LIN2: II

129 11 0
                                    

Chapter II: "MAS MATAGAL ANG COMMERCIAL KAYSA PALABAS" part 2

The Past Chronicles----> RAMUEL FLORES STORY

Hindi pa man natatapos ang bangayan ng SpenLin (Spencer at Lin) umalis saglit si Dicezel.

Kapag nandito kami sa canteen, kami lang ang natitirang tao. Ayaw kasi ni Dicezel ng maingay. Gusto nya sya lang, o kaya ang SpenLin Pinapalayas lang naman nya yung mga kumakain dito kaya yung mga students, kung saan-saan nalang lumulugar. Siraulo talaga.

Spencer: Choco na Gatas

Lin: Gatas na Choco

Spencer: Choco na Gatas

Lin: Gatas na Choco

Ram: Lin, kumain ka muna. Ito na 'yung kape mo.

Walang sabing umupo at nilantakan ni Lin ang pagkain na binili ko sa kanya. Ganun din naman ang ginawa ni Kapre.

fastforward

Sabay kaming umuwi ni Lin. Nauuna kasi syang umawas kaysa sakin, kaya iniintay nya ako.

Tamang lakad na kami sa may kanto. May kotse naman ako pero syempre, as a secret agent kailangan solid ang cover at get up.

Lin: Naaalala mo pa ba kung saan tayo unang magkita?

Natigilan ako. Napaisip. Napatanong, kailan nga ba at saan? Tumingin ako sa kanya na patuloy pading naglalakad. Nagulat ako sa paglingon nya.

Lin: Hindi mo na tanda no?

Napailing ako, di ko makakalimutan 'yun!

Ram: Hindi no!

flashback 7 years ago..

"Ang yabang mo! Di ka naman maganda!"

"Lumaban ka! Puro ka lang pala satsat!?"

"Ayokong pumatol sa mga taong mabababa ang uri"

"Aba! sasagot ka pa!?"

Narinig kong angas ng mga babae. Marahil, may kinakawawa nanaman sila. Napailing nalang ako at dumungaw sa kawalan.

*Bogsh*

"Ano ha!? Sige! Sipain nyo yan! Mayabang eh"

"Girl? Eh lampa naman to! Hindi lumalaban!"

Nabulahaw ako sa sigaw nung mga babae kaya naman, lumapit ako para mas makita ang senaryo. Marami narin naman ang nanonood.

Napamura nalang ako. Anak ng patolang ginisa! Si Polinda Delos Santos Delos Reyes pala 'yung pinagtutulungan. Tinulak ko 'yung isa sa mga panget kaya nagsubasob sya sa sahig. Yung isa kinuwelyuhan ko.

Ram: Article 4. Sec. 2 of Public Highschool Rights in Jocson School or the Anti-bullying Act of 2000. No one should harm nor cause injury to any students of Jocson School. Anyone who'll do such thing will receive severe punishment or expulsion on this institution. Thus--

Di pa ko tapos magsalita ng maramdaman kong nakakapit sya sa braso ko at umiling.

Lin: Bitiwan mo sya.

Marahan lang ang pagkakasabi nya, bukod sa dugong tumatagas sa ulo nya, black-eye sa kanang mata, putok na gilid ng labi at sandamak-mak na pasa. Nag automatic ang kamay ko na bitawan 'yung babaeng kinuwelyuhan ko and she smirked.

Lin: Ganyan nga, huwag kang hahawak ng basura.

Nanlaki ang mata ko, at agad nagsisuguran ulit 'yung mga babae sa kanya.

LOVE IS NOTHINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon