Chapter XI: SMP KA BA!?
Maligayang araw nga pala sa inyo mga astigin 'kong tropa.
Malapit na ang pasko kaya napagpasyahan ng may akda na gawing tema ang kapaskohan pero hindi na nya ginawang special para karugtong padin ng istorya.
Hehehe
Sabi din ng may akda kung may problema daw sa story lalo na sa mga naka mobile or may kulang-kulang, kagaya nalang ng utak ni Author ay idelete nyo daw 'yung story tapos iadd nyo ulit sa library nyo or ilog-out log-in nyo lang daw. Pero, ang pinakamagandang solusyon ay basahin nyo sa kompyuter na may internet connection.
Teka, naiba nanaman 'tong introduction ko. Ehem. Ako nga pala si Santa Claus ho.ho.ho mamimigay ako ng umaatikabong regalo.ho.ho.ho at limpak limpak na aginaldo.ho.ho.ho ang kapal naman ng muka nyo.ho.ho.ho pero syempre, biro lang 'yon.ho.ho.ho
Tama na!
MedyoKorni na.
Ako nga pala si Polinda de los Santos de los Reyes. Ako padin ang bida sa nobelang ito. Nagdaan na ang mahabang panahon pero ang Love is Nothing ay nanatili pading parang traffic sa edsa aakalain mong forever sa sobrang kupad ng pag-usad.
Pera maiba ako, December na mga kapatid. Malamig nanaman ang simoy ng hangin at marahil marami nanamang kabataan ang naghahanap ng init na ang kasagutan daw ayon sa kanila ay isang matinding yakap.
Ehem.
Para daw hindi ka lamigin ngayong pasko. Maghanap ka ng mayayakap.
Sus, andali naman pala.
Sinubukan 'kong yakapin 'yung poste ng Meralco. Pero bakit gan'on? Ang lamig padin!? Mga sinungaling!?
Tama naman 'yung ginawa 'ko diba!?
Naghanap ako ng mayayakap.
Poste nga lang ang natagpuan ko.
Pero kahit na!?
Yakap padin 'yun!?
Unfair!?
O sige, bago pa 'ko tuluyang mabaliw dito. Nagpasya nalang ako na dito magpasko sa bahay 'ko.
Bahay ko, na si Tay Pido na ang nakatira.
Wala na dito si Doughiee. Nandun na sa bahay namin ni Kuya Erl. Dinala kasi ni Boy. Epal talaga 'yun.
Pero bago pa man ako makabalik dito, dumaan muna ako sa matinding drama ng Kuya ko. Wala eh, artista sya eh. Ano nga naman ang laban ng poker face ko d'un!?
Pakiflashback!!
Isang buwan na ang nakalipas simula nung mapabalita na patay na si Hunter.
Pero wala akong pake.
Si Alden nga, pitong taon 'kong inintay tapos si Hunter na isang buwan palang napapabalitang patay susukuan ko na!?
Nye,nye. Ang drama ko paksyet.
Tamang punta ako sa puntod nya. Dito inlibing daw si Hunter sa tabi ng Mama nya.
As usual, kasama ko ang ever gwapo 'kong bespren ngayon. Si Ram.
Ram: napuntahan mo na 'to diba!? Kasama mo pa nga si Spencer at Dicezel dito.
Di ko pinansin 'yung sinabi nya. Snobber muna ang trip ko ngayon. Umupo ako dun sa marble side, at nakipagtitigan dun sa lapida.
Naramdaman 'kong tumabi naman sakin si Ram. Aysus pa-kj effect pa kanina, sasama din naman sakin. Alam ko namang di ako matitiis nyan eh. Haha!
BINABASA MO ANG
LOVE IS NOTHING
RandomNakabasa ka na ba ng Kakaibang Istorya? Kahindik Hindik? Pero hindi nakakatakot? Nakakatawa pero maiiyak ka? Magulo pero MAKAKARELATE ka!? Sundan natin ang Adventures ni Polinda este ISTORYA NI POLINDA! ANG BABAENG MAY MAHABANG PANGALAN KAKAIBANG KA...