CHAPTER 33: THE DECISION
SHANBRI POV
Wala sa sariling nabitawan ko na lamang ang hawak kong cellphone habang nakatulala sa kawalan at nanlalamig ang aking mga kamay at nanlalambot ang aking mga binti.
“Ano ba! May balak ka bang sirain ang cellphone ko huh? Diyan ka na nga! Pathetic b*tch!” singhal naman ni Kate at binangga ang aking balikat bago ito lumisan na may ngisi sa mga labi.
Napayakap na lamang ako sa aking sariling braso at inangat ang aking paningin upang pigilan ang mga nagbabadyang luha na gustong kumawala mula sa aking mga mata.
“Come with me,” isang malamig at baritonong boses ang aking narinig mula sa lalaking kanina ko pa hinahanap.
Napabalik naman ako sa ulirat at nagpaubaya na lamang na magpatianod habang hawak hawak niya ng mahigpit ang aking braso.
Hindi ko alam kung saan kami patungo ngunit hindi magawang umapila ng aking katawan dahil parang may dumadaloy na kuryente mula sa kanyang katawan at nagliliyab ang aking mga ugat sa paghawak niya lamang ng aking braso.
“What are you doing here? Sino ang kasama ng mga bata sa bahay? Bakit mo sila iniwan doon ng mag-isa?” sunod-sunod na tanong niya nang makarating kami sa garden ng kanilang mansiyon.
Hindi ko naman sinagot ang kanyang mga tanong at mariin ko lamang siyang tinitigan sa kanyang mga abong mata. Wala kang mababatid na ano mang emosyon mula rito bukod sa mga malalamig niyang titig na binabato sa akin.
Paano niya nasasabi ang mga iyan sa kabila ng ginawa niya sa akin? Hindi ko akalaing may natitira pa palang pag-aalala sa aming mga anak mula sa kanya pagkatapos niya kaming iwan at wala ni anong paramdam mula sa kanya.
“Pwede bang tigilan mo na ang pagpapanggap na concern ka sa mga bata? Wala ka naman talagang pakialam sa amin, hindi ba?” mapait na tugon ko na lamang sa kanya.
“Ofcourse, I am concern to them because they are my kids and I am also concern to you kaya kita dinala dito para magkausap tayo ng masinsinan,” sagot naman niya.
“Huh! So may balak ka pa palang kausapin ako? Sa tingin mo ba deserve kong marinig ang mga paliwanag mo?” puno ng hinanakit na sabi ko sa kanya.
“Iniwan mo kami sa Sta. Luna na umaasa sa iyong pagbabalik tapos malalaman lang namin na ikakasal ka na pala sa iba? Alam mo ba kung gaano kasakit para sa akin at sa mga bata na masaksihan mismo sa aming harapan ang iyong engagement party sa ibang babae?” dagdag ko.
“What do you mean? Kasama mo ba ang kambal dito? Nasaan sila? Gusto ko silang makita,” sagot lang niya sa akin.
Napatawa na lang ako ng pagak dahil sa kakapalan ng mukha niya. Sa tingin niya ba ay hahayaan ko pang makita niya ang mga anak ko pagkatapos ng ginawa niya sa amin?
“Wala na sila dito sa mansyon,” tipid na sagot ko.
“Paano mo nagawa sa amin ito, Kenj? Nagtiwala ako sa iyong muli pero binigo mo lamang ako at ang mga anak natin. Paano mo kami nagawang ipagpalit ng ganun ganun na lang?” dagdag kong tanong.
“I’m sorry, Shanbri but my marriage with Kate is already final. Kailangang matuloy ang kasal namin kahit anong mangyari,” seryosong sagot lang niya.
Parang winarak ang puso ko at nadurog pira-piraso ng marinig ko mismo mula sa kanyang bibig ang katotohanan. So, totoo nga ang sinabi ni Kate na siya ang mahal ni Kenj at hindi ako?
“Paano ako, Kenj? Paano ang kambal? Paano na ang pamilya natin? Paano mo nagawang lokohin kami?” mapait kong tanong sa kanya at tuluyan na nga na bumuhos ang mga luha na pilit kong pinipigilan.
