CHAPTER 54

354 4 0
                                    

CHAPTER 54: HOLD ON

SHANBRI POV

Masama ang loob ko na pumasok sa staff room. Pakiramdam ko ay parang nawawasak ang puso ko dahil sa labis na pighati na idinulot sa akin ng katotohanan.

“Tanggapin mo na kasi, Shanbri. Wala na kayo at kahit kailan ay hindi na maibabalik pa ang dati.”

Pilit ko na lamang na kinumbinsi ang aking sarili upang mabawasan ang sakit na aking nararamdaman ngayon.

Hindi ko namalayan na meron na palang luha na tumulo mula sa aking mga mata kaya naman ay dali-dali ko itong pinunasan gamit ang aking daliri.

“Are you okay, Shanbri? Why did you left?” Nagulat naman ako sa biglaang pagdating ni Kenj sa staff room.

Kunot-noo ko siyang tinignan dahil hindi ko alam kung bakit pa sa sumunod sa akin dito lalo’t alam naman niya na narito rin ang kanyang asawa.

Baka makita na naman niya kami at magsimula na naman ito ng panibagong gulo.

“Anong ginagawa mo dito, Kenj? Bumalik ka na nga sa asawa mo.” Agad ko na naman siyang tinaboy at pasikretong inirapan.

“She’s gone. I mean, I asked Tyrone to escort her at the nearest hospital so that she can get checked by a doctor,” simpleng tugon naman nito na nagpataas ng aking kilay.

“Bakit mo naman inutos sa boss ko ang trabaho na dapat ikaw ang gumagawa? Responsibilidad mo iyon bilang asawa ni Ms. Kate,” matigas na tugon ko. Talagang nakuha pa niyang utusan ang boss ko imbes na siya na lang ang gumawa.

“Actually, we are not fine. Kate has been so stubborn these days and she annoys me a lot. That is why I don’t want to talk to her yet.”

Medyo nabigla naman ako sa biglaan niyang pag-amin ng sitwasyon niya sa kanyang asawa.

"Oh, ganun ba. Pero dapat sinamahan mo pa rin siya sa ospital. Baka lalo lang siyang magalit sa iyo," sagot ko naman.

"She will be fine. But I did not like what you did, Shanbri. You should not let your emotions eat you." Napairap na lang ako sa kawalan. Hanggang ngayon ay pinagtatanggol pa rin niya si Kate.

"Alam kong wala akong ginawang masama kanina. Nasa sayo na iyon kung ano ang gusto mong paniwalaan," matigas at walang ganang tugon ko na lamang.

Ayaw ko nang ipagpilitan pa ang aking sarili at magpaliwanag sa isang bagay na alam ko naman na hindi ko ginawa. Bahala na siya kung ayaw niya akong paniwalaan.

Basta alam ko na malinis ang aking konsensya. Sapat na sa akin iyon.

“If you are thinking that I am blaming you for what happened earlier then you are wrong. I just don’t want you to get hurt because I know what Kate can do.”

Hindi ko naman inaasahan ang biglaan niyang paliwanag sa akin.

“Bakit ba hindi kayo okay? Palagi mo ba siyang inaaway?” kuryusong tanong ko naman.

“She is the one always quarelling with me. Even small things can make her angry. I can’t understand her anymore just to be honest.”

Napaisip naman ako sa kanyang sinabi. Ramdam ko ang inis sa tono ng kanyang boses kaya sigurado ako na nagsasabi siya ng totoo.

“Hindi kaya palagi siyang moody kasi buntis siya?” Medyo lumaki ang kanyang mata dahil sa aking tanong.

Maging ako ay hindi inaasahan na magagawa ko itong itanong sa kanya kahit alam ko naman na ako ang unang masasaktan kapag nagkatotoo nga ito.

“It’s impossible. I know she is not pregnant. She is just normally like that everytime she feels envious and jealous.”

Parang siguradong-sigurado naman siya na hindi nga buntis si Kate. Sa bagay sino ba naman ako para ijudge ang kanyang sitwasyon.

Alam ko naman na mas matagal na siyang kilala ni Kenj kaysa sa akin kaya mas kabisado nito ang ugali ng asawa.

“Okay kung iyan ang sabi mo. Huwag mo na lamang painitin ang ulo siya. Sa tingin ko ay dapat sumunod ka rin sa gusto ng asawa kahit minsan.”

