CHAPTER 14

526 4 0
                                    

Chapter 14: Jealous

"Mommy wake up!" pag-gising sa akin ni Bri at hinalikan ako sa pisngi. Minulat ko ang aking mga mata at nakita ko ang mga anak kong nakayakap sa baywang ko habang nakahiga.

Hinalikan ulit ako ni Bri sa pisngi at sumampa sa tiyan ko. "Good morning mommy!" masiglang bati nito sa akin.

"Morning mom." Si Yaj nakaupo na siya sa gilid ko.

"Good morning my babies!" At pinudpod ko sila ng halik sa pisngi. Bilib na talaga ako sa mga anak ko mas nauuna pang magising kaysa sa akin.

"I'll just go to the bathroom. Wait for me outside go to your lolo and lola muna," utos ko sa mga anak ko tumango naman sila at ako ay nagtungo na sa cr para gawin ang morning rituals ko.

Maghahanda na ako sa trabaho ko dahil siguradong sasakit na naman ang ulo ko. Tatlong araw na akong iniinis ni Kenj bilang special assistant niya at hindi na kami nakapag usap pa ng matino.

Bahala siya sa buhay niya kahit ano pa ang totoo hindi ko na sasabihin pa sa kanya ang tungkol sa mga bata.

Baka kasi ay ayawan niya lang ang mga anak ko kaya mabuti pang wag na lang ayaw kong masaktan ang mga bata.

Lumabas na ako ng kwarto para makakain na at papakainin ko narin ang mga anak ko.

"Shan mabuti lumabas kana at may bisita ka," sabi sa akin ni mama.

"Po? Sino naman po?" Umagang umaga ay may bisita sino naman kaya iyon wala naman akong inaasahan na bisita ngayong araw.

"Si Doc Buenavista nasa sala na siya naghihintay kasama ang kambal," sabi ni mama.

"Ah okay po." At nagtungo na ako sa sala. Ano naman kaya ang ginagawa dito ni Benedict.

Doctor siya ng mga anak ko. Noong mga baby pa kasi sila ay sakitin ang mga ito kaya palagi kami sa ospital.

Mayaman sila Benedict iyon ang alam ko. Pangarap niya lang talagang maging doctor kaya ito ang kinuha niya.

Napalapit na rin siya sa mga bata at kung minsan ay bumibisita siya dito tuwing day off niya.

Ang totoo niyan ay isa si Benedict sa mga nanliligaw sa akin dati. Hindi ko alam kung paano niya ako nagustuhan pero bigla nalang siyang umamin.

Hindi naman ako pumayag dahil si Kenj parin ang mahal ko. Naalala ko na naman ang lalaking iyon. Kahit naiinis ako sa kanya ay siya pa rin ang tinitibok ng puso ko hanggang ngayon. Siya lang at wala nang iba.

Napabuntong hininga na lamang ako sa naisip at nagtungo na sa sala.

"Mommy! Tito Ben is here!" sambit sa akin ni Bri at nakita kong may kinakain siyang pancake siguro ay dala ni Benedict.

"Hi Shan, good morning," bati sa akin ni Benedict at tumayo.

Lumapit ako sa kanila at sinenyas na maupo na lamang.

"Hello Ben napasyal ka?" agad kong tanong sa kanya.

"Ah day off ko kasi ngayon at namiss ko na rin ang mga bata hehe," nahihiyang sagot ni Ben habang nagkakamot ng ulo.

"Tchh you just miss my mom," nagsalita bigla si Yaj at matalim na tinignan si Ben. Nakaupo siya sa sofa at nakakrus ang dalawang braso.

Ayaw ni Yaj kay Ben dahil nalaman niya na gusto nitong manligaw sa akin dati. Sabi niya ay ang daddy niya lang daw ang pwede sa akin.

Si Bri lang ang may gusto kay Ben. Close silang dalawa kasi pinagbibigyan palagi ni Ben ang mga gusto niya.

"Yaj stop it. Puntahan mo nalang sila lola mo sa kusina," pagsaway ko sa kanya at sumunod naman siya.

Hiding The CEO's Twins(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon