CHAPTER 21

1.1K 9 0
                                    

Chapter 21: Mrs. Kara Villamor

SHANBRI POV

Hindi ako sumabay kay Kenj papasok sa company. Kahit ilang beses niya akong pinilit ay hindi ako pumayag. Ayaw ko na may mga taong galit sa akin. Masakit iyon sa pakiramdam.

Kapag nakita ulit kaming magkasamang pumasok ay lalo lang kaming pagtsitsismisan na dalawa. Ayokong pati reputasyon niya ay madamay.

Wala si Miss Kate ngayon sa office ni Kenj. Tinanong ko siya kanina kung bakit wala pa si Miss Kate pero ang sabi lang niya ay bumalik na raw ito sa Maynila. Hindi nalang ako muling nagtanong pa.

"Sir may ipapakiusap sana ako sa inyo kung pwede," baling ko kay Kenj kanina pa siya busy sa kanyang ginagawa.

"Ofcourse, what is it?" sagot naman niya at tumingin lang sa akin saglit at ibinalik ang kanyang atensyon sa ginagawa.

"Pwede bang ibalik niyo nalang ako sa dati kong trabaho?" pakiusap na tanong ko sa kanya. Nakuha ko naman ang atensiyon niya at napatingin sa akin ng seryoso. Nagsalubong ang kanyang dalawang kilay.

"What?" tanong niya sa akin na parang may sinabi ako na hindi kapani-paniwala.

"Sir, ibalik niyo na po ako sa dati kong trabaho," pag-uulit ko sa aking sinabi at napakunot ang noo niya.

"But why?" seryosong tanong nito sa akin. Bumuga naman ako ng hangin bago nagsalita ulit.

"Ayaw ko nang maging special assistant mo sir. Kaya please ibalik mo na ako sa aking dating trabaho," pagsusumamo ko sa kanya. Gusto ko nang maging tahimik ang buhay ko dito sa company. Ayaw ko ng may kaaway.

"No. I'll give all you want but not that," maawtoridad na sagot sa akin ni Kenj at ibinaling ulit ang pansin sa trabaho niya.

"Pero sir wala naman akong ginagawa dito sa office mo eh. Hindi mo naman ako inuutusan," pagrereklamo ko sa kanya. Kung tutuusin nga'y nasasayang lang ang pinapasweldo niya sa akin.

"That's what I want. You don't need to work. I don't want you to get tired," matigas nitong sabi ng hindi ako tinitignan.

"Sir, ibalik mo na ako please lang. Ayaw ko na ng gulo," nawawalang pasensya na ani ko sa kanya. Matigas talaga ang kanyang ulo kahit kailan.

"What? Is there's something wrong? Someone's bullying you? Who? Tell me and I will fire her immediately," mahabang tugon nito at nag-igting ang kanyang mga panga.

"Wala okay. Pwede ba pagbigyan mo na ako," pagsusumamo ko sa kanya.

"No, babe and that's final," pinal na sagot ni Kenj at mukhang wala nang makakapagbago pa ng isip niya.

Nainis naman ako sa kanya. Bakit kasi hindi niya nalang ako pagbigyan.

"Okay dahil ayaw mong pumayag ay huwag ka na ring makipagkita sa mga anak mo," matigas na sabi ko sa kanya. Wala na akong choice kung hindi takutin siya. Sorry mga anak kung kailangan ko kayong gamitin. Napabuntong hininga nalang ako sa kawalan.

"What? So you're using our children now," hindi makapaniwalang tinuran ni Kenj at nakuha ko na talaga ang buong atensyon niya.

"Papayag ka sa gusto ko o papayag ka?" pananakot ko ulit sa kanya at pinandilatan siya ng mata. Tignan natin kung magmatigas pa siya.

"Tsk. Fine. Do what you want. Just don't hide our children from me again. I can't take it anymore," seryosong sagot naman niya at napabuntong hininga. Bakas ang kalungkutan sa kanyang boses. Parang nakonsensya naman ako bigla.

"Huwag kang mag-alala hindi ko sila itatago ulit sayo. Salamat at pumayag kana," sabi ko sa kanya at hindi na niya ako pinansin mukhang masama ang loob niya sa akin. Muli naman akong napabuntong hininga.

Hiding The CEO's Twins(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon