Chapter IV: "MAS MATAGAL ANG COMMERCIAL KAYSA PALABAS" part 4
"Akin na 'yang santan. Inihulog ko 'yan para hindi ako maligaw. Pero dahil pinulot mo naman. Paano na ko makakauwi?"
Tanong ng batang babae na nasa harapan ko ngayon.
Ram: Delikado dito kaya umuwi ka na.
"Kung delikado dito, bakit ka nandito?"
Ram: Sinundan ko 'yung santan mo.
"Alam mo ba kung saan ang daan papauwi?"
Ram: oo, pero hintayin mo ko dito. May kakausapin lang ako sa loob.
"Liver!"
Ram: huh? Anung sinasabi mo dyan!?
"Ayun kasi yung nakasulat sa papel na hawak nung batang lalaki na medyo matangkad sayo. Ganyan din ang hawak nyang papel. Sabi nya babalikan nya ko pero, hanggang ngayon hindi pa sya lumalabas dyan. Natatakot na ko"
Ram: ito? Nagkakamali ka. Mga numbers at letters to.
"Marunong akong magdecode nyan. Ipakita mo sakin"
Ram: h-hindi pwede!
"Makinig ka, icancel mo lahat ng mga pare-parehong numbers at letters"
Ram: b-bakit?
"Kung sakaling magbago ang isip mo, balikan mo agad ako dito. Anung pangalan mo? Ako si Lilin!"
Tumango ako, lumingon-lingon muna ako habang papunta ako sa abandonadong building. Tinignan ko ang palara, tumigil ako sa paglalakad. Minarkahan ko ang mga titik at numero na pare-pareho gamit ang kuko ko. Nanlambot ang tuhod ko sa mga nalalabing titik na magkakasama. EY---EB---AL--LS.
EYEBALLS.
Nabitawan ko ang palara, tumakbo papalabas at hinanap ko ang batang babae ngunit wala na sya. Binilisan ko pa ang pagtakbo ng may narinig akong putok ng baril
*BANG!*
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko na dala narin ng takot. Nagpatuloy ako sa pagtakbo dahil narin sa pagnanais ko na makatakas. Nakaabot ako sa may kalsada at di ko na namalayan na may papadating na sasakyan.
*screech*
"RAM!?"
Iminulat ko ang aking mga mata, at nakita ko ang malabong muka ni Lin. Tila naipatong ko kung saan ang salamin ko.
Lin: Binabangungot ka, bakit ka umiiyak?
Niyakap nya ako. Naiyak na pala ako, di ko man lamang namalayan. Niyakap ko din sya pabalik at isiniksik ang muka ko sa may leeg nya.
Ram: N-naaalala ko na Lin. Naaalala ko na.
Lin: sssh. Patawarin mo ako kung nawala ako. Natagpuan na kasi ako nung foster father ko. Maniwala ka, pinahanap kita pero hindi ka na namin nakita. Hindi ko man nalaman ang pangalan mo, hindi ko naman makakalimutan ang maliit na nunal sa may ilalim ng mata mo.
Nanatili akong nakayakap sa kanya, at sya naman ay nagpatuloy sa pagtapik sa likod ko.
--
Lin: Pasok na tayo sa school?
Tango lang ang naging pagtugon ko sa kanya. Nahihiya kasi ako kapag naaalala ko 'yung naging itsura ko kanina. Mukang ewan lang.
Sumakay kami sa kotse nila. Big time sila eh, mayaman ang tunay na magulang ni Lin. Ako naman, nowhere to be found ang mga magulang ko.
BINABASA MO ANG
LOVE IS NOTHING
RandomNakabasa ka na ba ng Kakaibang Istorya? Kahindik Hindik? Pero hindi nakakatakot? Nakakatawa pero maiiyak ka? Magulo pero MAKAKARELATE ka!? Sundan natin ang Adventures ni Polinda este ISTORYA NI POLINDA! ANG BABAENG MAY MAHABANG PANGALAN KAKAIBANG KA...