Chapter IV:"ANG PAGLIMOT SA BAGAY NA HINDI MO MAKALIMUTAN, AY PARANG PAG ALALA SA BAGAY NA HINDI MO MAALALA"
Hi ebriwan! Ako nga pala si Lin short for tenteneneeeeeeeeeeeeeeeeeen, POLINDA DELOS SANTOS DELOS REYES!
Nakakatawa ba ang pangalan ko? Well, masaya na ko dahil napangiti kita. Hindi ako nakapagreklamo nung isinulat nila sa birth certificate ko ang mahabang pangalan na yan. Kahit subukan kong alalahanin ng paulit-ulit, ulit ulit (unli?) hindi ko parin alam.
Ano nga ba ang muwang ko ng mga oras na yon? Minsan, tinanong ko sa aking mga magulang kung bakit binigyan nila ako ng ganitong pangalan nginingitian lamang ako. Ano nga ba ang nasa likod ng ngiting ipinapakita nila?
Bakit may mga tao na hindi kayang sabihin ang katotohanan kahit ang pagsasabi ng totoo ang tamang gawin?
Habang ako'y patuloy na nabubuhay, iniisip ko parin ang bawat ala ala na ngiti lamang ang aking nakikita. At tuwing lumalabas ako ng aming bahay, palagi kong nakikita ang baliw na nakahiga sa may kalsada.
Sa araw araw ng pagbili ko ng pandesal tuwing umaga, panigurado may parte sya, ngunit tinatawanan nya lang ako imbis na magsabi sya ng pasasalamat.
Medyo natatakot ako sa kanyang itsura at nayayamot sa kanyang tumatambay sa ilong na amoy. Ngunit, simula ng naglakas loob akong kausapin sya, nalaman ko kung ano ang ibig sabihin ng bawat ngiti nya.
(FLASHBACK waksuuuuuuuungs!! First year highschool ako nito )
Noong uwian na namin, isang hapon sa aking buhay hayskul, umuwi akong marumi ang damit at may pasa sa aking labi.
Isang araw na dinanas ko nanaman ang kalupitan ng mga kamag-aral ko. Para akong blankong papel, walang pakiramdam at walang pakialam. Matapos ang trahedyang nangyari sa buhay ko.
Hindi na ako nasasaktan. Hindi ko narin alam kung magiging masaya pa ako. Habang umiikot ang mundo, hindi ko alam, kung bakit buhay pa ako.
Araw-araw akong nagtatanong kung bakit sakin pa nangyari ang ganito--patuloy parin ako sa paglalakad habang papunta sa aming bahay.
Napansin kong nakangiti ang isang baliw. Nang aasar ba sya? Napaka BITTER ko pero tinatawanan nya ako. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at sinubukan kong kausapin sya.
Tinabihan ko ang baliw na nakatambay sa tapat ng bahay.
"Alam mo, gusto kong magka AMNESIA!! Yung tipong pinanganak ka ulit? Yung walang ala alang makakasakit sayo? Haaaay, bakit nga ba ako nakikipag usap sa isang baliw?"
"Hindi ako baliw, ESTUPIDO!! Kung wala kang ala ala, PAANO KA MAGIGING MASAYA?" sabi nya.
"Ayos ka din kausap ah? May SENSE!"
Mahusay 'tong baliw na 'to!?
"Mas nagmumuka kang SIRAULO sa ibang tao, lalo na kapag ako ang kausap mo. Baliw ang tingin saakin ng mga tao."
"Astig! May explaination pa!"
"HIBANG!! Kakaiba na talaga ang mga kabataan ngayon."
"Ikaw ang kakaiba sa lahat ng BALIW!"
"TUNGAW!! Hindi ako BALIW!"
"Walang maniniwala sayo, lahat naman kasi ng baliw ganyan ang sinasabi kesyo hindi daw sila baliw, pero may kung anu-ano pang sinasabi."
"UTAK KULUGO!! Sabing hindi nga ako baliw!"
"Mas mabuti pa nga kung ako nalang yung naging baliw--kagaya mo. Kasi kapag baliw ka, maiintindihan ng mga tao ang mga kakaibang bagay na ginagawa mo. Iisipin lang nila na wala ka sa katinuan. Iisipin lang nila na di mo na alintana ang lahat."
"Binabati kita, isa ka nang laganap na baliw."
"Inamin mo na, pero ilang beses mo pa bang itatanggi na baliw ka?."
"Hangga't may kayang maniwala na hindi ako baliw."
"Ang labo mo naman!"
"Tandaan mo batang baliw, hindi lahat ng nakikita mo ay totoo, at hindi lahat ng akala mo ay mali."
"Ito, seryosong tanong. BALIW KA BA TALAGA?."
"Bata, ito naman ang tanong ko ano ang pinagkaiba ng BALIW sa pulubi at taong grasa?"
Halos pareho lang naman 'yun.
"Marami."
"Nanghuhusga tayong mga tao base sa nakikita ng ating mga mata, ngunit ang totoo... WALA TALAGA TAYONG ALAM!"
"Hmm, hindi parin kita maintindihan."
"Ganito lang yan, para kang ngumingiti sa taong nakasimangot."
"SIRAULO!! Nakakaasar kaya yun."
"Anak ka ng AMPALAYA!! Natural lang na maasar ka! Negatibo ang dating mo. Tandaan mo, hindi ginawa ang pagngiti para maasar ka...NGUMITI KA NALANG.."
"Ayoko, magmumuka lang akong baliw!"
"Bata, para kang YELO!!"
"Bakit? Kase malamig akong tao? Oo ganun talaga ako. BITTER!!"
"Para kang YELO, ANG SARAP MONG IHAMPAS SA PADER AT DURUGIN!! Eh loko kang bata ka! Sa ngayon, hindi mo pa ako naiintindihan. Pero, ang masasabi ko----tignan mo kung gaano ka kaswerte, tignan mo rin kung gaano ako kamalas. Pareho tayong nag-iisa at nawalan, ngunit ikaw? May tahanan at ibang kamag anak ka pang inuuwian. Hindi naman masamang magreklamo, natural lang na magalit tayo sa mundo. Pero alam mo ba, na hindi parin masama ang magpasalamat? Kung ano man ang nangyari saakin kung bakit ako nagkaganito, nagpapasalamat parin ako sa batang nagbibigay saakin ng pandesal tuwing umaga. Hindi ko na kailangang mamalimos. Bata......Kung galit ka sa mundo, wag kang magmukmok at wag mo ring ipagpatuloy na sirain ang sarili mo, gumanti ka! Gumanti ka sa sarili mong paraan! Hindi pa huli sayo ang lahat! Gumawa ka ng panibagong ala ala! Ang pilat ng kahapon ay hindi mawawala, kung hindi mo susugatan ng panibago at maging bagong marka! HAHAHAHAH! BATA!! Ang taong may pinakamasakit na kahapon ay mayroong pinakamagandang ngiti! Kaya, NGUMITI KA NALANG!! AHhahahahHAHhah bwahahaHAhhhaha!
"Hahhahahahahahah! HAHAHahahahaha!"
Hindi ko alam, pero---tumutulo na ang luha sa aking mata.
"Huhusgahan ng mga tao ang anyo at ang mga pagkakamali mo, ngunit ikaw ang mas nakakakilala sa sarili mo. Imbis na dibdibin ang mga salita nila, pakinggan mo ang pintig ng puso mo. Walang lumalabas na salita dyan pero ikaw ang makakaintindi sa nais nitong iparating. May mga dahilan kung bakit buhay ka pa, maaaring isa roon ang pagtatagpo ng landas nating dalawa."
(Kasalukuyan)
Pauwi na ko ng bahay at nabusog sa libreng pagkain ni Zel. Namataan ko si manong Pido! The basura man! naglevel up na after mabansagang BALIW.
"Manong Pido! Asensado na kayo ah? Nagbobote dyaryo ka na!"
"Siraulo! Basura ay basura."
"Hahahaha, sige manong. Uuwi na ko.."
"Sige batang baliw.. Ingat ka baka madapa KA SANA.."
"Si mang Pido talaga oo, hahah Manong para kayong YELO!!"
"Aba, madami-dami pa ang kakainin mong bigas bago mo ako maihampas sa pader!! UUPAKAN na kita. Umuwi ka na!!"
"Hahaha LIGWAK!! hindi yun mang pido... PARA KAYONG YELO, KASI ANG COOL NYO!"
-sspinknow
==========
BINABASA MO ANG
LOVE IS NOTHING
RandomNakabasa ka na ba ng Kakaibang Istorya? Kahindik Hindik? Pero hindi nakakatakot? Nakakatawa pero maiiyak ka? Magulo pero MAKAKARELATE ka!? Sundan natin ang Adventures ni Polinda este ISTORYA NI POLINDA! ANG BABAENG MAY MAHABANG PANGALAN KAKAIBANG KA...