Christmas Special-----> "Kapag patay ang ilaw, WALA SILANG IBIBIGAY NA BARYA"
sspinknow
Maligayang pasko! At Masaganang Bagong taon nga pala sa inyo, nanggaling ako sa malayong lugar kaya late ang pag publish ng mga notes ko. hehehe pero sinikap ko padin! haha. Ito po ang inyong siraulong lingkod sspinknow.
Lin: kailan ka pa nagkaroon ng segment ha? panira ka ng introduction e..tapusin mo nalang ang trabaho mo kundi ikaw ang tatapusin ko,nahahayblood ako sayo eh, este. NINENERBYOS..
Ehem ehem, bago ko upakan si author, gusto ko lang munang magpakilala sa inyo ng ayos, ako nga pala si POLINDA DELOS SANTOS DELOS REYES!!
HAPPY CHRISTMAS and Merry new year. Nakakaumay na kasi ang natural na pagbati, siguradong bumabaha nanaman ng alak sa kalsada at nag uumapaw ang mga pagkain sa hapag kainan...
Tipikal na pagdedescribe ko sa araw ng kapaskohan. Nagkakapalan nanaman ang mga bulsa ng mga bata--at may mga nagtatago namang Ninong at Ninang.
Speaking of tago? Bakit namamatay ang mga ilaw ng mga kapit bahay ko kapag may nangangarolling? tyempuhan lang ba? Na biglang dumidilim sa paligid?
Napansin ko lang dahil kapag dumudungaw ako sa bintana para tignan ang mga kumakanta, Napansin ko na ang bahay ko ang pinaka maliwanag..
Dumaan pa ang ilang gabi, araw araw, mayroong nangangarolling..pero, tila naputulan ng kuryrnte ang mga kapitbahay ko, ang inipon kong barya na pinagbentahan ko ng bote ng mantika kay mang pido ay naubos na rin..
Nalaman ko nalang na, mas sinisipag silang patayin ang kanilang mga ilaw, kaysa magsabi ng "TAWAD". haaaaay, nakakatawa na nakakaasar isipin na ganun na talaga ang diwa ng kapaskohan. Para sayo? ano nga ba ang pasko?
AKO? Bakit ibabalik mo sakin ang tanong? Ipagpatuloy mo nalang ang pagbabasa para malaman mo kung ano nga ba talaga.
December 25, 20** ikapitong pasko na wala sa piling ng pamilya ko, ika dalwang pasko na nilisan ako ng nag aalaga saking si ate Rosalinda.
Nag abroad na sya para daw matustusan kaming mga ampon nya, dahil ang ang dalawang kasama ko ay nag asawa na.
Nakakaramdam din naman ako ng lungkot ngayong pasko, pero kailangan kong maging masaya. Sanay na naman ako ng nag iisa..
December 22, 20** ng lamunin nang apoy ang buong compound namin, na sa kasawiang palad ako lang ang nakaligtas..Ano ba tong tumutulo sa mga mata ko?
Ang love is nothing ay hindi dapat ganito kadrama! Kailangan kong mag isip ng patawa para hindi sila mabored!! teka may nangangarolling?
Pero, SINO NAMAN YUNG SIRAULONG NANGANGAROLLING GAMIT ANG KANTANG HAPPY BIRTHDAY??
Klein: Happy birthday to me, Happy Birthday to you, Happy birthday Happy Birthday, Happy birthday to you and me.
Lin: SIRAULO!! TAWAD
Klein: haha! sa ayaw at gusto mo papasok ako sa bahay mo..
Lin: SIRAULO KA---SIRAULO KA!!
Klein: Oh bakit ka naiyak? Loko ka talaga
Lin: Siraulo ka. (singhot) Happy birthday HUNTER
Klein: Happy birthday Dada.
Lin: pasok ka na dali.
Klein: teka marami akong dalang pagkain, ang payat payat mo na, antaba taba mo nung hayskul ee. Nasa'n si Ate Rosalinda?
BINABASA MO ANG
LOVE IS NOTHING
RandomNakabasa ka na ba ng Kakaibang Istorya? Kahindik Hindik? Pero hindi nakakatakot? Nakakatawa pero maiiyak ka? Magulo pero MAKAKARELATE ka!? Sundan natin ang Adventures ni Polinda este ISTORYA NI POLINDA! ANG BABAENG MAY MAHABANG PANGALAN KAKAIBANG KA...