Chapter I: "ANG KAPE AY NAKAKANERBYOS"
Ugh, ako nga pala si Lin. Ang tunay kong pangalan ay POLINDA DELOS SANTOS DE LOS REYES.
OH! Huwag mo ng ulitin dahil walang maidudulot na maganda sa'yo ang pangalan ko. At masasabi kong nag-aaksaya ka lang ng oras kung babasahin mo pa ang istorya ko, hindi ka kikiligin, pero sasama lang ang loob mo.
Huwag mo ring isipin na isa ito sa mga madramang istorya na napapanood mo sa T.V. Ano!? Anak ng tinapang boneless! Hindi rin ito istorya ng mga babaeng nag-aagawan sa iisang lalake! HINDI AKO CHEAP NO!? Huwag mong ikumpara ang buhay ko sa pantasya mo!
Ipapakita ko sa'yo kung ano ba talaga ang buhay ng isang pinoy na kolehiyala. Hindi ko inakap ang kultura ng mga kano! Mga Hapon at Koreano, maaari pa!
At kahit kailan, hindi pa ako nagkaboyfriend! Hindi ako kagaya ng mga masasamang impluwensyang mga kabataan na napapanood mo sa TV na wala pa sa tamang edad ay lumalandi na.
PiBiBi TEENS? Hindi ko kailangang makiuso. Isa lang akong tamad (BAD) na estudyanteng pumapasa sa mga pagsusulit dahil mga tamad din naman ang mga GURO KO (mas bad!).
Namumuhay ako na punong-puno ng sama nang loob sa mundo. Mapait! Tama! Mapait! May lahi kami ng sakit na Diabetes kaya mapait.
Mahilig ako sa mapapait, #1 fan ako ng KAPE! Halos limang beses sa isang araw ako kung magkape. At ang resulta, tinubuan ako nang maraming tighawat sa muka dahil hindi ako makatulog ng maayos.
Wala akong pakeelam kung pangit ako. Hindi ako yung tipo nang tao na papatol sa mga nilalang na may utak na kasing laki lang nang utak ng manok! At kahit ipinaganak sila para kutyain ako "WAPAKELS" hindi ako nabuhay para pakinggan ang mga salita nilang puno nang maduming hangin.
Masyado nang mahaba ang introduction ko. OO na! Magkukwento na ko.
Isang araw, nakatambay ako sa school canteen. Hawak-hawak ang binabasa kong aklat na "White Fang" ang pamagat. Sabay dukot ko sa aking pitaka na may lamang trenta pesos.
Kumuha ako ng limang piso pambili nang instant coffee. Inihulog ko ang limang piso sa coffee machine at pinili ko ang "BLACK" (hehe) Sabay upo mag- isa sa bakanteng table sa canteen.
Walang umuupo doon sa may pwesto ko, dahil bukod sa maiinit ay d'on ako nakapwesto. Habang nasa kasarapan nang pag inom ng kape, bigla akong tinawag ni Zel.
"Hey Lin!"
Parang HenLiin ang dinig ko. Isang sikat na tindahan ng siomai, siopao at mami.
"Teka? hindi pa pangalan ng kainan yon?" tanong ko.
"Hahahaha oo nga!" sagot nya.
"Polinda Delos Santos Delos Reyes, yun nalang ang itawag mo." sabi ko. Sari-sari na kasi ang tinatawag nya sa akin.
"Eh? Ang haba naman kasi." sabi nya, habang sinisikop ang buhok sa kanyang tainga.
Nagbuntong hininga ako. Hindi ko alam kung kailan ba ako mauunawan ng taong 'to. "Hindi mo ba alam na labing limang taon ko nang tinitiis na isulat ang aking pangalan ha? Krizelda Almeda?" Sayang naman effort ng parents ko sa pagbibigay ng pangalan sa'kin kung babalewalain nya lang.
"Hay naku, Zel nalang." She crossed her arms. Ayaw nyang umupo nakatayo lang sya sa may gilid ko.
Umiling naman ako. "Bakit? Kapag natapos mo na ba ang kurso mo ay Zel lang ang isusulat mong pangalan sa CV mo?"
"What!? Common sense!" Nakangisi nyang sagot sa'kin.
"Kung common sense ang pag-uusapan, sa argumentong ito, ako ang panalo." saad ko.
"Okay fine, teka? Anu ba yang binabasa mo?
"Libro" Alangan namang kaserola diba? Psh.
"Ehem, anung title?" Tanong nya.
"White Fang"
"Hindi ko alam yan. Hmm, dapat hindi yan ang mga binabasa mo, dapat yung inspiring! Iyong parang..." tila may kinakausap syang maligno sa parang kaya naman, pinutol ko ang pagsasalita nya.
"Bakit hindi ikaw ang magbasa? Puro ilusyon lang naman ang gusto mong mabasa hindi ba? Hindi ako interesado d'on."
"Hay nako." Nagbuntong hininga sya na tila suko na sa usapan namin.
"Uwaaaaaaaaaaaaaaaah si Harvey si Harvey!" Tili na nya na parang iniipit na ipis.
"Ha!? Anong mabigat ang sinasabi mo d'yan?"HEAVY DAW!? HEAVY? Nabingi na yata ako dahil sa pagtili nya.
"Ang corny huh?" Sabay pag-irap sa akin. "Ayooooon! Iyong sinasabi ko yung gwapo.." May pagturo sya gamit ang kanyang mga daliri kung saan, ngunit hindi ko na inalintana.
Exciting na ang nagaganap sa binabasa ko. Kinalabit nya naman ako.
"Huh? Ano nga ulit?" Tinignan ko sya saglit at itinuon ulit ang aking paningin sa aking binabasa.
"Hay nakooo, ano ba 'tong taong to? Heto oh."
Pinakita pa ang picture n'ong tinutukoy nya na nasa cp nya. Tinignan ko naman. Psh, wala pa 'to sa muta ng kapatid ko. Wala syang taste pag dating sa mga lalaki. Eh, muka pa ngang binabae 'to. Kulay mais pa ang buhok, pa-famous siguro 'to.
"Anung gwapo dyan?" Walang ekspresyon na tanong ko sa kanya.
"Ang cute kaya." pinaatulis nya pa ng nguso nya na tila batang inaaway.
"Ang gwapo lang sa paningin ko ay ang tatay ko, at ang kapatid ko." saad ko.
"Well, bumubilis ang tibok ng puso ko kapag nakikita ko sya! OMG para syang prinsipe. Si Prince Charming sa fairy tales?"
Bumibilis ang tibok ng puso nya? Malamang adik din 'to sa kape. Teka, sino nga ba 'yung kilala kong Prince Charming? Ah, haha! Naaalala ko na!
"Tama ka..."
"Yes, sumang ayon din sawakas." pagdiriwang nya.
"Yung Prince Charming sa SHREK!! Tama yun nga! Parang bading kasi 'yon diba? Tapos lagi pang umaasa sa nanay nyang diwata pero mataba. Bonjing yata 'yun eh." sabi ko
"Hay nakooooooooo basta! Crush ko sya!" Giit nya.
"Hay nako, hay naku hay nakooo......." Panggagaya ko sa paraan ng pagsasalita nya. "Ilang ulit mo pa bang sasabihin ang mga salitang 'yan? Hindi ba sabi mo kanina na bumibilis ang tibok ng puso mo? Malma na 'yan. Isa lang ibig sabihin nyan.."
"IN-LOVE ako? I know right! Oh my gosh! Aamin na ba ako? Magpapaganda pa ba ako para mapansin nya? HAHAHAHAHAHA I'm so great and gorgeous! Am I right Lin?"
Napabuntong hininga nalang ako at napailing. Pambihira talaga ang mga tao ngayon. Hindi porket bumilis ang tibok ng puso mo at nagkaroon ng kakaibang pintig eh ibig sabihin, inlove ka na, masyado ka kasing assuming akala mo pag-ibig 'yun pala...NERBYOS LANG YAN...
"Nerbyos lang 'yan"
================
-SSPINKNOW XOXO <3
BINABASA MO ANG
LOVE IS NOTHING
RandomNakabasa ka na ba ng Kakaibang Istorya? Kahindik Hindik? Pero hindi nakakatakot? Nakakatawa pero maiiyak ka? Magulo pero MAKAKARELATE ka!? Sundan natin ang Adventures ni Polinda este ISTORYA NI POLINDA! ANG BABAENG MAY MAHABANG PANGALAN KAKAIBANG KA...