UPDATE: AUG.31.15
Chapter 21: "No pain is greater than pain itself."
Kamusta mga readers? Ako nga pala si Polinda Delos Santos Delos Reyes. At ako ay nahihiwagaan na sa ending ng aking kwento. Magulo ang isip ni author parang buhol-buhol na pancit canton. Nagkabuhol-buhol narin ang kwento ng nobelang ito.
Kaya nagpasya si author na huwag nalamang ipagpatuloy.
Pero syempre, joke lang 'yun.
Minsan, kapag nanonood tayo ng teledrama sa telebisyon, hindi maiiwasan na titigan natin at kilatisin ang kakayahan ng mga artista. Minsan pa nga, masasabi mo ang panget naman nyang umarte, maganda lang kaya naging artista. Heto ang mas malupet, ang panget na nga, hindi pa magaling umarte! Ano ba 'yan?
Hindi maiiwasan ang pagbibigay ng saloobin, lalo na kapag nadadala tayo sa eksena at sa mga makapagbagbag damdamin na linya ng palabas. Kadalasan ay magrereact ka pa na hugot! Ihahastag ko 'yan!
Saan nga ba nila hinuhugot ang mga linya na 'yan? Bakit tayo nakakarelate sa mga linya nila kahit hindi naman tayo 'yung karakter sa palabas? Bakit nagkakainteres tayo sa mga bagay na madrama at nakakalungkot?
Isang beses na pinakialaman ko ang account ni Kuya Erl, nakita ko sa newsfeed nya ang mga status ng mga friends nya. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o mayayamot sa mga masakit sa matang mga status. Ilan lamang ang mga ito sa mga halimbawa.
"I'd rather die than commit suicide"
"Dati, fan ako ng AlTab, pero ngayon hindi na kasi OA na 'yung AlTab"
"Taga custom ako! Mayaman ako! Wala akong pakialam sa box nyo"
"Filipinos go abroad because they want to. Philippines has many opportunities but they choose not to take them and risk themselves in the other countries"
"Ampangit nung live action ng AOT. "
"Andami kong tawa dun sa ep ng Gintama! Kurokono Tasuke! LOL!"
"Top 20 names ng babaeng hindi naliligo"
"I thanks my boyfriend 'coz his loving of me and hes very patient for care take of mine. I'll be regret to bad make of my to you. I love you boyfie. BhHhOuxZs thHReyntUaH!"
Hindi ko napansin, dumudugo na pala ang ilong ko. Nahagip ng aking paningin ang isang status na nabaon sa aking isipan.
"No pain is greater than pain itself"
Babasahin ko palang kung kanino ito nagmula ng biglang nagsalita si Kuya.
Erl: honey pie, pag di ka umalis dyan, aagawin ko first kiss mo.
Lin: wag kang mag alala, may first kiss na 'ko.
Napabalikwas sya ng tingin.
Erl: sino 'yung walangyang 'yon?
Ang kaninang nakangisi nyang labi ay napalitan ng pagkaskas ng kanyang ngipin. Pulang-pula din sya sa galit ngayon. Lumapit ako sa kanya at hinalikan ang pisngi nya. Pagkatapos ay tinapik ko ang kanyang balikat.
Lin: si Hunter
Narinig ko rin ang mahina nyang pagmura habang papalayo ako sa kanya. Sakto namang tumunog ang bago kong cellphone. Napansin kong may nagtext sa'kin ngunit minabuti ko munang sagutin ang tumatawag.
Lin: Yes doctor?
Dan: hindi ka ba talaga pupunta kay Ram?
Lin: hindi eh, pupuntahan ko pa si Spencer.
Dan: so you will choose that guy than us?
Lin: oo, may problema ba d'on?
Nagbuntong hininga sya.
Dan: Lin, kung tungkol to saㅡ
Lin: hindi Doctor. Wala akong issue, kailangan ko lang talaga 'yung oras ngayon.
Dan: okay Ice, maybe next time.
Hindi na 'ko sumagot, binaba ko na ang tawag at binasa ang text. Pamilyar ang numero.
From: +639********
Isa-isa na silang mawawala sa'yo. Mararamdaman mo rin ang sakit na naramdaman nila noon.
-end
Napapaling ang ulo ko papakaliwa. Ganito rin magtext 'yung hindi ko alam na 'kung sino dun sa lumang number ko. Nakakapagtaka naman na alam nya agad ang bago kong number.
Gaya ng dati, pinagkibit balikat ko nalang. Tinext ko din si Dice para mapuntahan ko si Spencer. Inaalam nya kung kailan wala itong bisita para mapuntahan namin.
ㅡ
Dice: sorry Pauline, Spencer-ge is no longer in there.
Lin: ha? Eh bakit hindi mo pa sinabi kanina? Hinintay mo pa akong pumasok dito sa kotse mo.
Dice: he was admitted to another hospital. We're going there.
Okay din 'to si Dice, may plan B. Kasalukuyan syang nagmamaneho. Mukang hindi sya mapakali kaya kinausap ko muna sya.
Lin: okay ka lang Dice?
Dice: I'm not. Please be honest this time Lin.
Seryoso nyang sabi. Natigilan ako. Hindi ko mabasa kung ano ang nasa isip nya.
Dice: Is it true? T-that pacemaker?
Pumreno sya at tatimtim akong tinitigan. Tila hinihintay nya akong sumagot kahit parang alam narin nya, na gusto nya lang malinawan. Unti-unti akong tumango. Humigpit ang hawak nya sa manibela.
Dice: Damn!
Pinagpatuloy nyang muli ang pagmamaneho. Gusto kong itanong kung paano nya nalaman ngunit parang nawalan na ako ng boses. Nagmadali syang lumabas ng kotse. Wari ko'y narating na namin ang pinaglipatan ni Spencer.
Dice: fxcking Chinese hospital.
Malaki rin ang hospital na ito. Agad kaming nagtungo sa station.
Dice: Spencer Tan's room
Halata sa nurse na may lahi itong Chinese. Umismid ito sakin at ibinaling nalang ang tingin nya kay Dice.
Nurse: I'm sorry sir, but I'm afraid the patient was not expecting any visitors.
Sinamaan nya ito ng tingin. Pumindot ito sa intercom at nagsalita ng mandarin. Kumunot ang noo ni Dice at nagsalita rin sya ng mandarin. Nagulat ang nurse sa sinabi ni Dice.
Dice: fxcking ugly nurse
Hinatak nya ang kamay ko. Nagmamadali syang maglakad na halos tumakbo na 'ko dahil sa haba ng biyas nya.
Lin: bakit tayo nagmamadali?
Dice: because we're not supposed to be here. In any minute, guards will be chasing us.
Lin: ano?
Pasilip-silip sya sa mga kwarto. Hanggang sa makarating kami sa third floor.
Dice: this way Pauline.
Pagsilip nya sa isang kwarto. Binuksan nya agad ang pinto. Si Spencer ay mahimbing na natutulog. Napangisi sya.
Dice: he looks harmless.
Tinanguan ko sya at tinitigan din si Spencer. Kahit papaano, kailangan kong magpasalamat sa kanya dahil iniligtas nya ang buhay ko.
Lin: baka mahuli tayo dito.
Dice: this is a vip room. We can say that we are his visitors. Especially, when he wakes up.
Ilang sandali pa ng nagising na si Spencer. Nagkwentuhan pa kami. Marami rin kaming napag-usapan. Napagpasyahan narin namin na umuwi ni Dice.
Dice: I told you. He's fine.
Nagpaalam na kami kay Spencer at binuksan na ni Dice ang pinto. Pinauna nya rin akong lumabas. Napansin ko ang isang pinto na may kalayuan sa kwartong pinanggalingan namin. Bumukas ito at iniluwa ang isang taong hindi ko inakala na makikita ko pang muli.
Klein's father.
BINABASA MO ANG
LOVE IS NOTHING
RandomNakabasa ka na ba ng Kakaibang Istorya? Kahindik Hindik? Pero hindi nakakatakot? Nakakatawa pero maiiyak ka? Magulo pero MAKAKARELATE ka!? Sundan natin ang Adventures ni Polinda este ISTORYA NI POLINDA! ANG BABAENG MAY MAHABANG PANGALAN KAKAIBANG KA...