaan na ung pinapapirma ko sayo?" tanong ni Mr. Santos.
"Ah sir mamaya nalang daw po pipirmahan ni Mr. Villamor," sagot ko nalang.
"Ah ganun ba. E bakit ang tagal mo? Teka umiyak kaba?" tanong ulit ni sir. Napansin niya ang mga mata kong medyo namumula dahil sa pag-iyak.
"Ah hindi sir. Nag-cr pa kasi ako kaya natagalan." Hindi ako nag pahalata.
"Ah ganun ba, sige ituloy mo na lang yan." Tukoy niya sa aking naiwan na trabaho.
___
Lunch break na at isa isa nang tumayo ang mga kasama ko para kumain. Nagtungo na sila sa cafeteria nitong company.
Nagpaiwan naman ako dahil hindi pa ako nagugutom at wala akong ganang kumain. Iniisip ko pa rin kasi ang mga pinag-usapan namin ni Kenj kanina.
"Miss Ramos right?" nabalik naman ako sa realidad at nakita ko si Miss Lara, ang secretary ni Mr. Ramirez ang dating may-ari nitong kompanya.
Nagtataka ko naman siyang tinignan. "Ah ako nga po," magalang na sagot ko.
"Pinapatawag ka ni Mr. Villamor in his office," masungit nitong tugon.
"Ha? ako po? bakit daw po?" sunod sunod kong tanong.
"Yes, you nga may iba pa bang miss ramos here at isa pa I don't know kung bakit kaya mas mabuti pang go there nalang," mataray na litanya nito.
"Ah ngayon na daw ba?" kinakabahan na tanong ko ulit.
"Yes, ngayon na at pwede ba go there nalang dami mo pang questions e," maarteng conyo nanaman nito sabay irap sakin at umalis.
Ang taray naman nun. May problema ba siya sa akin.
Napabuntong hininga naman ako pero mas may malaki akong problema ngayon. Bakit niya ako pinapatawag ano na naman kailangan niya sa akin. Ayaw ko nang mag explain. Hay.
Kahit labag sa aking kalooban ay tinungo ko na ang office ni Kenj.
Kumatok ako ng dalawang beses saka pumasok sa loob.
Nakita ko naman siyang prenteng nakaupo sa kanyang swivel chair at nakapangalumbaba mukang naghihintay na nga ito sa akin.
Huminga ako ng malalim bago nagsalita. "Sir pinapatawag niyo raw po ako."
"Kumain kana ba?" tanong naman niya.
Nabigla naman ako bukod sa tagalog ito ay hindi ko inaasahan na iyon ang itatanong niya sa akin at talagang pinapunta pa ako dito.
"Opo sir, tapos na," pagsisinungaling ko naman.
"I don't think so. Come on let's eat. I ordered your favorite meal," at nginuso niya ang mga pagkain.
Doon ko napansin ang mga pagkain sa mesa niya. Mcdo ito ang favorite ko. Hindi parin pala niya nakakalimutan iyon.
Sa Mcdo kami madalas kumain dahil doon ko siya niyayaya. Ayaw pa nga niya dahil hindi daw ito healthy pero wala rin siyang magawa dahil doon ang gusto ko.
"Natahimik ka ata. May naalala kaba?" tanong niya habang nakangisi.
Hindi ko naman siya pinansin sa kanyang tanong.
"Busog na po ako sir. Kayo nalang po ang kumain alis na po ako," pagpapaalam ko.
"Why? hindi ba ito naman ang lagi nating ginagawa dati? Ayaw mo na ba akong kasabay kumain?" makahulugang sabi nito.
"Tapos na po akong kumain sir," matigas kong sabi.
"But I'm not yet done. Actually. you are the one that I want to eat right here, right now," malalim niyang sabi at pinasadahan ang aking katawan.
Naestatwa naman ako sa aking kinatatayuan. Jusko po mukhang delikado ata ako dito.
BINABASA MO ANG
Hiding The CEO's Twins(COMPLETED)
RomanceSi Shanbri ay isang simpleng babae lamang ngunit ang kanyang kasintahan na si Kenji Yael ay isang bilyonaryo na CEO. Sa kabila nito, mahal pa rin nila ang isa't isa nang walang kondisyon. Hanggang sa isang araw, nalaman ni Shanbri na si Kenji Yael...