LIN2: XXII

26 5 0
                                    

UPDATE: OCT. 15. 15

CHAPTER 22: "THE GHOST OF YOU"

"Ma'am Lin, may naghahanap po sa inyo sa ibaba. Allen daw po ang pangalan."

Muntikan na 'kong mahulog sa kinauupuan ko. Si Allen? Sya lang naman ang Allen na kilala ko. Ang kapatid ko na namatay sa sunog.

Lin: Inday, hindi ako nakikipagbiruan sa'yo.

Kumunot ang noo nya. Hawak nya parin ang door knob, ang isang kamay nya ay pinangkamot nya sa kanyang leeg.

Inday: eh Ma'am Lin. Truelalu po 'yung binera kik sa inyours! Infairness ma'am ang papalicious ng mga nanliligaw sa inyo huh? Omegerd I tenk em steppeng en yer heyr!!

Napahawak nalang ako sa aking sentido. Wala pang dalwampung taong gulang ang kaharap ko. Kapatid ito ng dati naninilbihan sakin.

Lin: aish, sige. Saglit lang...

Naghilamos ako ng muka, pakiramdam ko kasi nawalan na ito ng kulay. Kanina pa kasi ako nag-iisip para sa aking talumpati.

Nalaman 'ko kasi na isa ako sa mga suma cum laude.

Nag suot ako ng maluwang na t-shirt at board shorts. Ganito kasi ang pinakakomportable sa'kin na kasuotan.

Bumaba ako sa hagdan at dumiretso sa living room. Bakit kasi sobrang laki ng bahay namin? Nangangawit ako sa paglalakad.

Inday: ma'am ayan si papabells oh. Pagbinasted nyo po akin nalang ha?

Ngiting-ngiti pa si Inday. Nilagpasan ko nalang sya at nakita ang ulo ng wari ko'y lalaki na tinutukoy ni Inday.

Nilagpasan ko ang sofa na inuupuan nya at umupo sa katapat nitong sofa.

Nang ibinaling ko ang aking paningin sa kanya ay nanlaki ang aking mga mata. Pakiramdam ko rin ay nawala ang lahat ng dugo ko sa katawan.

Si Allen! Ang kapatid kong si Allen!

Allen: ate Lin!

Agad syang tumayo at binalot ako ng kanyang bisig. Ramdam ko sa aking balikat ang luha nya.

Kinalas ko ang pagkakayakap nya sa'kin at inilayo sya ng bahagya. Tinitigan ko ang kanyang muka. Hinawakan ko pa ito upang tiyakin na hindi ako nananaginip.

Binata na si Allen, ngunit ang maamo nyang muka ay kabisado ko parin.

Lin: A-Allen?

Allen: ako nga ate.

Ngayon, binalot ko ang aking bisig sa kanya. May tumakas din na luha sa'king mga mata. Labis-labis na tuwa ang aking naramdaman. Buhay si Allen, ang aking kapatid. Ang kapatid ko sa tinuring 'kong pamilya.

Lin: ang gwapo mo parin.

Allen: mana lang sa'yo Ate.

Nagpunas ito ng luha, pinunasan nya rin ang akin. Marami akong gustong itanong, marami akong gustong malaman ngunit naisantabi 'ko nalang.

Lin: ipapakilala kila kayna Tatay at Kuya Erl. Sigurado ako na matutuwa rin sila.

Ngumiti naman sya at paulit-ulit na tumango.

Allen: ate...

Natigilan ako sa paraan ng pagtawag nya sa'kin.

Lin: bakit?

Iginaya nya akong umupo. Sya naman ay tumabi sakin at inipit sa'king tenga ang mga buhok na nakaharang sa muka ko.

Allen: hindi ko alam 'kung saan nakalibing sina Mama at Papa...si Kuya Alden ba? Nasaan na sya?

Lumihis ako ng tingin.

Allen: namatay din ba sya sa sunog?

Nagbuntong hininga nalang ako at kinuwento sa kanya ang lahat.