Nakita ko naman kung paano nagsalubong ang kanyang kilay dahil sa aking sinabi.

“Why are you so curious about my married life? Do you want to know something or what?” biglaang tanong naman niya habang napapangisi.

“Ako ay nagtatanong lamang, Kenj. Wala naman talaga ako pakialam sa inyo ng asawa mo sa totoo lang,” matigas na tugon ko na lamang ngunit mukhang hindi naniniwala ang kausap ko sa aking sinabi.

“Stop lying to me, Shanbri. You are so obvious. Are you curious about the state of my marriage with Kate now?”

Hindi naman ako kaagad nakasagot sa kanyang tanong na nagpangisi ulit sa kanya.

“See, you can’t even answer my question or look me in the eyes. I am sensing jealousy at you, babe.”

Inirapan ko na lamang siya dahil tinatawag na naman niya ako sa endearment na iyan kahit alam naman niya na wala nang namamagitan sa amin.

"Nagtatanong lang ako, Kenj. Huwag kang masyadong assuming diyan. Isa pa, pwede bang tigilan mo na ang pagtawag sa akin gamit ang endearment na iyan," iritableng sagot ko na lamang sa kanya.

"Why don't you want me to call you 'babe'? Are you afraid that you might fall for me again?" mapangasar na tanong niya sakin at nakita ko na naman ang pamilyar niyang ngisi.

"Nagkakamali ka, Kenj. Please, huwag ka nang gumawa pa ng dahilan para mas lalong magalit sa akin ang asawa mo. Nakita mo naman ang nangyari sa amin kanina hindi ba?" masungit na tugon ko.

“Damn, you have bruises, babe. Are you sure you’re okay? Does it hurt?”

Hindi naman niya pinansin ang aking sinabi nang makita niya ang aking mga sugat na nakuha ko kanina dahil sa pagsugod sa akin ni Kate.

Napanguso na lamang ako at bahagyang napailing dahil sa kanyang inasta. Halatang-halata kasi sa mukha niya ang labis na pag-aalala nang makita niya ang aking mga sugat.

“Wala ito, Kenj. Huwag mo na lamang pansinin,” simpleng sagot ko.

“No, I will get the first aid kit and treat your wounds.”

Akmang tatalikod na siya para umalis ay agad ko siyang pinigilan sa pamamagitan ng paghila sa laylayan ng kanyang damit.

“Hindi na kailangan, Kenj. Huwag ka nang mag-abala pa. Please huwag mo na akong pahirapan,” mapait na tugon ko.

“What do you mean? How did you say that I am making it hard for you?”

Hindi makapaniwalang tanong niya habang magkasalubong ang kanyang kilay na animo’y hindi makapaniwala sa aking sinabi.

“Huwag kang umasta na parang may relasyon pa tayo. Nakalimutan mo na ba na pumayag lang akong bumalik ka para sa kapakanan ng mga anak natin?”

“Mas lalo lang lalala ang galit ni Kate kung patuloy ang magiging ganito sa akin.” Parang may kumurot naman sa aking puso pero pilit ko na lamang itong ipinagsawalang bahala.

“Why are you like this, Shanbri? How can I hold on with us if you keep pushing me away?” Agad naman na kumunot ang aking noo dahil hindi ko naintindihan ang nais niyang sabihin.

“Anong ibig mong-” Hindi ko na natuloy ang aking sasabihin dahil naramdaman ko na lamang ang kanyang malambot na labi.

Hinahalikan ako ni Kenj na parang tama itong ginagawa namin ngayon.

Gusto ko siyang itulak ngunit parang traydor ang aking sariling katawan dahil taliwas ang reaksyon nito sa aking iniisip.

“Bakit mo ito ginawa, Kenj? Ano ba talaga gusto mong mangyari?”

Ang tanong ko sa aking isipan ngunit natagpuan ko na lamang ang aking sarili na malugod na tinutugunan ang mga mapupusok na halik ng lalaking aking pinakamamahal.

Alam kong mali ito ngunit inaamin ko na labis akong nangulila sa kanyang mainit na halik.

Kung ano man ang kahihinatnan ng pangyayaring ito ay bahala na siguro ang tadhana kung patuloy niya kaming paglalaruan.

Hiding The CEO's Twins(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon