CHAPTER 27

424 3 0
                                    

Chapter 27: Bad News

THIRD PERSON POV

Kinaumagahan ay maagang nagising si Shanbri para ipaghanda ng almusal ang pamilya niya at napakasaya niya ngayon dahil magkakasama na sila sa isang bahay at kumpleto na ang kanyang pamilya kaya wala na siyang mahihiling pa sa ngayon.

Natutulog pa si Kenj noong umalis siya sa kwarto nila at sumilip muna siya sa kwarto ng mga anak bago nagtungo sa kusina upang magluto at mukhang mahimbing ang tulog ng mga ito. Marahil ay dahil malawak ang kama ng mga ito at mas malambot kesa sa dati nilang kama at air conditioned ang kanilang kwarto ngayon kaya siguro ay hindi maagang nagising ang mga bata ngayon hindi katulad noong nasa dati pa nilang bahay sila.

Nang matapos sa pagluluto si Shanbri ng kanilang breakfast ay napangiti na lamang ito dahil pakiramdam niya ay mag asawa na sila ni Kenj dahil sa kanilang set up ngayon kahit na hindi pa naman nagpopropose sa kanya si Kenj. Napabuntong hininga na lamang siya sa naisip dahil matagal na niya itong pangarap ang maikasal sa lalaking pinakamamahal niya simula noon hanggang ngayon.

“Good morning babe. Nandito ka lang pala kinabahan ako kanina noong gumising ako at wala ka sa kwarto natin because I thought you leave me again,” malambing na sabi ni Kenj pagdating niya sa kusina. Naka damit pang opisina na ito at mukhang handa na sa pagpasok sa kanyang trabaho. Napailing nalang si Shanbri sa sinabi ng kasintahan at nakangiting lumapit dito at yumakap sa baywang ni Kenj.

“Good morning din Kenj. Ano kaba naghanda lang ako ng breakfast natin at hindi ba nangako na ako sa iyo na hindi na ulit ako aalis at hindi na ulit kita iiwan? Kaya huwag mo nang isipin yan ulit okay?” malambing na sabi naman ni Shanbri sa kasintahan habang nakayakap ito sa kanyang baywang at nakatingala dito dahil mas matangkad sa kanya si Kenj.

“Alright babe and by the way, asan ang mga anak natin hindi pa ba sila nagigising?” tanong ni Kenj dahil ang ang akala niya ay magkasama na ang kanyang mag-iina ngayon.

“Natutulog pa sila eh mukhang napasarap ata ang tulog nila dahil sa bago nilang kama HEHE pero hayaan mo gigisingin ko na sila upang makakain na tayo ng almusal,” simpleng sagot naman ni Shanbri habang nakayakap parin sa baywang ng kasintahan.

“Oh is that so? But why are you being clingy to me right now? Hindi naman sa ayaw ko kaya lang ay hindi na ako sanay and I am just getting hard when your body is touching mine you know,” pilyong sabi lamang ni Kenj sa kanyang kasintahan dahil nakayakap ito ngayon sa kanya kaya naman ay hindi mapigilan ni Kenj na maturn on dahil sa kanyang pananabik sa kasintahan at dahil narin sa tinatawag nilang morning erection.

“HAHAHA, napaka naughty mo talaga Kenj, umagang umaga eh pero gusto lang talaga kitang yakapin ngayon kasi nakakaakit talaga yung pabango mo at nakakahiya mang aminin pero namiss ko talaga iyong amoy mo. HMMM, ang bango bango mo talaga Kenj,” sabi ni Shanbri at walang sabi sabi na inamoy amoy ang kasintahan na para bang isa itong nakakatakam na pagkain kaya naman ay lalo lang na turn on si Kenj dahil sa ginagawa ng kasintahan.

“Ahm, ayos ka lang Kenj bakit parang pinagpapawisan ka yata?” inosenteng tanong ni Shanbri sa kasintahan ngunit hindi na napigilan ni Kenj ang kanyang sarili kaya naman ay hinapit niya ang baywang ng kasintahan at walang sabi sabi na siniil ito ng kanyang halik.