Niyakap nya ako.

Allen: I know your pain ate, nagkaroon ako ng trauma and temporary amnesia kaya hindi kita napuntahan kaagad.

Lin: k-kasalanan ko lahat...hindi dapat ako gumamit ng posporo.

Allen: shut it ate, walang may gusto sa nangyari. Wag mong sisihin ang sarili mo. I'm here now okay?

Sa kitchen kami nakatambay ngayon ni Lobo. Tinuturuan nya ko ngayon na magluto ng Cheezy Pesto.

Bakit ba ang hirap magluto pero ang daling kumain?

Dice: use tong to plate the pasta.

Tinuro nya sakin ang pap-plate ng pasta. Nakakagutom na nga ang amoy tapos nakakagutom pa ang itsura. Nasaan ang hustisya sa mga naglalaway na?

Dice: of course, Tito Erick will taste it first.

Lin: bakit si Tatay?

Dice: does it really matter?

Umiling nalang ako at tinawag si Tatay

Erick: naks, luto na!

Inikot ni Tatay ang tinidor sa pasta tapos nakatingin pa sya sa'kin habang kinakain nya.

Erick: ang sarap! Nak? Sabihin mo lang kung kailan mo papakasalan 'tong si Dicezel.

Umiiling-iling pa si Tatay. Si Lobo naman pasimple pang tumatawa.

Allen: ANG BANGOOO! Ano 'yan ate?

Sabay-sabay pa kaming napatingin kay Allen. Nakangisi sya habang nakatingin sa'kin.

Lin: ah, nagluto si Dice ng Cheezy
Pesto.

Erick: oh, hijo. Halika na dito at kumain. Masarap magluto itong si Dicezel.

Nakatingin naman sakin si Lobo habang nakakunot ang noo.

Lin: nga pala Dice, si Allen. Kapatid ko.

Nagkakilala na sina Allen at Tatay. Ang mga tropapips ko nalang ang kulang. Nakipagkamay naman si Allen kay Dice.

Allen: akala ko sya na si Kuya Ebe.

Lin: bakla 'yun. Wag mong alalahanin 'yun. Bigla nalang 'yong susulpot kapag trip nya.

Napansin ko ang seryosong itsura ni Dice. Ano kayang iniisip nya?

Pagkatapos naming kumain ay may tumawag sa cp ni Allen, kaya naman nagmadali syang umuwi. Pinahatid nalang sya ni Tatay.

Sakto namang pagkaalis ni Allen ang pagdating ni Kuya Erl. Naabutan nya pa kami ni Dice na nag-uusap.

Dice: May hindi ka pa sinasabi sa'kin?

Nakakatawa talaga magtagalog si Lobo. Pilipit, kaya madalas syang mag ingles.

Lin: ano nanaman?

Dice: was he really your brother?

Kilala na nya si Kuya Erl kaya si Allen malamang ang tinutukoy nya.

Lin: anak sya nung nag ampon sakin, bakit mo natanong?

Dice: I just had a bad feeling.

Tumaas ang kilay ko. Tumingin ako sa paligid. Wala na namang nakikinig sa'min kaya kaya ko nang sabihin sa kanya ang napag-usapan namin ng Tatay ni Hunter.

Lin: naaalala mo 'yung pagdalaw natin kay Kapreㅡ eh, kay Spencer?

Tumango naman sya.

Lin: nakita mo naman na kinausap ako nung lalaking siguro mas matanda kay Tatay ang edad.

Napakunot ang noo nya. Tila binabalikan nya ang mga pangyayari sa pagamutan.

Lin: 'yung lalaking 'yon ang tatay ni Kenken.

Dice: Spencer-ge's cousin?

Sa pagkakataong 'to ako naman ang tumango.

Lin: hindi ko talaga akalain na magkikita kami doon sa pagamutan.

Napapikit ako at inalala ang mga salitang lumabas sa bibig ni Sir Miguelito.

"The operation was successful. Yet, he's under vegetative stage."

LOVE IS NOTHINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon