Chapter IX: "HINDI LAHAT NG NAKIKITA MO AY TAMA"
Sabi nila, kapag nakakita ka daw ng liwanag maaaring oras mo na.
Maaaring kunin ka na.
Maaari ding tapos na ang tungkulin mo dito sa mundo.
Maikli lang ang buhay.
Sa isang iglap, iiwan mo na lahat.
Sa isang iglap, habang panahon ka ng mahihimlay.
Sa isang iglap, nang-iwan ka na.
Lahat ng mga nagawa mo biglang magbabalik.
Lahat ng ala-ala, magpafasforward.
Lahat ng mga naramdaman mo, sabay-sabay mong mararanasan.
Sa napaka nakakasilaw na liwanag na aking nasaksihan, napapikit ako.
Malamang masakit sa mata.
Malamang, hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari…
Erlene: Lin!? Ano ka ba!? Nandyan na si Ma'am! Nako! Yari ka nanaman dun!
Napabalikwas ako.
Mabigat ang aking mga mata.
Wari ko'y kakagising ko lamang.
Kinusot ko ang aking mga mata.
Tama ba ang nakikita ko?
S-si Erlene!
Lin: b-bakit ka nandito!? Patay ka na diba?
Tinitigan nya 'ko ng masama. Kumunot pa ang noo nya.
Tumayo sya at pinagbigkis ang mga braso nya.
Ernele: nagsalita ang hindi!
Teka!?
Ako!?
P-patay na 'ko!?
Napalihis ang tingin ko. Hindi pwede 'to! Hindi pa 'ko pwedeng mamatay.
Erlene: oh!? Bakit parang ang lungkot mo dyan!?
Natural diba?
Sinung matutuwa kapag nalaman mong patay ka na!?
Sige! Gusto mong matuwa ako!? Kpayn magpapaparty ako. Ngayon din (ˋ︿ˊ)
Sasagutin ko palang sya ng may dumating na teacher.
Pati sa lugar na 'to may teacher?
Pambihira… (╰_╯)
Erlene: ma'am wait lang!?
Tumayo sya at hinawakan ang tyan nya.
Erlene: ma'am!? Ansakit po ng tyan ko!? Teka lang po.
Hinatak nya 'ko at tumakbo kami papalabas ng silid.
Tumigil kami sa pagtakbo.
Sabay pa kaming napahawak sa tuhod namin at naghabol ng hininga.
Napatingin pa kami sa isa't-isa at sabay pa kaming tumawa.
Erlene: Lin
Napatingin naman ako sa kanya.
Erlene: hindi ito ang langit. Isang lugar 'to para sa mga katulad ko na may kailangan pang asikasuhin.
Lin: eh? Bakit ako nandito? Anung ginagawa ko dito!?
BINABASA MO ANG
LOVE IS NOTHING
RandomNakabasa ka na ba ng Kakaibang Istorya? Kahindik Hindik? Pero hindi nakakatakot? Nakakatawa pero maiiyak ka? Magulo pero MAKAKARELATE ka!? Sundan natin ang Adventures ni Polinda este ISTORYA NI POLINDA! ANG BABAENG MAY MAHABANG PANGALAN KAKAIBANG KA...