CHAPTER 47: REQUEST
SHANBRI POV
“So, how was your birthday, kids? Are you happy to see me again? How about my gift, did you like it?” kalmadong tanong ni Kenj sa mga bata na animo’y walang nangyaring sagutan sa pagitan namin kanina sa labas ng restaurant.
Narito na kami ngayon sa rest house kung saan kami namamalagi.
Pumayag akong sumama si Kenj dito pagkatapos naming mag-usap ng masinsinan at dahil na rin sa kahilingan ng mga bata.
Alam kong sobrang na-miss nila ang kanilang ama kahit hindi nila ito hinahanap sa akin sa panahon na lumayo kami sa piling ni Kenj at nagsimula ng bagong buhay dito sa malayo at liblib na probinsya.
Akala ko ay hindi na kami kayang matunton dito ni Kenj ngunit nagkamali ako.
Nakalimutan kong isa pala siyang makapangyarihan na tao kaya kahit anong naisin niya ay kanyang makakamit. Napabuntong hininga na lamang ako sa aking naisip.
“Yes, daddy! I really like the clover bracelet. It looks so elegant and also, we are so happy to see you again. Look, I already wore the bracelet,” bibong tugon ni Bri at masayang ipinakita sa ama ang kanyang suot na bracelet.
“How about you, son? Why are you so quiet? Don’t you like me being around?” tanong naman ni Kenj sa tahimik na si Yaj.
Kanina ko na rin siya napapansin na tahimik.
Hindi siya nagsasalita o nakikipag-usap kahit kanino magmula ng matapos ang kanilang birthday celebration.
“Nothing, just don’t mind me. Mom, can I go to my room now? I am a little bit tired so I want to rest already.” Napakunot naman ang aking noo dahil sa sinabi ng aking anak.
Bakit naman bigla na lang nagbago ang mood ni Yaj kung kailan wala na rito sina Trish at Benedict dahil nagpaalam sila sa akin na hindi na raw sila sasama pauwi rito para magkaroon kami ng oras ng buong pamilya.
“What’s wrong, baby? Ayaw mo bang kausapin ang daddy mo habang narito pa siya?"
"Napagod ka ba sa birthday celebration nyo kanina kaya gusto mo nang magpahinga sa kwarto mo?” sunod-sunod kong tanong sa aking anak dahil ako ay nag-aalala sa biglaang pagbabago ng kanyang mood.
Ang akala ko kanina ay okay lang sa kanilang pareho ni Bri ang pagdating ng kanilang daddy dahil masaya naman nila itong sinalubong kanina.
“I’m sorry, mom but I just can’t forget what dad did to us. He chose to marry another woman and abandoned us. I though he loves you and also Bri and I but I was wrong."
"I am happy to see him but I still can’t afford to spend a good time with him because of what he did,” matigas na pag-amin ni Yaj at matalim na tinignan ang ama.
Pareho naman kaming nabigla ni Kenj sa kanyang inasta dahil hindi namin akalain na sa mura niyang edad ay kaya na niyang magtanim ng sama ng loob sa kanyang ama na para bang hindi na siya bata para maintindihan ang mga pangyayari sa kanyang paligid.
“Huwag kang magsalita ng ganyan sa iyong daddy. Narito siya para makita at makasama kayo sa araw ng inyong birthday."
"He is still your daddy so you need to understand and try to forgive him. Can you do that, baby?” mahinahon na tanong ko sa aking anak ngunit tiningnan lamang niya ako ng walang emosyon na lumalabas sa kanyang mga abong mata.
Kaya naman hindi ko mawari kung galit rin ba siya sa akin dahil parang lumalabas na kinakampihan ko ang kanilang ama sa kabila ng ginawa niya sa amin.
“I’m sorry for what I did, son. I know I have hurt you both as well as your mommy. But we have already talked that I will still bear the responsibility as your father."
"That is why, I will visit you here more often so that I can spend time with you. Can you forgive daddy, hmm?” malambing na tanong ni Kenj sa anak habang hinahaplos nito ang kanyang buhok ngunit patuloy lamang na umiiwas si Yaj sa paghawak sa kanya ng ama.
“You always ask our forgiveness everytime you leave us but you just keep on repeating your mistakes and hurt us. This time I am not sure if I can forgive you again, dad.” matigas na tugon ni Yaj at tinitigan ng matalim ang ama.
Agad naman akong nag-alala at hinaplos ko ang kanyang kamay.
Lumapit sa akin si Bri at kumandong siya sa akin at nakita ko na parang naiiyak siya dahil sa nakikita niyang hindi pagkakaunawaan ng kanyang kapatid at ama.
Kami ay nasa living room at kasalukuyang nakaupo sa couch. Nasa isang couch lang kami ng mga bata habang si Kenj naman ay nasa kabilang couch na katapat namin.
“Stop it, Yaj. Hindi ko kayo pinalaki na matutong magtanim ng sama ng loob lalo na sa inyong ama."
"Anuman ang mangyari sa pagitan naming dalawa ay lagi ko kayong sinasabihan na huwag siyang kamuhian dahil kahit anong mangyari ay siya pa rin ang inyong ama. Nakalimutan mo na ba ang mga bilin ko ha anak?”
Agad kong sinaway ang aking anak dahil ayaw ko na matuto silang magtanim ng sama ng loob sa kahit kanino lalo na sa kanilang ama.
Ayaw ko silang lumaki na may kinikimkim na galit sa kanilang puso dahil alam ko na hindi magandang mabuhay na mayroon kang dinadamdam na mabigat sa iyong dibdib.
Hangga’t maaari gusto kong lumaki ang aking mga anak sa masayang paligid at ilayo sila sa kahit ano mang galit na maaaring mabuo sa kanilang puso nang sa gayon ay lumaki silang mabuting tao at lumaki sila sa tahimik at mapayapang kapaligiran.
“It’s fine, Shanbri. I truly understand where they are coming from. It’s all my fault kung bakit lumayo ang loob sa akin ng mga anak natin."
"I just want you to know that from now on, I will visit you here often whenever I have a free schedule. I hope you can understand my situation. I just got back the company so I really need to focus on managing it,” mahinahon na paliwanag ni Kenj sa mga anak.
Pagkatapos kasi namin na mag-usap ng masinsinan kanina ay napagdesisyunan namin pareho na gagampanan pa rin niya ang kanyang responsibilidad bilang ama ng kambal at pumayag rin ako na malaya niyang dalawin at makita ang mga anak namin.
Ngunit nilinaw naman niya na wala nang anuman ang dapat na mamagitan pa sa amin dahil siya ay kasal na kay Kate kaya mananatili na lang kaming magkaibigan para sa aming mga anak.
Ayos lang naman sa akin iyon. Mas mabuti na rin na magkaroon kami ng maayos na relasyon bilang magkaibigan upang nang sa gayon ay lumaki pa rin ang mga bata na kumpleto ang kanilang magulang kahit papaano.
“Maybe I can forgive you dad if you will file a divorce to your wife and go back to my mom."
"I can’t afford to see my mom being miserable in her life while you are enjoying yours with another woman.” Napanganga naman ako sa tinuran ng aking anak na si Yaj.
Hindi ko inaasahan na magagawang niyang hilingin ito sa ama.
Tinignan ko si Kenj at nakatingin rin pala siya sa akin ng seryoso.
Ngunit hindi ko mabatid kung anong tumatakbo sa kanyang isipan ngayon dahil wala kahit ano man na emosyon ang lumalabas sa kanyang kulay abong mata.
BINABASA MO ANG
Hiding The CEO's Twins(COMPLETED)
RomanceSi Shanbri ay isang simpleng babae lamang ngunit ang kanyang kasintahan na si Kenji Yael ay isang bilyonaryo na CEO. Sa kabila nito, mahal pa rin nila ang isa't isa nang walang kondisyon. Hanggang sa isang araw, nalaman ni Shanbri na si Kenji Yael...