UPDATE: 03.20.15
Chapter 14: "Panggap-panggap din pag may time"
Bago pa ako makaurong ng tuluyan, naramdaman ko ang mainit na kamay sa may baywang ko. Unti-unti akong hinapit hanggang sa maramdaman ko ang kanyang katawan.
Niligon ko sya at pinagmasdan ang itsura nya. Malinis ang pagkakasuklay ng kanyang buhok. Ang buhok na dati'y humaharang sa noo nya ay nasalugar na. Kitang-kita ang makinis nyang balat.
Hindi rin nya sinuot ang makapal na salamin nyang may grado. Ang singkit nyang mata at ang kanyang nag-iisang nunal sa ilalim ng kanyang mata ang dumagdag sa kakisigan ng kaanyuan nya ngayon.
Lin: R-Ram!?
Ram: haay, ganun na ba ako kagwapo at nautal ka!? Haha!
Nanatili kami sa ganong pwesto. Napaawang pa ang bibig ko nung pinagmasdan ko ang kasuotan nya.
Ram: so, nagkita na pala kayo ni Dan? I mean, Deil?
Nakangisi syang tumingin kay Dan pagkatapos ay tumingin sakin.
Ram: Sinong nagpaiyak sa baby ko?
Pagkatapos nun ay pinunasan nya ang luha ko.
Tae, umiyak nga pala ako.
Pero slight lang.
Teka, sinabi nya 'yung baby? Kumunot ang noo ko. Humilig sya sa may tenga ko at bumulong,
Ram: don't take it seriously Lin. Let's pretend that we are for a while. It feels good to avenge you.
Matapos nyang ibulong 'yun ay inilayo nya ang muka nya at kumindat.
Tsk, kailan pa sya natutong lumandi? Unti-unti kaming lumapit kay Dan. Inangat ni Ram ang kamay nya sa may balikat ko at inakbayan ako.
Ram: Hi Deil!? So, nameet mo na pala 'tong girlfriend ko? She's Polinda de los Santos de los Reyes. She's the sole heiress of de los Reyes firm. I bet you still know that firm!?
Tila hindi sya pinapakinggan ni Dan. Nakakunot ang noo nya, nag-iigting ang panga at nakatingin kung saan. Pinilit kong magkaroon ng blankong ekspresyon. Sinipat ko kung saan sya posibleng nakatingin. Mariin ang tingin nya sa kamay ni Ram na nakakapit sa balikat ko.
Erick: Anak!?
Lumapit sakin si Tatay. Inalis naman ni Ram ang pagkakaakbay sakin at binati si Tatay. Ipinakilala din ni Ram si Dan at nakipagkamay pa si Tatay. Sumenyas si Tatay kay Ram, tumango naman sya. Wari ko'y mag-uusap pa sila ni Dan.
Erick: Ang gandang lalake naman ni Ramuel ngayon ah? Kung ako tatanungin, bagay kayo 'nak.
Tumitig pa sya sakin ng makahulugan.
Erick: Sya ba 'yung old friend na sinasabi ng Kuya mo!? Yung Deil na 'yun!?
Tango lang ang tinugon ko. Tumango-tango din si Tatay.
Erick: Marami akong sasabihin sayo 'nak.
Nakarating kami sa bakanteng table. Inusod pa ni tatay ng bahagya ang upuan ko para makaupo ako ng maayos.
Erick: 'nak!? Ayos lang ba pakiramdam mo!?
Lin: opo.
Erick: nakausap ko 'yung abugado ng mga kumupkop sayo. Pumunta sila sa bahay nung nakaraan. Di naman kita matyempuhan dahil nandun ka sa bahay mo.
May waiter na lumapit. Sinabi nya naman ang gusto nya, tinanong nya din ako pero umiling nalang ako.
Erick: nasa last will and testament ng foster parents mo na sayo mapupunta ang lahat ng properties nila kapag namayapa na sila. Lahat ng shares at assets ay mapupunta sa pangalan mo as well as the position, kung gugustuhin mo man 'yung posisyon na 'yon sa company.
Hindi ko masyadong makuha ang sinasabi ni Tatay, pero kunyare naiintindihan ko.
Erick: at 'yung kapatid nung foster father mo, ipinangalan sayo lahat ng properties nya. Sabi dun sa will ni Mr. Roberto de los Reyes he was very guilty, dahil hindi nya natulungan ang pamangkin nya. He hated you Lin at first dahil itinanim nya sa isip nya na mula ng dumating ka, minalas ang kapatid nya na si Mr. Rolando de los Reyes. He regret it, pinagsisihan nya na daw lahat. Wala syang anak dahil impotent sya. Pinaimbestigahan nya ang naging buhay mo after ng accident, he thought you deserve everything. Every pain, every agony and sadness. After five years of despising you, he realized that he was wrong all along. He was very wrong. He grew weak and frail as the time goes by. Inisip nya rin na mag apologize dahil hinayaan ka nyang mabuhay mag-isa, kahit napakabata mo pa. Instead of having a good life with you, he chose to be alone and hate you.
Nagpakawala ng buntong hininga si Tatay.
Erick: He died last wednesday. Sabi nung doctor na nakausap nya bago sya bawian ng buhay ay sana mapatawad mo sya. He kept on saying his sorry. Kahit wala ka dun. So 'nak, mapapatawad mo ba si Tito Robert mo!? I already talked to Rosalinda, narelay ko sa kanya lahat ng tungkol sa will. She said he begged for Robert's help nung nangangailangan sya para sayo, but he refused to help and cut all his connections. Rosalinda said if she was on your shoes she would throw everything and never forgive such evil.
Gusto kong umiyak, sya kasi 'yung tyuhin ko na halos mandiri kapag nakikita ako dahil ampon lang ako. Wala syang bukambibig kundi ang kamalasang dala-dala ko. Pero, sa kabilang banda, naiintindihan ko sya.
Lin: i'll forgive him.
Erick: she thought so too. You always make me proud.
Niyakap ako ni Tatay at hinalikan ako sa may sentido.
Erick: hmm, 'nak. Mas mayaman ka na kay Tatay. Sa pinagsamang assets ng foster parents mo at ng tito mo, pwede ka nang humiga sa pera.
Napatawa pa ang tatay ko.
Lin: sa totoo lang tay, wala na 'kong mahihiling pa. Masaya na 'kong kasama kayo ni Kuya at tahimik tayong namumuhay. Hindi ko alam kung matutuwa akong humiga sa pera dahil ayoko ng amoy nun at sa tingin ko ay masakit din 'yun sa likod.
Lalo pang napahalakhak ang tatay ko.
Erick: haaay, ako na 'yata ang pinakamasayang tatay sa mundo.
--
Nagpaalam na muna si Tatay na may mga kakausaping tao. Nagpasya nalang akong hanapin 'yung mga kasama ko kanina dito, sina kuya, Dice at Spencer. Pero kanina pa ko palakad-lakad hindi ko parin sila mahagilap.
Tumambay ako sa may fountain. May nakatambay din dun na lalaki at wari ko'y kasing edad o mas matanda lang siguro sya ng kaunti kay tatay. Napalingon sya at ibinaling ang titig nya sakin.
"Miss? Perhaps you're Polinda? Am I right!?" Nanlalaki pa ang mata nya habang nagtatanong sakin.
Lin: s-sabi po ng nana--
"Sabi ng nanay mo, don't talk to strangers? Right!?" Humalakhak pa sya at nagsalita ulit. "I'm your pedia, and your family doctor as well. Grabe, ang laki mo na, parang kailan lang…"
Lin: sorry po, pero di ko po talaga kayo kilala.
"Ah, sorry din. I'm Dr. Wilhelm Florentino."
Lin: nasabi nyo po na pedia ko kayo!? Edi ibig sabihin po, kilala nyo 'yung foster parents ko!?
Wilhelm: yeah. It's been a long time since they passed away. So, how's your condition?
Lin: po!?
Wilhelm: I mean how a are you?
Lin: mabuti naman po.
Wilhelm: that's good. Seeing you again makes me remember my son.
Napailing nalang sya.
Wilhelm: take care of yourself. If you need me I'm just a call away. I want to check your health status, as well as your heart and the pacemaker.
BINABASA MO ANG
LOVE IS NOTHING
RandomNakabasa ka na ba ng Kakaibang Istorya? Kahindik Hindik? Pero hindi nakakatakot? Nakakatawa pero maiiyak ka? Magulo pero MAKAKARELATE ka!? Sundan natin ang Adventures ni Polinda este ISTORYA NI POLINDA! ANG BABAENG MAY MAHABANG PANGALAN KAKAIBANG KA...