“I’m still the father of the twin even though I am already married with Kate. Hindi ko tatalikuran ang responsibilidad ko sa kanila bilang ama,” sagot naman niya.
“I’m sorry pero hanggang dito na lamang ang relasyon natin. Pupunta lamang ako sa inyo para sa mga bata but I just want you to know na kailanman ay hindi kita niloko at totoo lahat ng pinakita ko sa iyo noon,” dagdag niya.
“Tama na, please. Ayaw ko nang marinig pa ang mga kasinungalingan mo. Aalis na kami sa condo na binili mo para tirahan natin at maghahanap narin ako ng ibang trabaho. Ayaw kong iasa ang buhay namin sa isang katulad mo,” simpleng sagot ko.
“Please don’t leave the condo. I bought that especially for us. Doon ko pupuntahan ang mga bata kapag nagkaroon ako ng maluwag na schedule. I will try my best to visit the twin as often as I could,” pagkontra niya sa sinabi ko.
“Huwag mo akong pagsabihan sa dapat kong gawin. Kung gusto mong magpakasal sa iba, hindi kita pipigilan pero huwag kang umasa na magkakaroon ka pa ng puwang sa buhay namin ng mga anak ko,” matigas kong tugon.
“Happy birthday nga pala. Ito ang regalo ko para sayo. Paalam at kailangan ko nang umalis,” dagdag ko at mapait na inabot sa kanya ang aking regalo.
Mabigat ko siyang tinalikuran at mabigat ang aking mga hakbang palabas ng kanilang mansiyon. Narinig ko pa ang pagtawag niya sa aking pangalan ngunit hindi ko na siya nilingon pa.
Tuloy-tuloy na bumubuhos ang aking mga luha at patakbo akong pumara ng taxi at agad na pumasok sa loob at sinabi ang address ng apartment ni Trish.
Bumalik sa aking isipan ang mga tagpo noong una kong iniwan si Kenj dati. Mangyayari ba ulit ang nakaraan? Kailangan ko ba ulit itago ang aking mga anak mula sa kanilang ama?
___
“Bes! Anong nangyari? Bakit ganyan ang itsura mo?” agad na tanong sa akin ni Trish at sinalubong ako pagkababa ko ng taxi.
“Nasaan ang mga bata?” tanong ko sa kanya imbes na sagutin ang kanyang tanong.
“Nasa kwarto, nagpapahinga na sila. Sinabihan ko sila na manatili lamang sa kwarto habang hinihintay namin ang iyong pagdating,” sagot naman niya.
“Trish, maghanda ka. Kailangan nating umalis dito sa lalong madaling panahon. Tara na sa loob,” sabi ko lang sa kanya at mabilis na pumasok sa loob ng apartment.
“Mommy! Finally, you are here,” salubong sa akin ni Bri at agad akong niyakap pagpasok ko sa kwarto.
Dahan -dahan namang lumapit din sa akin si Yaj na lukot-lukot at madilim ang mukha. Agad ko namang ginantihan ng yakap ang aking mga anak.
“I’m sorry for being late but mommy is here na. Tulungan niyo kaming mag-ayos ng mga gamit natin dahil luluwas tayo pabalik ng Sta. Luna sa lalong madaling panahon,” may awtoridad kong sabi sa aking mga anak.
“Why are we leaving already, mommy? Have you already talked to our dad? We want to see him and talk to him too,” malungkot na tugon naman ni Bri.
“Mom is right. We need to leave here as soon as possible and I don’t want to see that man again,” matigas na sabi naman ni Yaj at nagulat na lang ako sa kanyang iniasta.
“Kung ano man ang desisyon mo bes palagi lang akong narito at nakasuporta sa iyo,” simpleng sabi naman ni Trish at nagkatitigan lang kami ng makahulugan.
![](https://img.wattpad.com/cover/283755379-288-k663244.jpg)
BINABASA MO ANG
Hiding The CEO's Twins(COMPLETED)
RomanceSi Shanbri ay isang simpleng babae lamang ngunit ang kanyang kasintahan na si Kenji Yael ay isang bilyonaryo na CEO. Sa kabila nito, mahal pa rin nila ang isa't isa nang walang kondisyon. Hanggang sa isang araw, nalaman ni Shanbri na si Kenji Yael...