Chapter V: "ANG SCHOOL PLAY AY HINDI ISANG LARO"
MAGANDANG ALON!! MAGANDANG ARAW!! Ako nga pala si POLINDA DELOS SANTOS DELOS REYES. LIN for short.
"Well, well, well, balon, balon, balon!! Hinagisan kita ng piso! At tuparin mo ang aking hiling!! Nais kong MAMATAY na sya!! Ngayon na! Daliiiiiiiiiiiiiii!! hahahHahahahaha!!!"
Ehem, nandyan na nga pala kayo. Nagsasaulo ako ngayon ng audition script. Para sa school play namin. Teka? Naranasan mo na bang mag PLAY?
Yung tipong tamad na tamad kang sumali pero kailangan? Siguro sa mga nangangarap na maging artista, nakakaenjoy ang maging bida! Bukod sa mahabang exposure, nasayo ang simpatya ng mga manonood.
Ganon din sa mga kontrabida na gustong agawin ang spotlight ng bida. kahit ang OA na! At dahil nag aagawan sila sa attensyon ng tao, ang mga extra ay paeasy easy lang. Bukod sa maikling script at eksena, hindi na nila kailangang mangibabaw sa play.
Pero sabi naman sa isang palabas sa T.V. "Kayo ang laging bida!" Marahil, tayo nga ang bida. Dahil sa araw-araw na nabubuhay tayo. Hindi natin maiiwasan ang simpleng pag arte lalo na kapag naipit na tayo sa sitwasyon.
Heto ang mga halimbawa ng mga eksena sa ating buhay: Katatapos mo palang sa gawain mo sa bahay tapos uutusan ka na ng nanay mo. Ang madalas na pag arteng ginagawa sa sitwasyon na ito ay ang paghimas sa likod at sabay sabing "Aw, ang sakit ng likod ko awwwwwwwwww..sumakit nadin ang ulo ko..Pahinga muna ako Nay?"Syempre kung maawain ang nanay mo, swerte ka.
Isa pang sitwasyon sa school.Nakalimutan mong may assignment ka at nasabi mo nalang "Shit..Tangena.. Punyeta...Mam? Nakalimutan ko po assignment ko sa bahay! Ma'am pramis...ginawa ko po talaga yun" Sabay exagerrations ng lahat ng galaw para kapanipaniwala.
Minsan, ang mga kaartehan natin ay epektibo, meron din namang sablay at nakakaasar na..pero sa lahat ng ito, masasabi kong mahirap talaga ang pag arte.
Sabi nga ni Shakespeare "All the world's a stage and men are merely players".
Lahat tayo mga artista. Hindi nga lang tayo sikat. At isipin mo man na ikaw ang bida may mag iisip parin na ikaw ang kontrabida.
Umaarte tayo ng walang script, walang camera, pero ang sarili natin ang direktor. Walang nagsasabi sayo na umiyak ka, pero may mga pagkakataon na naiiyak nalang tayo. At sa mga oras na kahit gabundok Apo ang ating problema, nakukuha pa nating ngumiti.
Ang karaniwang simbolo ng PLAY ay dalawang maskara. Ang nakangiti at nakasimangot na imahe. Ngunit, bakit nga ba maskara? Bakit hindi muka ng tao ang simbolo? Kung ang mga TAO din naman ang gumaganap dito?
Siguro nga simple lang ang dahilan. Sa bawat pagluha at pagtawa ng artista, Iba rin ang pagluha at pagtawa nya sa totoong buhay..
Isang araw nanaman ang nakalipas at ako ay papasok na sa school. Habang naglalakad ako sa may tulay, nakita ko ang isang lalake.
Sya yata ang espiritu ng tulay, masyado syang maliwanag sa unang tingin..
Eheeeeem...
Nagwapuhan lng siguro ako..
Nagulat ako, dahil mukang nagtatangka syang tumalon sa tulay.
"ESPIRITU NG TULAY!! WAG KANG TATALON!! UTANG NA LOOB!!"
"Shut up!! You don't know anything."
"Totoo ang mga espiritu? Napansin ko nga na parang humaba ang tulay!?" Tikbalang? Is that you? Tanong
"What are you talking about? pissed off!"
"Magpapakamatay ka ba?"
"So? ano naman sayo?"
"Huwag! wag mong gagawin yan."
"Wala namang masasayang kung gagawin ko to."
"Meron!! wag kang tatalon!! maawa ka, sayang yung TULAY! ESTE YUNG BUHAY!! TAMA YUNG BUHAY MO!!"
"I don't really care. Wala na namang nagmamahal sakin eh, lahat nalang ng minamahal ko, iniiwan ako.."
Nakita ko ang itim na pananda sa damit nya.
"Yan naman ang linya nyo. Hindi porket may nawala sa inyo. Hindi ibig sabihin n'on na wala ng darating sa inyo. Pero, kung marunong ka lang maghintay, malay mo, dumating yung taong masasabi mo na hindi ka iiwan. Hmm, wala ka bang kaibigan? Tignan mo nga itsura mo, ano sa tingin mo ang mararamdaman nila kapag nakita ka?"
"Wala na 'kong reason para mabuhay. Wala rin akong kaibigan dito."
"Wow! Parang narinig ko na yan sa mga telenobela! Alam mo ba kung bakit buhay ka pa? Palagay ko hindi. May mga tao sa mundo na gusto pang mabuhay pero ikaw? haaaay, alam mo ba? nagkaganyan din ako. Dahil iniwan ako ng mga taong mahalaga sakin, parang gusto ko silang sundan kung nasan man sila.
"Huwag kang magsalita na parang alam mo. Kung gaano kasakit, wala kang alam sakin."
"Wala ka rin namang alam sakin diba? Patas lang tayo. Ang problema lang sayo, nung naglalakad ka ang lupa lang ang tinitignan mo. Kaya nung nadapa ka, nagpatuloy ka sa pagyuko para hindi ka na madapa ulit. Kung itutuloy mo yan, pinatunayan mo lang sakin na isa kang duwag! Hindi mo ba alam na kapag nakayuko ka ang makikita mo lang ay lupa at ang iyong anino. Subukan mong tumingin sa taas. Ang mundo ay maliwanag at maganda. Kung nandito lang ang mahal mo sa buhay sa tingin ko kukutusan ka nila. Dahil kung mahal ka nila nasasaktan sila kung makikita ka nilang nagkakaganyan..
Bigla syang naglakad papalayo sa bingit ng tulay, tinalikuran nya ko at marahil naisip na nya na tigilan ang pagpapakamatay.
"Oi? Ok ka na ba? Naisip mo na ba na para kang SIRAULO kanina?"
Nung mga oras na nakatalikod sya, pinupunasan nya pla ang mga luha nya.
"NO!"
Lumapit sya sakin at niyakap nya ko! OmayGAAAAAAAAAAD!?
" Teka? Harassment to.."
"Saglit lang, stay calm."
Well, umiiyak parin pala sya, hindi ko makita ang muka nya, nakayakap kasi sya sakin. Pero parang unti-unting bumalik sakin ang nakaraan ko. Ang panahon na wala akong sandigan para magpatuloy.
"Marami na kong nakita na lalaking umiiyak pero lalaki kasi ang mga katropa ko, pero hanga ako sa kanila."
Bumitaw din sya sawakas, feeling close 'to.
"Sorry."
"Ah, ok lang 'yon, Alis na ko ha."
"One more thing....... I THINK I LIKE YOU"
"Ahahaha. Sira na talaga ang ulo mo, sa tingin ko dapat sa mental ka na dumiretso. MALMA na yan. Ah sige pakamatay ka na, hindi na kita pipigilan. Ayan may paparating ng truck, salubungin mo na..
"HAhahahahahahh, we'll meet again.."
"Yes!! IN HEAVEN!!"
==========
THANKS FOR READING!
PM FOR DEDICATIONS/QUESTIONS
XOXO <3
-SSPINKNOW
=================
BINABASA MO ANG
LOVE IS NOTHING
RandomNakabasa ka na ba ng Kakaibang Istorya? Kahindik Hindik? Pero hindi nakakatakot? Nakakatawa pero maiiyak ka? Magulo pero MAKAKARELATE ka!? Sundan natin ang Adventures ni Polinda este ISTORYA NI POLINDA! ANG BABAENG MAY MAHABANG PANGALAN KAKAIBANG KA...