Chapter 23: Welcome Back
THIRD PERSON POV
Lasing na lasing na umuwi si Kenji Yael sa kanyang condo. Hinatid siya ni Tom, ang kanyang personal driver.
"Ma'am Kate andito po pala kayo," sabi ni Tom. Nadatnan niya kasi si Kate na naghihintay sa tapat ng pinto ng condo ni Kenji.
"Yeah, I'm waiting for Yael. OMG! What happened to him? Why is he so drunk?" di makapaniwala na tanong ni Kate kay Tom.
"Nakipag-inuman po si sir sa mga kaibigan niya sa bar kaya po siya nalasing," magalang na sagot ni Tom kay Kate.
"Ahh, is that so? Okay ako na ang bahala sa kanya pwede ka ng umalis," sabi ni Kate at nagpaalam na nga si Tom para umalis.
"OMG Yael, can you walk?" tanong ni Kate kay Kenji.
"Hmmm," ang tanging sagot ni Kenji dahil nakapikit na ito sa sobrang kalasingan.
"Wait, what is your password Yael so that I can open your condo already kasi napaka bigat mo talaga," reklamo ni Kate.
"H-huh? Anong sha-bi mo?" tanong ni Kenji at napamulat ito ng kunti. Napakunot naman ang noo niya ng makita si Kate.
"I said what is your password baby?" pag-uulit ni Kate sa kanyang tanong.
"It's our anniversary babe," sagot naman ni Kenji. Napakunot naman ang noo ni Kate sa sinabi ni Kenji.
"What?" tanong niya ulit.
"1024 is the password," sabi ni Kenji at nagtataka man ay binuksan na nga ni Kate ang pinto.
Hiniga niya si Kenji sa kama pagkatapos ay pinagmasdan ito ng maigi. Matagal ng may gusto si Kate kay Kenji simula pa noong bata pa sila. Si Kenji lamang ang hindi pumapansin sa kanya kaya ganun na lamang ang galit niya kay Shanbri dahil nakukuha nito ang atensyon ni Kenji.
"Babe, don't leave me," bulong ni Kenji habang ito ay nakapikit pero sapat lamang ito para marinig ni Kate. Napakunot noo ulit si Kate sa kanyang narinig.
"What are you talking about Yael?" tanong nito. Bahagyang minulat ni Kenji ang kanyang mga mata at tinitigan si Kate. Pagkalipas ng ilang sandali ay walang sabi sabing hinila niya ito paibabaw sa kanya at hinalikan sa labi. Nabigla si Kate sa ginawa ni Kenji pero kalaunan ay tumugon rin ito sa kanyang halik. Naging mainit at marahas ang kanilang halikan hanggang sa si Kenji na mismo ang pumutol nito.
Minulat niya ang kanyang mga mata at napa kunot noo. "Babe, the way you kissed me now is different from before," inosenteng sambit nito. Tinignan lang siya ng nagtataka ni Kate.
"Babe, let's sleep," sabi ulit ni Kenji at niyakap si Kate ng mahigpit bago pinikit ulit ang mga mata dahil sa kalasingan.
Bigla namang may naisip na gawin si Kate. Nais niyang samantalahin ang pagkakataon habang lasing si Kenji. Napangisi na lamang siya sa kanyang naisip.
___
SHANBRI POV
"Iha, hanggang ngayon ba ay hindi pa bumabalik si Yael dito sa Sta. Luna?" tanong ni mama sa akin. Narito kami ngayon sa kusina. Tinutulungan ko siya sa paghahanda ng hapunan namin.
"Opo, ma. Hindi pa po siya bumabalik dito. Miss na miss na nga siya ng kambal. Palagi silang nagtatanong kung nasaan ang daddy nila," malungkot kong tugon kay mama. Naaawa na rin ako minsan sa mga anak ko tuwing hinahanap nila ang kanilang ama sa akin.
"Ganun ba, hindi pa ba siya tumatawag o nagtetext man lang?" tanong ulit ni mama.
"Hindi po eh," sagot ko lang at napailing. Napabuntong hininga naman si mama.
"Di bale anak, sigurado akong uuwi rin siya dito. Alam kong hindi niya kayo matitiis ng mga anak niyo," pagpapagaan ni mama ng loob ko. Napatango na lamang ako sa kanya habang napapabuntong hininga.
Maya maya pa ay biglang may kumatok sa aming pinto. Nasa sala ang mga bata kaya ay malamang sila na ang magbubukas ng pinto.
"Daddy!" rinig kong sigaw ng kambal. Agad namang napakunot ang noo ko. Dali-dali akong nagpunta sa sala at nabigla naman ako sa aking nadatnan.
"Daddy we really missed you," sabi ni Bri habang umiiyak.
"Yes, dad. We really missed you because you are not reaching out to us," sabi naman ni Yaj at hindi maitatago sa kanyang mukha ang bakas ng lungkot at sakit.
"I'm sorry my babies. Daddy is just busy on his work. Don't worry, I'm here now and I promise, I will make it up to you okay?" pag-aalo naman ni Kenj sa kanyang dalawang anak. Binuhat niya ang mga ito at hinalikan ang tuktok ng kanilang ulo.
"Babe..." baling nito sa akin ng makita niya akong nakatayo sa tapat ng pinto ng kusina.
"Mommy, daddy is here na!" pagtawag sa akin ni Bri. Agad ko naman silang nilapitan.
"Kenj, mabuti naman at bumalik kana dito," sabi ko sa kanya.
"Ofcourse, I'm sorry babe medyo natagalan ako," paghingi niya ng tawad sa akin.
"Ayos lang iyon Kenj, alam ko namang busy ka sa trabaho mo," sagot ko nalang sa kanya.
"Yeah," tipid nitong sagot sa akin.
"Anyways, kumain na ba kayo?" tanong nito sa amin.
"Not yet daddy!" masiglang sagot naman ni Bri sa kanyang ama. Tumahan na siya mula sa pag-iyak kanina.
"Alright, what do you want to eat? Daddy will order it for you," tanong nito sa mga anak.
"Wag na Kenj, nagluluto si mama ng hapunan. Malapit na rin iyong matapos. Iyon na lang ang kainin natin," Ako na ang sumagot sa kanya dahil panigurado na maraming hihilingin ang mga bata na ipabiling pagkain lalo na si Bri. Sayang naman ang niluluto ni mama.
"Is that so? Okay babe," sagot nalang ni Kenj sakto namang paglabas ni mama sa kusina.
"Oh iho, narito kana pala," sabi ni mama kay Kenj. Agad niya naman itong nilapitan at nagmano. Medyo nahihirapan lang siya dahil buhat niya sa dalawang kamay ang mga bata.
"Babies, baba na muna kayo kay daddy. Baka nahihirapan na siya. Alam niyo naman na galing siyang malayong lugar diba," pagsasaway ko sa aking mga anak.
"It's okay babe. Hayaan mo na namiss ko rin ang mga bata," pagtanggi naman niya. Ang kambal naman ay napanguso lang sa akin. Napabuntong hininga na lamang ako sa kanila.
"Tamang tama. Luto na ang hapunan. Tara na iho at sumabay ka na sa aming kumain," sabi naman ni mama. Tumango naman si Kenj at pumunta na kaming kusina.
"Dad, what did you do at Manila? Why are you not calling us?" tanong ni Yaj sa ama habang kumakain. Sinusubuan sila ni Kenj.
"I'm sorry baby, I'm just busy," simpleng sagot lang ni Kenj sa anak.
"Daddy, will you leave us again?" inosenteng tanong naman ni Bri sa ama.
"Of Course baby, kailangan umalis ni daddy dahil nasa Maynila ang main company niya," Ako nalang ang sumagot para kay Kenj.
"Really daddy?" tanong ulit ni Bri sa ama.
"Yes baby, don't worry I will always come back here as soon as possible," sagot naman ni Kenj sa anak.
"Okay daddy," sagot na lang ni Bri at ipinagpatuloy ang pagkain.
"Daddy did you miss us?" biglang tanong naman ni Yaj sa ama.
"Of Course baby, I miss you a lot," sagot naman ni Kenj.
"How about my mom, did you miss her also?" tanong ulit ni Yaj. Nabigla naman ako sa itinanong niya sa kanyang ama. Napatingin lamang si Kenj sa akin.
"Of Course I missed your mom so much that is why I want to sleep here tonight. Do you like that my babies?" masiglang tanong ni Kenj sa mga anak.
"Yes daddy/Yes dad!" sabay na sagot ng kambal at halata mo talagang excited silang matulog ang kanilang ama dito.
"How about you babe? Is it okay with you if I will sleep here?" tanong sa akin ni Kenj at bahagyang napangisi.
"A-ah oo naman," kabadong sagot ko na lang.
BINABASA MO ANG
Hiding The CEO's Twins(COMPLETED)
RomanceSi Shanbri ay isang simpleng babae lamang ngunit ang kanyang kasintahan na si Kenji Yael ay isang bilyonaryo na CEO. Sa kabila nito, mahal pa rin nila ang isa't isa nang walang kondisyon. Hanggang sa isang araw, nalaman ni Shanbri na si Kenji Yael...