CHAPTER 7

598 5 0
                                    

Chapter 7: Confused

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya at lumaki ang aking mga mata dahil sa gulat.

Hindi ako makapaniwalang nagagawa pa niyang makipag-usap sa akin ng ganito.

May karapatan siyang magalit sa akin dahil sa ginawa ko dati pero kung umasta siya ngayon ay parang walang nangyari.

Ang alam ko ay may pamilya na siya kaya dapat ay hindi na niya ito ginagawa pa. Ano na lang sasabihin sa akin ng asawa niya.

Baka isipin pa niyang nilalandi ko ang asawa niya kahit may pamilya na ito at siguradong may anak na.

"HAHAHAHA just kidding! Look at your face your reaction was so epic," bulalas niyang tawa at talagang hawak hawak niya pa ang kanyang tiyan.

Nainis naman ako sa kanya. Nakuha pa talaga niya akong pagtawanan pagkatapos ng sinabi niya.

Ang akala ko ay yayayain niya lang akong kumain hindi ko naman alam na magjojoke pa siya at sinabing ako ang gusto niyang kainin.

Hindi parin ako sumagot at pinukulan ko lamang siya ng matatalim na tingin dahil sa aking pagkainis.

"Why? Kahit kailan talaga ay napaka seryoso mo Shanbri. Pero kung gusto mo naman ay pwede nating totohanin. You know matagal narin noong huli natin," mahabang litanya pa niya at ngumisi ng nakakaloko.

Lalo naman akong nainis. Biglang bumalik ang mga alaala noong may nangyari sa amin. Isang beses nga lang namin iyon ginawa ay kambal agad ang bunga paano na lang pag ginawa namin iyon ulit.

Pinalis ko naman ang nasa isip at huminga ng malalim.

Nagsalita na ako sa pagkakataong ito dahil hindi na talaga ako natutuwa sa kanya. "Sir, hindi po ako nakikipag biruan. Kung wala na po kayong sasabihin ay aalis na po ako." Magalang pa rin ako kahit naiinis dahil boss ko parin naman siya at nasa opisina kami kahit pa sabihin nating may nakaraan kami.

Kailangan kong maging professional kahit mukhang itong boss ko ay hindi alam ang word na iyon.

Sumeryoso naman siya at tumayo mula sa kanyang pagka kaupo.

Dahan dahan siyang lumalapit sa akin at tinitigan ako ng kanyang kulay abo niyang mata na parang gusto niya talaga akong kainin.

Hindi ko naman maiwasang matakot sa tingin niya at kumalabog ang puso ko.

Habang papalapit siya ay paatras naman ako ng paatras hanggang sa naramdaman ko na lang ang pinto sa likod ko.

Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Parang hihimatayin na ata ako sa kaba.

Sinandal niya ako sa pinto at kinulong sa kanyang dalawang braso.

"Damn, don't look at me like that. You don't know the effect on me," namamaos nitong sabi at tinitigan akong mabuti.

Dumapo naman sa mga labi ko ang mata niya at mabilis ko namang kinagat ang ibabang labi ko sa labis na kaba.

Hindi ko alam kung saan ako titingin dahil para akong hinihigop ng mga mata niya at natatakot ako na baka kapag nakipagtitigan ako sa kanya ay ako na mismo ang humalik sa kanyang labi.

Pinalis ko naman ang nasa isip at umiling.

"Don't do that again in front of me," malamig na boses niya.

Hindi ko naman iyon naintindihan agad.

"H-ha?" Napakaiksi ng tanong ko pero nautal pa ako hindi ko na talaga kaya gusto ko nang makaalis dito.

"Your lips. Don't bite it. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko. I will kiss you until your lips get swollen,"  seryoso niyang sambit.

"S-sir p-pakawalan n-niyo nalang p-po ako." Iyon nalang ang nasabi ko at nauutal parin.

Hiding The CEO's Twins(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon