CHAPTER 30

381 4 0
                                    

CHAPTER 30: SURPRISE VISITOR

SHANBRI POV

Hanggang ngayon hindi ko parin nakakausap si Kenj at matagal na rin ang huli naming pagkikita at talaga nga namang sobrang miss ko na siya at ganun din ang kambal. Sa tingin ko ay masama na ang loob ng mga ito sa kanilang ama dahil hindi siya gumagawa ng paraan para macontact kami.

Kamakailan lang ay tumawag dito ang assistant ni Kenj at sinabi sa akin na namatay na daw ang daddy ni Kenj kaya naman ay labis ang pagdadalamhati nito at ng kanyang mommy kaya kung maaari ay intindihin ko muna ang kanyang sitwasyon ngayon.

Sa totoo lang naiintindihan ko naman talaga ang sitwasyon ni Kenj dahil mahirap talaga mawalan ng mahal sa buhay pero ang akin lang ay bakit hindi niya man lang kami magawang tawagan o i-text man lang para kamustahin upang hindi naman kami nag-aalala sa kanya.

“Mommy someone is looking for you and she is still outside. Should we let her enter our house?” biglang tanong sa akin ni Bri pagkapasok nito sa aking kwarto.

Napakunot naman ang aking noo dahil wala naman akong inaasahan na bisita ngayong araw.

Nag-aayos ako ng gamit ngayon dahil balak kong pumunta sa Maynila para makausap ko ng personal si Kenj dahil hindi ko na kayang maghintay sa wala.

Iiwan ko muna ang aking mga anak sa parents ko at sila muna ang magbabantay sa kanila habang wala ako.

“Sige, ako na ang bahala anak. Maglaro na kayo ng kuya mo,” sagot ko lang kay Bri at nagtungo sa sala upang buksan ang aming pinto at tingnan kung sino ang aming bisita.

Hindi ko alam kung bakit pero may kakaiba akong nararamdaman ngayon. Para akong kinakabahan at parang sinasabi ng instinct ko na may hindi magandang mangyayari pero sana ay nagkakamali lamang ako.

“Hello, kamusta ka iha? Long time no see huh, maari ba akong pumasok sa condo ng anak ko?” tanong ng ginang pagkabukas ko ng pinto.

Saglit na napatulala naman ako dahil sa pagkabigla dahil hindi ko inaasahan na magkikita kaming muli sa ganitong pagkakataon.

“Mrs. Villamor? Ano pong ginagawa niyo dito at paano niyo po nalaman na nandito po ako?” tanong ko muna sa ginang dahil kinakabahan pa akong papasukin siya sa loob dahil narito ang aking mga anak at alam kong hindi niya pa alam na may anak kami ni Kenj kaya nangangamba ako sa maari niyang maging reaksyon lalo na at hindi naging maganda ang una at huli naming pagkikita dati.

“Sinabi sa akin ni Yael at huwag kang mag-alala dahil wala akong masamang intensyon sa pagdalaw ko sa inyo dito. Nalaman ko na may anak pala kayo ni Yael at gusto ko lang makilala ang mga apo ko. Hindi naman iyon masama diba so pwede mo na ba akong papasukin upang makita ko na ang mga apo ko?” sabi ng ginang sa malumanay na boses.

Hindi ko akalain na ganito ang kanyang magiging reaksyon dahil akala ko ay mamagalit siya kapag nalaman niya na may anak kami ni Kenj.

“Sige po, pasok po kayo tita. Nasa sala po ang mga bata at naglalaro po sila ngayon,” sagot ko naman at inuwang ang pintuan upang makapasok na ang ginang.

Ngumiti ito sa akin at inilibot ang kanyang mga mata sa loob ng condo.

“Kids come here because we have a visitor. She is your dad’s mother. Magmano kayo sa lola niyo,” pagtawag ko sa aking mga anak pagdating namin sa sala.

Napatingin naman ang dalawa sa amin at nakakunot ang noong pinagmasdan ang kanilang lola.

“Wow, so kambal nga kayo. Napakaganda at napakagwapong bata naman ng mga apo ko. Come to lola, let me hug you,” namamanghang sabi ng ginang pagkakita niya sa kambal, Tinignan muna ako ng dalawa at marahan ko naman silang tinanguhan kaya lumapit sila sa kanilang lola upang magmano at pagkatapos ay nagyakapan silang tatlo.

“Ang lalaki niyo na mga apo. Masaya ako na makilala kayo sa wakas. Kamukhang kamukha niyo ang daddy niyo so walang duda na anak nga kayo ni Yael at kayo ay mga apo ko. Nice to meet you mga apo,” sabi lang ng ginang pagkatapos hagkan ang kambal.

Hindi pa rin ako makapaniwala na ganito ang magiging reaksyon niya kaya hindi ko parin talaga maiwasan ang mangamba.

“Nice to meet you too grandma, my name is Brianna Marie and this is my twin brother Yaji Michael. We are happy to finally meet you, grandma,” sabi naman ni Bri sa kanyang lola habang nakangiti pero napansin ko na nakatingin lamang si Yaj sa kanyang lola na may blankong mukha at hindi ko mawari kung gusto ba nito ang kanyang lola.

“Maupo muna tayo tita, ano pong gusto niyong kainin? Kukuha po ako sa kusina at ipaghahain kayo.” Pag-aalok ko sa ginang ngunit agad naman itong napailing pagkatapos maupo sa couch.

Ang kambal naman ay tumabi lang sa akin at nakakapit sa laylayan ng aking damit. Sa tingin ko ay hindi pa sila ganun ka komportable sa presensya ng kanilang lola.

“Naku, huwag na iha. Hindi rin naman ako magtatagal dahil kailangan kong bumalik agad sa Maynila. Pumunta lamang ako dito para imbitahan kayo sa birthday party ni Yael sa aming mansiyon dahil mayroon kaming mahalagang anunsyo at gusto ko na naroon kayo lalo kana iha,” sabi naman ng ginang at tinignan ako ng makabuluhan.

Oo nga pala birthday na ni Yael next week ngunit bigla naman akong kinabahan sa sinasabing anunsyo ng ginang.

Ano naman kaya ito at bakit importanteng nandoon kami ng mga anak ko lalo na ako?

“Sige po tita, makakaasa po kayo na pupunta kami roon at tamang tama dahil sobrang miss na ng kambal ang kanilang ama at maging ako ay gusto ko na rin makita si Kenj kaya asahan niyo po ang aming pagdalo,” sagot ko naman dahil balak ko na talagang pumunta sa Maynila upang makita si Kenj pero sa birthday na lang niya siguro kami pupunta at kasama na ang kambal.

“Mabuti naman kung ganun at masaya akong makita kayo sa kaarawan ng aking anak. So, see you next week and I can’t wait for that day dahil sa wakas ay matutupad narin ang aking matagal na kahilingan,” sabi ng ginang at napansin ko naman na marahan itong napangisi ngunit agad namang ngumiti sa akin.

Bigla namang tumibok ang puso ko dahil sa kaba at hindi ko alam kung bakit. Huminga ako ng malalim upang kumalma at sinuklian na lamang ng ngiti ang ginang.

Hiding The CEO's Twins(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon