Chapter I: "MAS MATAGAL ANG COMMERCIAL KAYSA PALABAS"
The Past Chronicles----> RAMUEL FLORES STORY
Hi everyone! My name is Ramuel Flores. Ako pala ang bibinyag sa unang chapter ng Love is Nothing 2.
Nakakainis ba? Dahil sa sobrang tagal na ng nobelang ito ay nabaon nadin naman sa limot ng nakararami.
Well, gusto ko lang ipaalala sayo na punong puno ng kag*guhan ang nobelang ito, sa simula palang binalaan kana ni Polinda Delos Santos Delos Reyes na huwag nang ipagpatuloy ang pagbabasa pero heto ka parin at nagbabasa. Ang tigas din ng ulo mo manang-mana ka sa author nito.
Haaay, wala nadin naman akong magagawa. Nandito ka na kaya sisimulan ko na ang katar*nt*duhan na ito.
PS: ANG IKUKWENTO KO AY TUNGKOL SA ILANG PARTE NG AKING BUHAY.
May isang taon nadin ang nakalipas ng umalis si Hunter para magpagamot. Walang araw syang hindi nagpaparamdam samin, ultimo si Boy tinatawagan nya.
Fourth year college na kami, at heto ako may secret mission nanaman, ang maging stalker ni Lin habang hindi pa bumabalik si Hunter.
First step, ang lumipat sa school kung saan sya pumapasok. Hussle lang dahil irregular ako pero nagfull load ako para maghapon akong nasa school.
Simple lang ang school nila Lin. Walang uniform, pwede kahit anong suotin nya kaya naman litaw na litaw ang pagiging boyish nya. Pero alam nyo ba kung ano lalo ang IMBA?
BOYISH SYA PERO ANG GANDA GANDA NYA! I REPEAT! ANG GANDA GANDA NA NYA!
Hindi man nagbago ang fashion sense nya, kuminis naman ang kutis nya. Ikaw ba naman may kapatid na artista, at kinukulit ka pa magpaderma araw-araw hindi ka kaya kuminis at gumanda?
At yung malanding kuya nya? Si Erl? Ayon! Nabigyan ng matindi-tinding break kaya naman laman na ng commercial at teledrama.
Lin: Oy, Ram? Dito ka umupo. Baka may kapreng tumabi nanaman sakin.
Sabi ni Lin habang tinuturo yung upuan sa kanan nya.
Ram: Ah, sure.
Yung kapreng tinutukoy nya? Yung classmate naming matangkad at gwapo. Ewan ko ba, pero para syang si Hunter. Ayaw ding magpatalo kay Lin.
Hmm, sa totoo lang, mas malala na ngayon yung pagiging anti-social at eccentric ni Lin. Nakakatakot na talaga sya.
Mabuti naman at dito ako lumipat kasi wala namang kasama si Lin. Si Rein Philip Santos kasi international theater artist na at nasa Los Angeles sya ngayon, si Krizelda Almeda at Harvey Jimenez engage na at dun sila nakatira sa London.
Tama kayo! Sila din naman palang dalawa ang magkakatuluyan ang dami pang kaartehan sa buhay.
Uupo na sana ako nang may sumipa sa upuan.
*blag!*
Medyo nagulat ako at 'yung salamin ko dumulas sa may ilong ko kaya naman inayos ko gamit ang hintuturo ko. Napatingin naman ako ng bahagya kay Lin na parang may kidlat na lumalabas sa mga mata nya, sinipat ko naman kung saan sya posibleng nakatingin at boom!
Nakatingin sya sa isa pang epal sa buhay nya. Si Lobo. Kung ang tawag nya dun sa isa ay Kapre, dito naman sa tinititigan nya ngayon ay Lobo.
Lin: Sabi ko naman sayo diba? Kung wala kang magawang matino mas matutuwa pa ko sayo kung magpapatiwakal ka nalang.
Sabi nya kay Lobo. Diba? Sabi sa inyo eh, naglevel-up nga yung pagka-eccentric nya.
"Dito ako uupo" sabi ni Lobo ng nakangisi pa. Kung tutuusin? Sya naman ang version ni Dan sa school na 'to. Pero malaki ang pinagkaiba nila, si Dan kasi pademure at akala mo kagalang-galang. Ito namang si Lobo unang tingin mo palang matatakot ka na.
BINABASA MO ANG
LOVE IS NOTHING
RandomNakabasa ka na ba ng Kakaibang Istorya? Kahindik Hindik? Pero hindi nakakatakot? Nakakatawa pero maiiyak ka? Magulo pero MAKAKARELATE ka!? Sundan natin ang Adventures ni Polinda este ISTORYA NI POLINDA! ANG BABAENG MAY MAHABANG PANGALAN KAKAIBANG KA...