CHAPTER 51: REWARD
SHANBRI POV
Pagkababa lang namin sa magarang sasakyan ni Kenj ay agad na kaming pinagtitinginan ng mga tao sa school.
Actually, halos lahat sila ay napapatingin kay Kenj dahil sa lakas ng dating nito. Hindi naman talaga maitatanggi na gwapo ang daddy ng kambal at nakakaagaw talaga ito ng atensyon kahit sa simpleng pagtayo o paglakad lamang niya.
Sadyang malakas talaga ang sex appeal ni Kenj dati pa lalo na sa mga kababaihan kahit wala naman itong masyadong effort sa kanyang itsura.
Kumbaga natural na talaga sa kanya ang pagiging gwapo at mukhang sanay naman na ito sa atensyon na nakukuha niya sa mga tao.
“Hey, I know that I am handsome but can you stop zoning out? I was literally talking here like damn stupid because you are not listening to me.”
Agad naman akong bumalik sa reyalidad ng marinig ko ang reklamo ni Kenj.
Hindi ko namalayan na nakatulala na pala ako sa harapan nila habang palihim ang aking paghanga sa kanyang kagwapuhan sa aking isipan.
“Oh, sorry, Kenj. Ano ba iyong sinasabi mo?” simpleng tanong ko na lamang at humingi ng pasensya dahil sa pagiging absent minded.
“Duh, mommy? Dad is asking where our classroom is and if we are going to stay there or in another place?”
Si Bri naman ang sumagot sa akin gamit ang kanyang maarteng boses. Nakita ko silang apat na nakatitig na pala sa akin na para bang nakagawa ako ng isang malaking kasalanan.
“Okay, got it. Sabi ng teacher ng kambal ay diretso na raw tayo sa school field dahil doon gaganapin ang mga activities for the school fair.”
Ang tanging naisagot ko na lamang sa kanila at tinaasan ko sila ng kilay dahil para silang nabunutan ng tinik nang makuha nila sa wakas ang sagot mula sa akin.
Parang tanga naman itong mga kasama ko. Napa-irap na lamang ako sa kawalan.
Nauna na lamang ako sa paglalakad habang hawak ko sa aking kamay si Yaj at si Bri naman ay hawak sa kamay ni Trish.
Si Kenj naman ay cool lang na naglalakad kasunod namin habang ang kanyang kamay ay nasa kanyang bulsa.
As usual, naka-poker face lamang siya habang naglalakad at parang wala naman ata siyang pake kahit pinagtitinginan siya ng mga tao at kinikilg pa ang mga ito sa tuwing nadadaanan niya.
Pagdating namin sa school field ay umupo na lamang kami sa aming pwesto at pagkatapos nga ng ilang speech mula sa mga school officials ay pormal nang nagsimula ang school fair.
Ang kanilang unang activity ay to draw an artwork about your family. Si Yaj ang sumali bilang representative ng aming family dahil mahilig itong sa drawing lalo na kanyang paboritong laruan na toy airplane.
Ito ang pampalipas oras ni Yaj at malapit na nga niyang mapuno ng airplane pencil sketch ang binili ko sa kanyang sketchbook.
“Is our son knows how to draw? Should I draw for him so we can win the game?” tanong ni Kenj at halata mo na parang nag-aalala ito para sa anak.
“Hindi pwede, Kenj. Ang game na ito ay para sa mga bata lang hindi kasali ang parents.”
Agad ko naman siyang pinagsabihan dahil bilin ng mga teachers na hayaan lang raw ang mga bata to create their own piece of artwork.
Pwedeng mag-coach at magbigay ng suggestions ang mga parents pero hindi kami pwedeng makisali sa mismong pagguguhit ng mga bata.
“Okay, I understand. I believe that my son probably inherits my talent in arts. He did not become an engineer’s son for nothing. Is that right, Shanbri?” proud nitong tugon sa akin.
BINABASA MO ANG
Hiding The CEO's Twins(COMPLETED)
Storie d'amoreSi Shanbri ay isang simpleng babae lamang ngunit ang kanyang kasintahan na si Kenji Yael ay isang bilyonaryo na CEO. Sa kabila nito, mahal pa rin nila ang isa't isa nang walang kondisyon. Hanggang sa isang araw, nalaman ni Shanbri na si Kenji Yael...