Chapter XXXI: "BAKIT NAKAKATAMAD PUMASOK SA SCHOOL?"
Hello there mga tropareaders! Ako nga pala si Polinda Delos Santos Delos Reyes! Lin ang karaniwang tawag saakin.
Matapos ang maramdaming tagpo namin ng aking ama. Syempre balik paaralan na ang inyong bida.
Saan pa nga ba ako makikita? Edi dito, sa school canteen. Tambay sa mainit na lugar kasama ang isang mainit na kape at aklat.
Nakakamiss din pala yung ganitong buhay, tahimik, walang epal kaso, heto, mag-isa lang.
Pinipilit kong ilarawan sa utak ko ang sagot sa mga katanungan na pano kaya kung hindi sila dumating sa buhay ko, anu kayang mangyayari?
Napailing nalang ako habang hinihigop ang aking mainit na kape.
Gawain kong pumasok ng maaga para tumambay at magbasa ng libro. Ayoko kasi sa library, ang iingay kasi ng mga alalay nung librarian. Kung anu-ano lang naman ang pinagchichismisan.
Ang mga crush nilang hindi sila magawang pansinin, mga bagong gadgets, bagong boyfriend ni Jennylyn Mercado at tungkol sa mga sinisinta nila.
Marami rin namang ganyan dito sa canteen pero dahil mainit nga sa pwesto ko kaya walang nagtangkang tumabi.
Tamang basa na ulit ako ng libro nang may naaninag akong nilalang na umupo sa bakanteng upuan na katapat ko.
Lin: Hindi ako si Lin, ako ang 'yong konsensya. Mas mabuti pang lubayan mo ako kaysa panoorin mo ako ng parang paborito mong palabas sa telebisyon.
"Haha!? Huwag kang mag-alala, sanay na ako sa kakaganyan mo."
Lin: Pero ako? Hindi ako sanay. Unang una, nasisilaw ako sa liwanag mo. Pangalawa, kinikilabutan ako sayo at baka magkaroon nanaman ako ng delusyon.
Sino pa nga ba ang kausap ko? Ang walang kupas na si Espiritu ng Tulay.
Phil: Kaya ka nga kasi nagkakdganyan dahil crush mo ako.
Ibinaling ko nalang ang paningin ko sa binabasa kong aklat. Wala akong panahon na makipagtalo sa kanya. Medyo nadidistract ako dahil nasisilaw ako sa kanya.
Phil: alam mo ba?
Lin: Hindi pa.
Phil: Naging mas close pa sila Harvey at Zel.
Lin: Mabuti yon, anung gusto mong gawin ko? Iiyak ako?
Phil: Hindi ah. kaso parang iniiwasan ni Zel si Harvey eh.
Inilabas ko yung phone ko. Sineset ko yung alarm nito para malaman ko kung oras na ng klase ko.
Lin: Hindi dapat tayo makialam sa problema nila.
Phil: Nag-aalala lang naman ako sa kanila.
Isinarado ko ang aking aklat at huminga ng malalim.
Lin: Gusto mo bang tulungan sila?
Phil: Syempre naman.
Mukang stressed nadin si Espiritu ng Tulay.
Lin: Wala kasi akong alam sa mga nangyari eh.
Phil: Ganito nalang. Kausapin mo nalang si Zel tapos ako naman kakausap kay Harvey.
Lin: nakakatamad, pero susubukan ko. Basta ililibre mo ako ng 1pc chicken with mashed potato and butter corn.
Phil: date lang pala eh. Sure.
Sabog talaga 'to, pagpasensyahan nyo na.
Lin: Nand'on si Harvey sa quadrangle.
BINABASA MO ANG
LOVE IS NOTHING
RandomNakabasa ka na ba ng Kakaibang Istorya? Kahindik Hindik? Pero hindi nakakatakot? Nakakatawa pero maiiyak ka? Magulo pero MAKAKARELATE ka!? Sundan natin ang Adventures ni Polinda este ISTORYA NI POLINDA! ANG BABAENG MAY MAHABANG PANGALAN KAKAIBANG KA...