Medyo nabigla man sa ginawa ng kasintahan ay malugod naman na tinugunan ni Shanbri ang mainit na halik ni Kenj sa kanya at automatic na pinulupot na lamang ang kanyang kamay sa leeg ng kasintahan at nakatingkayad habang sila ay naghahalikan dahil narin sa tangkad nito.

Binuhat naman siya ni Kenj at pinaupo sa sink at doon nila ipinagpatuloy ang kanilang mainit na halikan. Napunta ang mga labi ni Kenj sa leeg ni Shanbri at impit na nagpakawala lamang ng ungol ang babae dahil sa ginagawa sa kanya ni Kenj. Akmang huhubadin na ni Kenj ang damit ng kasintahan dahil sa labis na pananabik ay bigla nalang tumunog ang kanyang cellphone na nasa bulsa ng kanyang coat kaya naman ay napakunot lamang ang noo ito at galit na kinuha ang kanyang cellphone at pinatay ito at padabog na pinatong sa sink at akmang muling hahalikan si Shanbri kaya lang ay pinigilan siya nito.

“Teka lang Kenj bakit mo pinatay ang tawag paano kung tungkol sa trabaho iyon at importante?” tanong ni Shanbri sa kasintahan kaya lang ay matalim lamang siyang tinitigan ni Kenj at ang mga abong mata nito ay parang nagliliyab dahil nabibitin ito sa kanilang ginagawa at talaga nga namang napaka hard na nito sa dakong iyon.

“I don’t care about that and no one can disturb us right now,” matigas na sagot lamang ni Kenj at akmang hahalikan muli ang kasintahan kaya lang ay nag ring ulit ang kanyang cellphone at walang sabi sabi na sinagot ni Shanbri ang tawag para sa kanyang kasintahan at napa peace sign na lamang ito. Wala namang choice si Kenj kundi sagutin ang tawag at napa buntong hininga na lamang ito at napailing dahil naistorbo siya sa balak niyang gawin.

“Hello, what do you need to me right now? Just make sure that it is really important because you don’t know how you disturb me at this time,” masungit na sabi ni Kenj sa kabilang linya habang nakatitig ng matalim kay Shanbri na para bang nagsasabing “Hindi pa tayo tapos” kaya naman ay napangiwi na lamang si Shanbri sa kanyang kinaroroonan.

“What? What happened to my dad? Alright, I will go at the airport right now and tell my mom to calm down and wait for me. Okay bye Fred,” sabi ni Kenj sa kausap at mukhang masamang balita ito dahil na rin sa ekspresyon ng kanyang mukha. Nawala lahat ng init ng katawan na kanyang nararamdaman kanina lamang at napalitan ito ng pag aalala at labis na kaba.

“Anong nangyari Kenj bakit ganyan ang itsura mo? nagtatakang tanong naman ni Shanbri at maging ito ay bigla ring kinabahan dahil sa natanggap na tawag ni Kenj.

“I’m sorry babe but I really need to go back to Manila right now so please ikaw na ang bahalang kumausap sa mga anak natin but I really don’t know when I can come back here,” sabi ni Kenj sa malungkot na boses at para namang binuhusan ng malamig na tubig si Shanbri dahil masama ang pakiramdam niya sa mga nangyayari ngayon.

Ang buong akala niya ay maayos na ang kanilang sitwasyon ngayon at sa wakas ay magkakasama na sila ng buo ngunit ngayon naman ay bigla nalang kailangan na umalis ni Kenj at iwan sila ulit at hindi pa nito alam kung kailan siya makakabalik sa kanilang piling kaya naman ay labis na nalungkot si Shanbri sa kanyang nalaman at hindi niya rin alam kung paano niya ito ipapaliwanag sa kanyang mga anak dahil paniguradong malulungkot ang mga ito sa pag alis ng kanilang ama.

Hiding The CEO's Twins(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon